Chapter 4

19 4 10
                                    

Mexico

Nanginginig ang mga labi ko, ang buong katawan ko ay nanlalamig sa hindi ko malaman ang dahilan. Kahit nakatalukbong ako ng kumot, ramdam na ramdam ko parin ang ginaw! Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit parang may kung ano sa puso ko na kailangan kong tuklasin!

"Tangina, hindi ako makatulog!" Inis na sigaw ko sa sarili ko na siyang dahilan kung bakit ako bumangon sa kama. Nanginginig kong inilibot ang mga mata ko sa buong paligid at napapansing hinahangin ng malakas ang kurtina sa kwarto ko. Nanliit ang mga mata ko nang makitang nakabukas ng kaunti ang bintana.

"Kaya pala." Bulong ko, agad akong umalis sa kama at walang pagdadalawang-isip na isinarado ang bintana pero nagulat na lang ako nang biglang may mga kung anong imahe sa utak ko ang nagsilitawan!

I painfully put my hands above my head, hoping that it can stop the excruciating feeling within my head but it's still useless! The pain is still there!

Lumayo ako sa bintana at napaupo sa kama habang sapo-sapo ang ulo ko. Natigilan ako dahil mas lalong lumamig ang buong katawan ko at ni pati ang tuhod ko ay nanginginig na rin dahil sa sobrang lamig!

"A-Ang sakit!" Bigla na lang akong may nakitang imahe na putok ng baril, mga taong hindi ko batid kung sino dahil sa hindi ko makita ng klaro ang mga itsura nila.

It was blurry!

Ibang imahe na naman ang lumabas at may kung ano sa bahay na nagkakagulo, may mga pulis habang rinig na rinig ko ang mga iyakan. Idiniin ko ang mga mata ko para sana mas pigilan ang sakit pero nabigla na lang ako dahil sa imahe ng anino na may mahahabang sungay!

"Fuck!" Malakas na sigaw ko, akmang iuuntog ko na sana ang ulo ko malapit sa pader nang bigla na lang nawala ang sakit na siyang ikinahinga ko ng mabilis.

Para akong hinabol ng kung anong halimaw dahil sa bilis ng paghinga ko at dahil na rin sa pagbilis ng tibok ng puso ko. Ang sakit na nasa ulo ko ay bigla na lang nawala na para bang isa lang 'yong bangungot pero hindi ito isang panaginip!

I am fucking awake and I can still feel the nervousness because of those blurry images!

Matapos ang ilang oras ay hindi na ako tuluyan nakatulog dahil sa nangyari. Hinihintay ko talaga na panaginip lang ang lahat pero sa kasamaang palad, totoo ang mga nangyari at totoo ang sakit na naramdaman ko kanina. Ang kaba ay nandidito parin, pati na rin ang saglit na takot dahil sa anino na nakita ko na may mahahabang sungay ay nandidito parin.

"Anak, kailan ka ba uuwi? Hinahanap ka na ni Daddy mo. He misses you already, he was hoping that you are already here after his deals in States." Huminga ako ng malalim dahil sa biglaang pagtawag ni Mommy sa akin. Kahit naman ako ay nangungulila na sa kanila at kailangan na kailangan ko ang mga suporta't aruga nila dahil sa hirap na nararamdaman ko ngayon.

I really want to quit the organization but I don't know if I can really leave my friends there. And my fucking work, I love my fucking work. I am already into killing evil criminals and help people to have their justice.

"Mom, uuwi ako. Baka next week, try ko next week. I can't promise po pero gagawin ko ang lahat para makauwi sa susunod na linggo." Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito na siyang ikinatigil ko at parang may kung anong kirot sa puso ko dahil doon.

I'm sorry Mom.

"Sana totoo na 'yan, at sana talaga ay makauwi ka na. Lagi mo na lang sinasabi na next week pero hindi ka naman umuuwi. Alam mo namang kami na lang ni Daddy mo rito sa mansiyon." I nodded as if she can see me. Fine, I'll go home.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Escaping The Curse of Death [BL]Where stories live. Discover now