guilds

7 1 0
                                    

Zoleira

Patuloy pa rin si Niah sa pag-introduce sa'kin sa mga guild master. Wala naman akong magagawa kung iyan ang gusto n'ya, hindi ko naman s'ya pwedeng pigilan na lang dahil lang sa gusto ko. Ngumiwi ako dahil napunta na kami sa isang guild, naka-upo doon si Hadeon na parang hari. Nginitian ko s'ya pero blankong expression lang ang ibinalik n'ya sa akin kaya napanguso ako.

"Eon, you already know Lei, right?" Tanong ni Niah sa kan'ya. Tumango lang si Hadeon bilang sagot. "Okay, we'll get going—"

"Let her stay in my guild." Mautoridad na utos ni Hadeon kay Niah, tiningnan naman ako ni Niah.

"Do you want to?" Tanong n'ya sa'kin.

"O-oo, wala naman akong magagawa. He's a son of Zeus and descendant of Hades. Who am I to refuse?" Malungkot kong sabi sa kan'ya. Tumango lang s'ya sa'kin, we bid a good bye.

Bakit kailangan pa nun? Hindi naman kami maghihiwalay e. Magkikita pa naman kami sa dorm namin, at makakapag-usap pa naman kami.

Tumingin ako sa anak ni Zeus at descendant ni Hades dahil bigla itong tumayo at lumapit sa'kin. Kailangan ko pang tumingala makita lang s'ya, sobrang tangkad n'ya kasi at hindi ako makasabay!

"That's right. Who are you to refuse?"

I shouldn't cry.

"Anak ni Zeus, I am Lei. A descendant of nothing. A daughter of no one." Matigas kong sabi sa kan'ya, ngumisi lang s'ya sa akin at nakita ko ang dimple n'ya. "Hindi mo ako nadadala sa ngisi-ngisi mo!" Inis kong sigaw sa kan'ya.

May narinig naman akong palakpak at nakita ko sa entrada nito ang isang babae na may mahabang buhok. Maganda s'ya at matangkad din, pero kasing tangkad ko lang. Lumapit s'ya sa amin at hinalikan sa pisngi si Hadeon, hindi naman gumalaw si Hadeon. Wala s'yang ginawa ng halikan s'ya sa pisngi ni hindi ko kilala.

"She's Analyse." Sabi n'ya sa'kin at hinawakan ang kamay ni Analyse.

"My girlfriend." Malamig na sabi nito sa'kin bago dinala si Analyse sa isang gilid.

S'ya siguro ang kanang kamay nitong anak ni Zeus kasi s'ya naman ang girlfriend e. Edi baka s'ya ang kanang kamay n'ya.

Wala naman akong alam sa kan'ya para ijudge s'ya, pero alam kong magugulat sina Niah sa sasabihin ko sa kanila. Bakit mukhang hindi alam ni Niah at ng Omega na may girlfriend s'ya?

Lumabas na ako roon para makapagkwentuhan silang dalawa. Bumisita ako sa guild na pinasukan ko kanina, hindi pwedeng si Hadeon ang mag-decide sa guild na gusto ko.

I gritted my teeth.

"Hi, lei. What brought you here? Akala ko ay nasa kapatid na kita." Biglang sabi ng kung sino. Hinarap ko iyon at nakita ko si Quin.

Kapatid? Who?

Napaisip naman ako kung sino ang tinutukoy n'ya.

Kapatid n'ya si Hadeon?

Tiningnan ko ang mukha n'ya at may pagkakapareho nga sila ni Hadeon.

"Ayaw ko doon.." sabi ko at napabuntong hininga. Naramdaman ko naman na hinimas n'ya ang buhok ko.

"But that's Hadeon, s'ya ang magdi-decide kung gusto n'yang—"

"Kuhanin mo ako, Quin." Utos ko sa kan'ya at nakita ko s'yang kumunot. Hinawakan n'ya ang kamay ko at dinala sa loob ng guild n'ya.

Hindi ko na alam kung anong ginagawa n'ya pero nilalagay n'ya ang pangalan ko sa isang papel.

Kinuha n'ya ito at tinapat sa isang sign ng araw. Nagliyab ang papel na sinulatan n'ya ng pangalan ko.

Demigods AcademyWhere stories live. Discover now