AID3: Sneak out

7 2 0
                                    


YUWON's POV

Nagising ako sa magka-halong ingay na naririnig ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at bumungad sakin ang isang puting kisame. Wait? nasa heaven na ba ako? ba't ang ingay? baka rush hour lang, ganon. After a few minutes of adjusting my eyesight ay unti-unti ng lumilinaw ang mga bagay sa paligid. Wala pala ako sa langit, nasa kwarto lang pala.

"YOU SHOULD HAVE INFORMED ME WITH YOUR PLAN, DANI!" 

"IN-INFORM NAMAN KITA AH?!"

"MAMA MO INFORM! YUNG ISA OO, PERO YUNG PART NA ALAM MONG DRUG ADDICT ANG TARGET NATIN, HINDI!"

"HINDI NAMAN KASI AKO SURE!"

"IKAW? HINDI SURE? KAILAN LANG HA!?"

"ANO BANG TINGIN MO SAKIN, PERFECT? THERE WILL BE CIRCUMSTANCES THAT I'LL BE WRONG ARIS. KAYA GUMAWA AKO NG PLANO PARA MAPATUNAYAN KUNG TAMA BA AKO!"

"KAHIT NA! YOU SHOULD HAVE JUST TOLD US! AYAN KASI ANG PROBLEMA SAYO EH, YOU'RE TOO SECRETI—"

"POTEKKKKK! HINDI PA BA KAYO TAPOS?! KASI YUNG PASENYA KO SA INYO PATAPOS NA!"

Natigil ang rebatan ng dalawa ng sumigaw ako. Napatingin silang dalawa sakin at sabay ding bumuntong-hininga.

"Gising na si tanga," bulong ni Aris.

Pinanliitan ko siya ng mata, "Rinig ko 'yon, ah!"

Umirap lang siya at nameywang.

"Ano bang pinag-aawayan niyo diyan? hindi parin ba kayo tapos?" tanong ko at tinulungan ang sariling bumangon at sumandal sa head board ng kama.

Inis na tiningnan ni Aris si Dani, "Explain, bitch."

Dani sighed at umupo sa paanan ng kama ko. "I used you as bait, Yuwon." panimula niya.

Kumunot naman ang noo ko. Hindi ko siya gets? anong ibig niyang sabihin?

"Saan?" tanong ko.

"Sa mission natin nong nakaraan," tipid niyang sagot.

Nakaraan?!

Ang naalala ko lang ay nandilim ang paningin ko matapos kong maaksidenteng tikman ang sopas na may lason na ako din naman mismo ang naglagay. After 'non wala na, wala na akong matandaan pa.

"Wait— anong nakaraan? ilang araw na ba akong tulog?" naguguluhan kong tanong habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"48 hours," Dani answered.

Kumunot ang noo ko, "48 hours?" itinaas ko ang isang kamay at sinimulang bilangin kung ilang araw ba yung 48 hours.

"Dalawang araw 'yon, tanga," sulpot ni Aris sabay irap sakin.

Nanlumo ako, another episode of Yuwon being slapped by reality na bobo nga talaga siya. Lalong-lalo na sa math at sa pesteng conversions na 'yan, punyeta.

Itong si Dani kasi, may pa 48 hours 48 hours pang nalalaman pwede namang sabihing dalawang araw nalang. Hays, ang hirap talaga mag-tanong sa mga matatalino. Naawa tuloy ako sa natitirang braincells ko. Pero seryoso? dalawang araw akong knock out? isang daliri lang nga yung sinawsaw at tinikman ko doon eh, pero ganoon agad kalakas ang resulta? Pano nalang kaya kung buong kaldero ang kinain ko?

"Anyways, 'yon na nga 'nong nabasa ko yung profile ng target ay nagtaka ako kung pano siya yumaman ng ganon kabilis dahil nag-trabaho daw siya at the age of 19 at naging bilyonaryo agad sa edad na 21. Ang sabi nga doon dahil daw 'yon sa mga hotels na pinatayo niya. Pero paano nangyari 'yon? nag-research pa ako tungkol sakanya at nabasa ko na he started his hotel business at the age of 30. So, pano nangyaring naging bilyonaryo siya at the age of 21 palang? kung 30 years old siya nagsimula sa negosyo niya?" paliwanag niya.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : 6 days ago ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Agents in Disguise Où les histoires vivent. Découvrez maintenant