AID2: Execute the Target

3 2 0
                                    

❀ ❀ ❀
DALLIANE's POV

"Shh, this won't take long,"

I smirked as I covered each mouth of the guards that was inside the monitor room. Ang ingay-ingay kasi putcha, hindi ako maka-concentrate! Tinulak ko ang sarili na naka-upo sa swivel chair pabalik sa desk kung saan naka-lagay ang iilang computers at ang isang malaking screen kung saan makikita ang lahat ng cctv footages sa iba't-ibang sulok nitong hotel.

"Dani, nandiyan ka pa ba? huwag mo naman akong i-ghost masyadong masakit."

Napa-irap ako ng marinig si Yuwon.

"Use our Agent name baka may makarinig sayo diyan," ganti ko.

"Ay! sorry, sorry, my false!"

Naririnig ko naman ang mga yabag niya, paniguradong naglalakad na ito papunta sa lugar kung saan ko siya sinabihang pumunta. Mahina akong natawa ng maalala kung paano ko siya pagti-tripan ngayong gabi.

"Nandito nako sa ventilation room, Agent Virus. Anong gagawin ko dito?"

Napangisi ako, "Do you see the opening of the air vent?"

Ilang segundo pa siya natahimik bago sumagot.

"Oo nakikita ko, so ano ngayon?"

"Pumasok ka diyan,"

"What?! naririnig mo ba ang sinasabi mo?"

"Loud and clear, Agent Hoax," I answered at tinakpan ang bunga-nga ko para hindi niya marinig ang aking pagtawa.

"Ihh, ayoko!"

"Stop whining like a child and do your job," sagot ko.

I heard her complain on the other end of the line. Narinig ko naman ulit ang ingay ng mga yabag niya. Tumingala ako para makita sa malaking screen ang cctv footage sa loob ng ventilation room. There I saw her crawling her ass inside at bakas sa mga galaw nito ang pagka-inis.

Payback time, Yuwon!

Masikip. Mainit. Mahirap.

"Putcha, air vent ba 'to o impyerno?"

Yuwon complained for the 9th time.

"Sure ka bang ito lang ang tanging daan papasok?" rinig kong tanong niya.

Hindi ko muna siya pinansin at pinokus ang atensyon sa dala kong laptop. Kasalukuyan kong hina-hack ang natitirang cctv cameras nitong hotel para makagalaw sila ng maayos at para walang makitang ebidensya ng pagpunta namin dito ang mga imbestigador pagkatapos ng mission na ito. I'm sure na ang cctv footages ang una nilang titingnan para makahanap ng lead.

"Yeah! so stop complaining and do your work." pagsagot ko.

I know Yuwon surely doubts me now. Alam niyang galit ako sakanya kaya diyan ko siya pinadaan sa air vent. Alam ko rin na may hinala siya na may iba pang pwede pasukan dito sa building papunta sa kitchen. Matalino rin naman 'yan eh, pina-iiral nga lang ang katangahan.

I monitored her in the cctv footage. Nakita kong maingat siyang gumapang sa loob nito at hinanap kong nasa'n ang kusina.

"Ay kalabaw!" she quitely exclaimed.

"Bakit?" tanong ko.

"What the hell is this Agent Virus?! hindi mo manlang ako ininform na pati pala dito may cctv sila! dito mo pa talaga ako pinadaan!"

She almost cursed me to death.

"Hoy! baka nakakalimutan mong Type B ang dugo mo hindi OA," inis kong sagot. "I already hacked those before I told you to enter that air vent and your reaction, is top tier," Then I burst into laughter. Sayang hindi ko na-picturan ang reaksyon niya pwede ng pang-entry sa Oscar's 'yon.

Agents in Disguise Where stories live. Discover now