Prologue

18 7 0
                                    

"Ma, ayoko po sumama sa Quezon. Pwede bang maiwan nalang po ako dito sa Paranaque?" Pangungumbinsin ko kay Mama.


Ayaw ko talagang sumama sa probinsya kasi nga malayo yon sa kinagisnan ko. Dito na ako lumaki at nagkaisip sa siyudad. Mas sanay ako na malapit sa Mall, sa mga ibat ibang establishment. Mayroon naman sa probinsya kaso malayo.


"Anak, punta naman tayo sa Quezon. Tutal bakasyon mo naman na. Miss na miss na kasi ni Mama ang buhay sa probinsya eh" sabi ni Mama habang naka pout pa.


Napa-irap nalang ako sa hangin at ngumiti.


Dahil nga sa tagal na namin dito ni Mama sa Siyudad na-miss nya din talaga ang buhay sa probinsya. Ang OA nga niya minsan mag kwento eh. Bibili lang sa palengke ng dahon ng malunggay sasabihin nya. 'Eh hinihingi lang namin to sa kapitbahay namin non eh'


Ewan ko ba. Kaya minsan ayaw ko sumama kay Mama sa palengke kasi madami syang litanya. Minsan nahihiya na ako kasi grabi makatingin yung tindera samin.


"At tska anak, maaliwas doon kaysa dito sa Maynila. Ipahinga natin yung katawan natin sa polusyon" pangungumbinsi niya pa lalo. Eh ano pa nga bang magagawa ko diba?


"Sige na nga Ma. Basta uuwi din tayo dito ha" nakangiting sabi ko sakanya.


Napangiti naman sakin si Mama.


Kung hindi ako sasama ay paniguradong hindi pupunta si Mama sa Quezon. Gusto nya palagi akong kasama kada uuwi sya sa probinsya.


Gusto ko din naman manirahan sa probinsya kaso kasi parang hindi ko kakayanin yung malayo ang tindahan kapag gusto mo bumili, malayo din ang bayan, wala din night life doon. Alas siyete palang ay sarado na ang mga tindahan at nasa loob na ng bahay ang mga tao.


"Kaya ba ayaw mong sumama kasi, natatakot ka na baka aswangin tayo ulit?" Nagtatakang tanong sakin ni Mama habang kumakain sya ng popcorn sa sofa habang ako naman ay nag cecellphone. Napatingin ako sakanya at napaisip sa sinabi sya.


"Hmmm, oo din Ma. Bukod sa walang night life at malayo ang Mall. Isa din yon kung bakit ayaw ko umuwi" sabi ko naman.


Eight years old ako nung naranasan ko yung kababalaghan na yon sa bahay nila Lolo sa Probinsya. Buntis kasi si Ate Marita noon, kaya halos gabi gabi kaming dinadalaw ng aswang.


Nasa anim na buwan na yung tiyan ni Ate Marita nung naranasan namin yung pinaka malalang pag atake ng aswang sa bahay namin. Dis oras na ng gabi ng nagulat kami sa kalabog na narinig namin sa bubong ng bahay. Grabi yung takot namin ni Mama kasi rinig na rinig mo na sinusubukan ng aswang na sirain yung bubong namin.


Umalis lang yung aswang nung hinamon ni Lolo yung aswang na kung hindi sya aalis ay papatayin siya ni Lolo habang hinahampas ang buntot pagi sa haligi ng bahay. Habang humahampas ang buntot pagi na yon ay maririnig mo ang atungal ng baboy na akala mo kinakatay.


"May aswang pa din kaya Ma sa probinsya?" Tanong ko kay Mama. Tumingin ito sakin at tinaas taas ang kilay. Na parang sinasabi nito na mayron pa talaga.


Jusko, kahit di ako buntis ay parang ayaw ko na umuwi!


"Eh bakit pa tayo uuwi Ma. Nakakatakot kaya" nakabusangot na sabi ko. Natawa naman si Mama sa expresiyon ng mukha ko.


Siguro dahil sa sanay na siya sa ganun pero ako hindi. Nakakatrauma kaya kapag naranasan mo yon. Kahit walang buntis ay pwede ka pa din atakihin ng aswang lalo na kapag alam nilang bagong salta ka lugar na yon.


"Ma, wag na tayo umuwi. Dito nalang tayo. Baka mamaya unang gabi palang natin don eh aswangin na tayo" sabi ko sabay kapit sa braso ni Mama na parang nanlalambing.



Hinawakan ni Mama ang kamay ko at hinimas himas iyon.


"Nak, palaging andito si Mama para ipag tanggol ka. Palagi kitang babantayan" nakangiting sabi nito sakin.


Napangiti naman ako sa sinabi ni Mama at niyakap ko siya ng mahigpit.


Dahil totoo naman yung sinasabi niya. Never naman talaga ako pinabayaan simula bagets palang ako. Mapa aswang man yan o sa engkanto talagang grabi kung ipagtanggol at ilaban ako ni Mama.


Dati kasi palagi akong nababati or kaya naman nanu-nuno. Ewan ko ba kung bakit trip na trip ako ng mga unknown creatures na yan. Wala na nga akong maalala na may nakakalaro pala akong ganun eh. Hindi ko na maalala mukha nila. Kaya nga kada mag kukwento si Mama ng mga ginagawa ko dati nung bata pa ako hindi ako naniniwala eh.


"Kailangan ba alis natin, Ma?" Tanong ko.


"Siguro next week na tayo umuwi. Bili muna tayo sa divisoria ng mga ipapasalubong natin sakanila" napatango tango nalang ako sa sinabing yon ni Mama.


Kailangan ko nanamang i-kondisyon ang mga kasu-kasuan ko dahil panigurado ay madami nanaman kaming bibilin nito sa divisoria. Mukhang lahat ng mall na nandon ay iikutin talaga namin.


Hindi nalang ako nag rereklamo kasi naman ay pag may gusto akong ipabili ay hindi nag dadalawang isip na bilin ni Mama. Kapag uuwi kame sa probinsya ay ganon. Kahit anong iabot mo kay Mama bibilin niya. Unlike kapag ordinary days na tatanggi talaga sya nakakaloka. Parang tipikal na nanay talaga.


Pagkatapos namin mag usap ni Mama sa sala ay umakyat na din ako sa kuwarto ko. Yung pakiramdam ko ay parang nagdadalawang isip. Parang gusto ko pang kumbinsihin si Mama na ayaw ki talaga sumama. Kasi wala namab akong gagawin don eh kundi mahiga maghapon. Kung gagala naman ako puro bukid at bundok lang. Panigurado iitim nanaman ako nito.


Bawal ka pang makipag usap sa mga hindi mo kakilala kasi nga baka mausog ka or baka namatanda ka ganun. Kapag andon din ako kung ano ano ipinapasuot sakin ni Lola kasi nga baka mapag katuwan daw ako ng mga nilalang.


Eh anong magagawa ko diba? Kundi sundin sila kasi nga wala naman akong kaalam alam sa mga pamahiin at gawi nila doon.


Nakakainis?! Ayaw ko talaga sumama


Basta bahala na?! Sana this time ma enjoy ko naman ang probinsya. Sana hindi ako mapano doon kagaya ng mga naranasan ko nung huling umuwi kami ni Mama.

Sa Mundo Ng EngkantoWhere stories live. Discover now