Kabanata Walo

2 0 0
                                    

Kabanata Walo —Tell Me Where It Hurts

"Sigurado ka bang hindi ka hahanapin sa inyo? Baka hapon pa tayong makauwi," paniniguro ko kay Lionel.

Nasa tabi ko siya. Parang estatwa na nakatayo at tinitingnan lang akong magluto ng tanghalian namin.

"Hhm. May mga kapatid naman akong mas binibigyan nila ng pansin," sagot niya na parang wala lang.

Sinamaan ko siya agad ng tingin. Hindi ako nakaramdam ng awa sa sinabi niya dahil sa ekspresiyon niya sa mukha.

"Aah, hindi ka only child? Akala ko only child ka dahil ugaling spoiled brat ka."

"Ikaw? Siguradong only child ka. Halata kasing hindi ka kinulang sa aruga," sarkastikong sagot niya na sinagot ko lang ng irap.

"Mayaman kayo no? Kasi, hindi ka marunong tumulong e. Ni hindi mo alam ang tamang asal kapag nasa bahay ng ibang tao."

"Sa bahay namin, ang bisita hindi pinapakilos...pinagsisilbihan. Try mong pumunta sa 'min ng malaman mo kung pa'no tratuhin ng tama ang bisita."

Na-offend agad ako sa sinabi niya. Anong pinapalabas niya? Na dahil pinapatulong ko siya, hindi na ako marunong tumra—

"Close kayo ng Lolo mo?" putol niya sa iniisip ko.

Sandali ko siyang tiningnan bago bumalik sa paghihiwa ng mga rekados. Nagkibit balikat din ako.

"Hindi ko alam."

"Naglalaan ka ng oras para bisitahin siya dito sa Makati. Kahit hindi naman malayo sa Manila, pumunta ka pa rin dito para bisitahin siya."

Hindi ko naman masabing dahil utos ni dad kaya ako pumunta. Gusto ko rin kasing makita si Lolo dahil matagal ko na talaga siyang hindi nakita.

Wala namang mawawala kung bibisita ako. Mas gusto ko dito kesa sumama kina mommy at Tito Ronald sa hiking date nila.

"Respeto ko na lang siguro dahil Lolo ko siya."

"Ba't hindi mo kasama ang mom mo?" tanong niya.

"May date siya," nagkibit balikat ako.

Inilagay ko ang mga rekados na nahiwa sa isang plato bago hiniwa ang ibang gulay na kailangan ko.

"Sila ng dad mo?"

Umiling ako. "Ng workmate niya. Divorce na ang parents ko, last year pa."

"Harsh. Tapos only child ka," he pointed out the obvious.

"Hindi naman masakit. Mas masakit para sa akin na makita silang dahan dahang nawawalan ng pagmamahal sa isa't isa."

"You are strong. Kahit mukhang mahina ang mentality mo."

Inirapan ko siya. Pinaabot ko sa kanya ang kaldero na gagamitin ko sa pagluluto. Buti na lang at sinunod niya ng walang reklamo.

"That's the bad side of divorce. Parents get to move on, pero ang mga anak nila..."

Bumuntong hininga ako at kinuha ang kaldero sa kanya. Hinugasan ko rin ito.

"Hindi magkasundo si mommy at ang family ni dad. Siguro kahit noon pa, hindi na talaga sila nakatadhana. I guess nagpakasal lang sila kasi wala silang choice. Nabuntis si mommy eh."

"Sayo?"

Umiling ako. "My older sister. She died when she was three. Nalunod nung nag family outing dahil birthday ni Lolo."

Mukhang nagulat ata siya sa sinabi ko dahil bahagya siyang natigilan at natahimik. Natawa ako sa reaksiyon niya. Everything happened before.

"Nangyari lang ako kasi kailangan daw nila ng ipapalit."

Tell Me Where It Hurts Where stories live. Discover now