Chapter 29

16.6K 642 204
                                    

Chapter 29

'Wow...' I uttered to myself as I walked out of my office with a box in my arms. Ni hindi man lang nagpanggap 'tong mga taong 'to na mamimiss nila ako. Usually kasi ay may pa-party kapag may aalis na na lawyer. Sa stay ko sa firm, naka-ilang party ako na napuntahan at cake na nakain. Samantalang sa akin, ni cupcake wala man lang.

Thanks talaga, ha.

Kaya bago ako umalis sa office ko, naglagad ako ng note sa isa sa mga drawer ng papel na may naka-sulat na run. Kasi gago mga tao dito. Tsk. Ka-una-unahang work experience ko e nakaranas agad ako ng matinding office politics.

Bago ako umuwi sa condo, dumaan muna ako sa bakery para bumili ng cake. Kung 'di nila ako bibigyan, ako na lang bibili ng sarili kong cake. Pampalubag loob na lang talaga na kahit ang gago nila sa akin, at least may pera ako. Sabi nga nila, if I can't have peace, I want money.

I was humming while walking on the way to my unit. Wala pa akong naiisip kung saan ako susunod na mapapadpad. Sinabihan ako ni Alisha na baliw daw ako dahil nagresign ako na walang backup plan. 'Di ko lang masabi sa kanya na kailangan ko munang gumawa ng due diligence para malaman kung saang firm walang influence si Lance. Mababaliw ako kung sa susunod na firm e ganon ulit mangyayari sa akin. Because if that's the case, uuwi na lang ako sa probinsya at magnonotaryo.

Pero agad na napa-hinto ako nung makita ko si Lui na nasa tapat ng unit ko. It was not a surprising sight. Ilang beses ko na siyang nakikita dito dahil hanggang ngayon, blocked pa rin siya sa phone ko. He took me seriously when I told him na sa email niya ako kausapin. Mukhang tanga dahil mag-e-email siya tapos 'Where are you?' lang ang naka-lagay. Malapit ko na talaga siyang ilagay sa spam.

But what surprised me was that he was holding a cake.

And that made my chest constrict a little.

Cake... para sa cake lang, nagkaka-ganito ako?

Grabe. Kung hindi noodles, cake naman ang katapat ko—patay gutom ba ako?

I was probably staring a little too much dahil napa-tingin din siya sa gawi ko. That was when I noticed na hindi lang cake ang dala niya. May dala din siya na box ng pizza at saka chicken wings.

"Cake ba 'yan?" he asked, pertaining to the box that I was holding.

I nodded. I just nodded dahil hindi ako makapagsalita. Ganon ba kasama iyong loob ko na wala akong going away party sa firm namin na sobrang na-touch ako dito kay Lui?

"Bakit ka bumili ng cake—"

Pero hindi niya natapos iyong sasabihin niya dahil bigla na lang bumuhos iyong luha ko. I barely saw his face with the tears clouding my vision. Tuluy-tuloy iyong pagbuhos ng luha ko. It felt like the floodgates finally opened and for the first time in weeks, I was able to cry.

I felt Lui's hands cupping my face. Nilagay niya siguro sa sahig iyong pagkain.

"Shit. Sorry. Ano na naman sinabi ko?" he asked using a worried tone.

"Y-yung pagkain," I said in between sobs.

"Bakit ka umiiyak?" he asked instead, not worried about the food at all.

Ayokong umiyak sa harapan niya. I promised myself before that never would I cry in front of him again. That whatever I might be feeling, I would have to hold it in whenever he's in front of me. That he doesn't get to see me that way again. Na iiyak na lang ako kapag mag-isa na ako at walang ibang makaka-kita sa akin.

I didn't have to be strong all the time—I just have to appear strong all the time.

But when I saw him holding a box of cake for me?

Game OverWhere stories live. Discover now