Kabanata Tatlo

1 0 0
                                    

Kabanata Tatlo —Tell Me Where It Hurts

Umaga pa lang, I received a call from my dad.

"Sorry, late na akong nakatawag. I'll make it up to you, anak," paos ang boses niya mula sa kabilang linya.

"It's fine dad. You should rest. Mukhang pagod ka na."

"I will. I'll visit you often...if I have time. I'm really sorry anak. Gusto sana kitang i-treat sa labas para premyo mo."

"No, dad...it's fine. Hindi naman ako mahilig lumabas. Just rest. Mas gusto ko yun."

"Thanks, Rhys."

The call ended kaya pumasok na ako sa klase.

Nagdududa ang tingin ni Lionel sa akin. The class was on going pero nasa akin ang atensiyon niya. Tinaasan ko siya ng kilay para i-intimidate siya pero mas lalo niya lang akong tinitigan.

Ako na lang ang umiwas ng tingin.

Siniko ako ni Shein, ang katabi ko. May nakakalokong ngiti sa labi niya habang tinitingnan ako ng nanlilisik ang kanyang mga mata.

“Your judging me,” I pointed out na tinanguan niya agad.

“Anong meron sa inyo ni Lionel?”

“Anong klaseng tanong yan, Shein?” asik ko sa kanya.

Nagkibit balikat siya. “May something e.”

“Tsismosa,” bulong ko pa pero tumawa lang siya.

“Curious lang,” siniko niya ulit ako. “Mas bagay kayo.”

“Pareho kaming lalaki, Shein.”

“So? Ano naman?”

“Labreja! Montero! Kung mag-k-kuwentuhan lang pala kayo, lumabas na kayo sa klase ko!”

Agad kaming nanahimik ni Shein. Kinukulit niya man ako pero hindi ko na pinapatulan ang mga pang-aasar niya.

Sa lahat ng babae na nakatabi ko, si Shein lang ata ang nagustuhan ko. She’s playful and friendly but she knows her limitation. Understanding at thoughtful rin siya.

Maraming nagkakagusto sa kanya. Even I had a little crush on her back in the first day. Pero wala na ngayon. Palagi niya akong pinapares sa mga…lalaki.

I find it uncomfortable at first pero nasanay rin ako sa kanya. She knows when to stop rin naman. Nakakainis lang minsan at nakakahiya.

Umayos ako ng upo bago dahan dahang lumingon kay Lionel. I just wanna check if he’s still looking at me.

Nakatingin pa rin siya sa akin. This time, ako naman ang tinaasan niya ng kilay. Sinamaan ko siya ng tingin. He scoffed and sarcastically chuckled. The grin on his lips triggered my devil side.

Para bang gusto ko na lang kumuha ng eraser at burahin iyon sa labi niya.

Dumeretso ang tingin ko sa kanyang likuran. I saw Ryuki looking at me too. Seryoso ang kanyang tingin, halatang hindi natutuwa sa akin. Inirapan ko siya.

If he’s mad at me ano na lang ako? He was a jerk! Insensitive bastard with an angelic face. Parang hindi kami magkaibigan ah.

I focused on the class. Hindi na ako kinulit ni Shein. Hindi na rin ako lumingon kay Lionel. Walang rason para tingnan ko siya. Makikita ko lang ulit ang mukha ni Ryuki.

Sumabay ako kay SheIn nung recess. Akala ko, magsasama siya ng iba niyang kaibigan, pero lihim akong nagpasalamat when she didn’t. Kumapit lang siya sa braso ko at nakangiting lumakad.

Tell Me Where It Hurts Where stories live. Discover now