PROLOGUE

66 2 0
                                    

"THE MOONSTONE is characterized by an enchanting play of light. Indeed it owes its name to that mysterious shimmer which always changes its aspect when the stone is moved. In ancient times, people believe they could detect the crescent and wanting phases of the moon, et cetera, et cetera. Anything else you want to add, Crystal?"

Nginisihan ni Crystal si Gray. "Wala na," sagot niya.

Inilapag ni Gray sa harap niya ang isang notebook na pinagbasahan nito ng mga sinabi niya tungkol sa ancient moonstones. Pinakatitigan siya nito pagkatapos ay tumaas ang isang sulok ng mga labi nito.

"Don't give me this crap, honey. Ayoko ng impormasyong kinabisa mo lang sa Internet."

Damn this man! "Those are facts," depensa niya sa lahat ng mga sinabi niya. Ano bang pakialam nito kung kinabisa lang niya ang lahat ng iyon mula sa Internet? At least she had said something sensible.

Pumalatak ito. "You're underestimating me, honey. Nakakasama ka naman ng loob. Don't you think I do my research? Lahat ng sinabi mo sa akin ay nabasa ko na rin sa internet. May kopya rin ako n'on kaya hindi ka makapagkakaila na tinulungan ka ni Mr. Google." Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ito. "Cat got your tongue, honey?"

"Tigil-tigilan mo'yang kakatawag mo ng 'honey' sa akin at naaalibadbaran ako," aniya sa mataas na tono.

Sa halip na masindak ay dumukwang ito palapit sa kanya. " If my memory serves me right, gustong-gusto mong tinatawag kitang 'honey,' hindi sa iilang pagkakataon."

"That was long time ago," paasik na wika niya rito. Mahigpit niyang ikinuyom ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Ibayong pagtitimpi ang ginawa niya para hindi mag-walk out sa cafe na iyon o kaya ay gumawa ng eksena.
"Pwede bang tapusin na lamang natin ito?"

"Sure. Matatapos lang Ang lahat ng ito kung ibibigay mo ang gusto ko. Tell me the real history of your family heirloom. The real story." Bumalik ito sa pagkakasandal at humalukipkip. Nagsukatan sila ng tingin. Nang hindi makatagal ay siya na ang kusang nag-iwas ng tingin dito.

Huminga siya nang malalim. "Fine, after all, we have a truce. Let's just get this over with."

Naging seryoso na rin ang expresyon nito. " Yes, a truce is a truce, Crystal Sorelle."

"Ano'ng gusto mong malaman?"

Muli nitong kinuha ang notebook. " Simulang mo sa kwento nina Faith at Urbanus."

"Naikuwento ko na ang lahat ng 'yan sa 'yo. Alalahanin mo na lang at iyon ang isulat mo sa pesting documentary na 'yan o kung anuman 'yang ginagawa mo then leave me alone."

Gumuhit ang isang pilyong ngiti sa mga labi nito. " Kapag inalala ko lahat, iba ang pumapasok sa isip ko."

Sukat sa sinabi nito ay agad na nag-init ang mga pisngi niya. Sinipa niya ito sa ilalim ng silya. "Pervert!"

"I'm a writer, Crystal. Ano'ng magagawa ko? Malawak ang imagination ko at matalas ang memorya ko."

"Matalas naman pala ang memorya mo, puwes alalahanin mo na lang ang lahat," pagmamatigas pa rin niya.

"Do you want your freedom or not?" May himig na pagbabanta ang boses niti. Seryoso ang mukha nito. Ganoon ito kapag nagagalit. And she was somewhat taken aback. Sa loob ng ilang taon ay hindi niya alam na ganoon parin ang magiging epekto nito sa kanya. Gray could still overpower her like before.

"Fine." Tumingin siya sa labas ng glass paneling ng cafe kung saan sila naroon . Pagkatapos ay napangiti siya kahit paano. Naalala niya ang nabasa niya sa Internet. Most of the things on the Internet were true. Well, to her, at least. Naalala niya ang isa sa mga research din niya tungkol sa mga moonstone noong obsessed pa rin siya roon.

"The soft shimmer of the moonstone strengthens our emotional and subconscious aspects. The associations connected with it make it a lovers'stone, evoking tender feelings ang safeguarding the true joys of love."

Ah, yeah, love!

Disclaimer: this is not my book this is from Nicka Gracia the original author. Gusto ko lang eh share ang napakagandang series na isinulat niya and I feel inlove with it (char) anyway isa pala sa ako sa mga fan ni Ms. Nicka Gracia I love this series maam I hope soon ma meet ko po kayo in person para makapag autograph sa libro niyo po hehe.

HEIRLOOM: The Spell Of An Ancient Moonstone (Book 1) by: Nicka GraciaWhere stories live. Discover now