Chapter 3

15 4 21
                                    

Mexico

"Mexico! Hoy! Mexico!" Agad akong naalimpungatan nang may kung sino man ang gumising sa akin. Hingal akong hinabol ang hangin dahil sa sobrang kaba at takot dahil sa tanginang bangungot na 'yon!

"V-Veralya!" Taranta kong tawag rito habang inis itong nakatingin sa akin. Nilibot ko ang buong tingin ko sa paligid at nakitang kakaunti na lang ang mga tao. Huminga pa ako ng malalim at inayos ang sarili. Pinunasan ko ang noo ko dahil sa may kung anong mga pawis ang nandoon!

"We have to go! Kanina ka pa lasing kaya uuwi na tayo! Gosh, nakakahiya kina Ate Seliona at Felionan dahil sa hindi mo na sila pinansin at bigla ka na lang bumagsak sa sahig." Hindi ko alam kung anong klaseng panaginip na 'yon na para bang sobrang totoo! Halos humiwalay na ang buong kaluluwa ko sa katawan dahil sa masamang panaginip na 'yon!

"Nakikinig ka ba? At teka, si Alyara nga pala ay umuna na. Nagmamadali dahil gusto ng umuwi. Halika na, tumayo ka na diyan. Mukhang ayos ka naman na." Nagpatianod na lang ako sa paghila ni Veralya sa braso ko, hindi na ako kumontra pa dahil sa parang natulala ako sa bangungot na 'yon!

Inang 'yan!

Dumaan ang dalawang araw ay agad na kaming bumalik sa trabaho, hindi ko na rin ulit napaginipan ang bangungot na 'yon kaya naging maayos na rin ang pagtulog ko sa mga araw na lumipas. Pero, hindi parin matahimik ang buhay ko dahil sa iba pang mga empleyado na nakangisi lang na nakatingin sa akin ngayon habang dumadaan ako!

"Psh, bumagsak daw 'yan no'ng party. Nako, nakakahiya, nasa grupo pa naman ni Felionan." Hindi ko na lang pinansin at nilagpasan na lang pero sa kamalas-malasan, binangga ako ng kasama niya na siyang ikinahulog ng mga dala kong papeles.

"Bakla nga, lampa eh." Natatawang turan ng isang lalaki, kasama ang isa pang lalaking natutuwa sa nakikita niya. Sinamaan ko sila ng tingin na siyang ikinaabante ng isa.

He is fucking smirking at me like he is challenging me to punch him. If I am just in a mood, I'll make sure that his nose will damn bleed!

Pasalamat siya wala ako sa mood.

"Bakit? Angal ka? Aangas ka? Psh, baka nga hindi mo mahawakan ng maigi baril mo eh." Natatawa nitong turan na siyang ikinailing ko na lang at pinulot ang ibang mga papel na halos liparin na.

Mas lalo akong nilukuban ng galit nang bigla na lang tinapakan ng isa pa ang papel at halos magusot 'yon dahil sa pangit niyang sapatos!

Tangina!

Itong dalawang 'to, kapag hindi ako nakapagtimpi, yari 'to sa'kin!

"Gusto mong putulin ko 'yang paa mo?" Lahat napalingon sa bagong dating na si Veralya na ngayo'y masama ng nakatingin sa dalawang lalaki, lalo na sa lalaking tinapakan ang papel.

"Bakit? Kaya mo?" Ngising turan pabalik ng lalaki pero dahil sa inis ko, sinipa ko ng malakas ang paa niya na siyang hindi niya inaasahan kaya agad siyang natumba sa sahig nauna ang puwetan niya. Napangisi na lang ako dahil sa pagpikit niya ng bahagya dahil ata sa sobrang sakit ng pagkakabagsak niya.

"I can still fucking relax if I am just the one that you're giving shits like that, but it's another story if you'll talk trash about my friends." Malamig kong sambit, tumayo ang lalaking sinipa ko na siyang agad rin namang dinaluhan ng kasama niyang lalaki. Napangisi ako dahil sa nakikita ngayon.

Escaping The Curse of Death [BL]Where stories live. Discover now