a daughter of cronus

7 0 0
                                    

Zoleira

Nagising ako sa isang malambot na hindi ko alam kung ano. Minulat ko ang mata ko pero nagtaka ako kung nasaan ako. Nilibot ko ang aking paningin at napansin ko kung nasaan ako.

Nasa...

"Zoleira ni Ate Eurydale, gising kana pala." Sabi ng babaeng bagong dating, nakangiti ito sa akin habang suot ang dress na puti.

A..

Ate..

Nagsibagsakan ang luha ko dahil nakita ko si Ate. Si Ate ay nasa harapan ko ngayon, puno s'ya ng dugo pero nakangiti pa rin s'ya sa akin.

"Mahal na mahal kita..."

"A-ate.."

"Ikaw pa rin ang bunso ni Ate, promise mo?" Sabi n'ya sa akin. Namumutla ang kamay n'ya at naka-finger promise pa sa'kin. "I-promise mo na bunso pa rin kita." Sabi n'ya kaya naman ginawa ko iyon.

Umiiyak akong niyakap si Ate at binitawan s'ya. Nagbago ang paligid at hindi ko na alam kung nasaan na ako.

Madilim ang paligid, tanging kidlat lang ang aking natatanaw. Tunog ng trumpeta ang aking naririnig pero wala maski isang tao sa paligid. Ako lang.

"A-anak..." Napatingin ako sa nagsalita.

S'ya yung babaeng nasa panaginip ko. Hindi ako pwedeng magkamali.

"T-tumakbo ka na...don't worry, Cronus is the God of Time. I-ililigtas n'ya ako.." sabi ng babae sa akin, hinawakan n'ya ang kamay ko bago hinalikan kahit na nanginginig na s'ya. "M-malakas ang Papa mo, Anak. M-mas malakas s'ya kaysa sa akin." Sabi nito bago ako tinulak palayo.

Hindi ko alam kung bakit ako tumakbo..

tumakbo palayo sa babaeng iyon. Nagsibagsakan na rin ang aking luha dahil sa hindi ko malamang dahilan, pero mabigat s'ya sa aking loob.

Bakit wala akong maalalang ganito? Akala ko ba ay patay na ang mga magulang namin ni Ate?

Si Ate...

Alam kong wala na s'ya ngayon sa kasalukuyan.

Pinunasan ko ang luha na nagbabadya na namang bumagsak sa aking mata at napaluhod. Hindi ko kayang pahintuin ang oras, hindi ko kayang pabalikin kagaya ng sinasabi ng babae na ama ko. Hindi ko iyon kaya.

"Child, you are my child. A daughter of mine."

Napatingin ako sa orasan na biglang lumitaw kung saan. Umilaw ito nang umilaw kaya napapikit ako.

"Open your eyes, my child."

Minulat ko ang aking mata dahil nawala na ang nakasisilaw na liwanag. Tiningnan ko ang aking paligid at nasa ibang lugar na naman ako.

Puro puti ang paligid.

"This is my home. Your home." Sabi n'ya sa'kin.

Iyon yung lalaking nasa sculpture pero mas bata s'yang tingnan ngayon.

"A daughter of Cronus should know how to wield the spirit of time. And you did that earlier." Sabi n'ya kaya napakunot ako. Wala akong maintindihan.

Demigods AcademyWhere stories live. Discover now