Chapter One

29 1 0
                                    

THIS must be really something serious.  Iyon ang kanina pa tumatakbo sa isip ni Urbanus habang nakaupo sa family library nila. Nagulat pa siya nang pagpasok niya roon ay kompleto silang magkakapatid. Apat silang magkakapatid----tatlong lalaki at nag-iisang babae ang bunso nila. At para sa kanilang apat ay bihirang mangyaring magkasama-sama sila nang wala namang mahalagang okasyon. Iba-iba ang personalidad nila kaya iba-iba rin ang propesyon na tinatahak nila. Their parents didn't mind that they lived separately. They gave them freedom. Isa pa, welcome silang lahat sa bahay nila kahit kailan nila maisipang matulog doon.

"Kuya JR, ano'ng meron?" hindi na yata nakatiis na tanong ni Gauis. Pangatlo ito sa kanilang magkakapatid. Frustrated investigator ito kaya likas na curious ito sa mga bagay-bagay. Ito rin ang tipo ng taong hindi nagtitigil hangga't hindi nasasagot ang tanong. Kapag tahimik ito, alam nilang nag-iisip ito ng maitatanong.

Nagkibit-balikat lang siya. "Gaya ninyo, wala rin akong alam."

"It must be something about gifts, right? O baka naman bakasyon uli? Remember noong last na niyaya tayo ni Daddy na magbakasyon? Nag-meeting din muna tayo," ani Crystal na kumikislap pa ang mga mata. Crystal was the youngest, and the only girl among them. Kaya halatang-halata ang pagiging spoiled nito kahit sa kanilang tatlo.

"It's not always about you, little sister."

"Heh! Nag-a-assume lang naman," pakli ni Crystal kay Aquila.

Tumaas ang sulok ng labi ni Aquila .
"Masama ang masyadong assuming."

"Masama rin ang palaging kumokontra, nawawala ang positive energy."

Napapailing na lang siya sa dalawa. "Crystal, Aquila, stop it. Ano ba naman kayong dalawa, daig n'yo pa ang mga bata kung mag-away."

"Kuya JR, hindi kami nag-aaway."

"Oo nga naman, Kuya. Kapag nakita mong ginigilitan ko na ng leeg si Kuya Quil o kaya ay ibinitin ko na siya nang patiwarik, iyon walang duda, nag-aaway na kami." Tumaas-baba pa ang mga kilay ni Crystal.

Parang nai-imagine na niyang ibinibitin ni Crystal si Aquila. Kunsabagay, kayang-kayang gawin iyon ng bunso nila dahil mas malaki ito kay Aquila. Isa pa, athletic ang kapatid niya.

Bago pa muling makapag-asaran ang dalawa ay bumukas na ang pinto ng library nila. His father smiled when he saw them. May dala itong isang folder kaya sa palagay niya ay seventy percent ng pag-uusapan nila ang tungkol sa business.

"Daddy!" hyper na sigaw ni Crystal pagkakita sa kanilang ama.

"Hi, princess." Humalik ito sa pisngi ng bunso nila at niyakap ang kapatid niya. "Hello, my dashing son."

Gusto niyang matawa sa paraan ng pagbati nito sa kanila. Kahit kailan talaga, bagets na bagets ang dating ng daddy nila.

Ngumisi si Aquila. Mukhang feel na feel nito ang pagtawag dito ng dashing son.

"Masaya akong nandito kayong lahat. Ang hirap niyong hagilapin. My secretary had to go through enormous stress to synchronize your schedules. Minsan mas gusto ko pa noong mga bata kayo, nandito lang kayong lahat sa bahay. Isang sigaw lang ng mommy n'yo, nasa kuwarto o art room na agad kayo," angal ng daddy nila.

And yes, he could imagine his mom shouting at them.

"Naks, Dad, is this one of your dramatic performances? Bakit Wala si mommy? Siya pa naman ang dapat na pambato ko sa pagiging Best Actress," puna ni Aquila.

Tumawa ang daddy nila. " Nagre-rehearse pa ang mommy n'yo. Sa dinner na Lang daw siya hahabol ng FAMAS moment natin."

Tumikhim siya dahilan upang mabaling sa kanya ang atensiyon ng lahat.

HEIRLOOM: The Spell Of An Ancient Moonstone (Book 1) by: Nicka GraciaWhere stories live. Discover now