MAYBE IN THE PARALLEL WOLRD? [PART 01]

4 0 0
                                    

MAYBE IN THE PARALLEL WOLRD? (PART 01)
kailellesxcz

Should I wait for you? Should I comeback with you?

Sana kung puwede na, puwede pa.

Flashback...

“Lovey, I miss you so much!” I yelled habang tumatakbo ako papalapit sa kaniya. Agad naman niya akong sinalubong ng yakap sabay halik sa noo ko.

“How’s my honey?” paglalambing niya sa akin habang nakasiksik ang aking mukha sa kaniyang dibdib.

“I’m fine, nakita na kita, eh.” I giggled while sniffing his scent. “Ang bango ng bb ko, hihi.” He chuckled and kissed my forehead again.

“Tara?” agad akong napa-angat ng ulo at tumango.

Nagpatinaod na ako sa kaniya, uwian na rin kasi namin galing school.

As usual, gabi ang uwian namin. Same routine, ihahatid niya ako sa may sakayan.

“Lovey, ’di ka ba nagsasawang maghatid sa akin palagi? Look, ang layo ng nilalakad mo pabalik,” masuyo niyang hinawakan ang kamay ko habang naglalakad.

“Hinding-hindi ako magsasawa sa paghatid sa ’yo rito sa sakayan. Hangad ko ang kaligtasan mo palagi.” aniya at napangiti ako sa sinabi niya.

“I love you,” sambit ko sa kaniya at nginitian niya naman ako.

“I love you more, my love.”

End of Flashback.

“Huy, ’te! Tulala ka na naman, iniisip mo na naman ba siya?” nagulantang ako sa pagtawag sa akin ng kaibigan ko.

“Ano pa bang bago riyan kay Elle? ’Di ka na nasanay.” Sagot naman ng kaibigan kong isa.

“Hays.” buntong-hininga na lang ang nasambit ko at nagsalong-baba na lang.

“Uy nandiyan siya sa labas oh!” agad akong napalingon sa labas at nandoon nga siya.

Ang hirap pala magka-ex-boyfriend sa same school, ’no? Lagi kayong nagkikita at nagkakasalubong.

Ang awkward.

“Kung bakit ko pa kasi narinig iyon, edi sana kami pa.” nanghihinayang kong sambit.

“Tanong nga, gusto mo pa ba siya?” tanong ni Leigh.

“Mahal ko pa,” sagot ko.

“Pero paano kung masaktan ka na naman?” tanong naman ng isa kongl kaibigan, ’yong kaibigan kong accling.

“Handa ako. At sana hindi namin pagsisisihan ang mangyayari kapag sakaling dumating ang panahon na muling pagbuklurin ang pag-iibigan namin.” Malalim kong sagot sa kanila.

“Kung ayan ikakasaya mo, sis, just go with the flow. Hangad namin ang kasayahan mo, okay? We love you, Elle!” sinugod naman nila ako ng yakap at napaiyak naman ako.

“Elle...”

Itutuloy...
— comment and share for part 2

ONESHOT STORIES by kailellesxczWhere stories live. Discover now