L.A.U.R.

2 1 0
                                    

L.A.U.R.
Author: kailellesxcz (ella adriatico)

Love? I don't think I deserve this because I ended up being a broken hearted but there's A thousand butterflies chasing me. Until I bumped into someone and I saw Rich. The man of my dreams.

____________________________________________________________

Hindi mo talaga namamalayan nasa malapit lang pala ang para sa iyo, ano? Na baka kaya siguro ako binigyan ng pagsubok ng tadhana kasi may kapalit naman pala iyong magandang gantimpala. Well, maswerte ako at nakilala ko ang lalaki na palagi kong hinihiling na sana tamang lalaki na ang mapunta sa akin at hindi kung sinong mangloloko lang diyan sa paligid. Hindi man nagtagal ang una kong naging nobyo, sana kapag binigay na sa akin o sa amin ang tamang panahon na maaari na namin mahalin ang isa't isa ng walang halong takot at kaba mula sa aking mga magulang, sana siya na ang maging END GAME ko.

(Louise Marielle)
"Huy mga 'te, uuwi ako riyan sa Cavite, punta kayo, bonding naman tayo."
She's my lovely best friend, Aye.

"G ba! Wait mo ako, punta ako. Na-miss kitaaaa!"
I replied to her, kaya dali-dali akong kumilos.

Nang matapos na ako magkilos, dali-dali akong lumabas ng aming bahay at muling nagpaalam sa aking mama.

"Uwi ako bago mag-gabi! Bye!" Mabilis kong narating ang sakayan patungo sa lugar ng pagkikitaan namin ni Aye, naghintay ako ng ilang minuto at agad din naman akong nakasakay.

Nakarating na ako sa tapat ng subdivision nila, kaya naman agad ko siyang chinat.

"'Te, nandito na ako. Where na you?"
I chatted her. Kaya naman naghintay ako sa clubhouse ng subdivision nila.

I heard my phone's notification, so I immediately opened it and check if there's a new message from Aye. At tama nga ako, nag-reply na siya na malapit na raw sila. Sila? So, may kasama siya?

I waited, until I saw her with two boys, one little boy and one who's same age as me and Aye.  I runs as fast as I can and immediately hugs Aye, medyo nagluha mata ko no'ng nakita ko ulit siya ngayon. God knows how much I missed my best friend. After namin magyakapan, ipinakilala sa akin ni Aye ang mga kasama niya and I found out that the guy who's same age as me and Aye is her cousin.

He's gwapo, I like his aura. Amoy green flag, kidding.

"Si RL nga pala, at saka kapatid ko." I greeted them and I waved my hands to RL.

Pogi nga.

"So, saan tayo ngayon?" I asked Aye while we're crossing the pedestrian lane.

"Harvest. May karaoke ro'n sa dulo, e." I smiled while walking.

Nang makarating na kami sa Harvest, nahanap na namin ang karaoke room.

"Ate, magkano po rent ng karaoke room?" I asked.

"150 po per hour, iwan na lang po kayo ng phone or ID." By that time, nagdadalawang-isip ako kung iiwan ko ba phone ko. Pero bago ako makapag-decide, ibinigay na ng pinsan ni Aye ang phone.

I smiled at him. I paid the rent then we went inside.

"Baks, ikaw na muna kumanta oh." Ani ni Aye, kaya naman kinuha ko na ang songbook sa kaniya.

At first, nahihiya ako kumanta dahil ang awkward ng paligid kahit na nasa tabi ko si Aye. Ilap ako sa ibang tao kaya nahihiya ako sa pinsan ni Aye na si RL. Ipinagsawalang-bahala ko na lang ang awkwardness at itinuloy ang pagkanta. Nang matapos na akong kumanta, pinagpasahan na nina Aye at RL ang song book, ang ending, napunta kay RL ang song book. I silently chuckled to them.

ONESHOT STORIES by kailellesxczWhere stories live. Discover now