8:00

91 3 0
                                    

8:00

Hindi maiwasan ni Seven mangamba sa babala ni Maradona.

Sanay na sanay sila sa mabait na pagtrato ni Maradona sa kanila hangga't marunong silang sumunod, pero sa puntong ito, lahat sila'y nag-pigil hininga sa peligrong tinahak nila.

Napansin ni Eight ang pagdadalawang isip ni Seven kaya naman bahagya niya itong itinulak sa tabi upang maka-harap ang lalaki. She was itching to find Maradona's identity. All of us were. However... there was goosebumps trailing her arm. Kitang-kita ko ang pagtaas ng balahibo niya matapos pag-pukulan ng napaka-lamig na titig nito.

"Remove it!"

"Unmask him!" Hirap na hirap na ani ni Three habang pilit kinakabig ang stockings na sumasakal sa lalaki.

Dahil sa kanyang sigaw, bahagyang nagising sa huwisyo si Eight. Tumango siya sa aming gawi bago landasin ang daan patungo kay Maradona. I felt a sense of dread seeping through my veins. This was it, but why do I feel so unsure?

Ang mga segundong pumatak ay mas lalong naging kaabang-abang. Bumigat ang hangin dala ng tensyon. Walang makakapagsabi sa amin na darating din pala ang panahon na makikilala namin ang kriminal na matagal ng hinuhuli, at kami lang ring mga biktima ang makakapag-sabi sa publiko. Fear and yet anticipation burned in all of us, while Maradona's fury could be felt even under restraints.

There was no telling what he had in mind, but he would probably be making his move now.

Ang sinulid ng aking mga iniisip ay mabilisang napigtas nang wala pang isang minuto ay agad niya kaming napabagsak.

Sa isang hablot niya lang gamit ang dalawang kamay, nagawa niyang ibagsak sa sahig ang dalawang babaeng sumasakal sa kanya - si Six at Ten. Namula at nabalian ang kanilang mga braso habang sina Five at Three ay sumalampak sa baba. Kaming mga nasa paanan naman niya'y maagap niyang nahawakan sa bumbunan upang ihampas ang ulo sa malamig na tiles.

Dumugo ang aking ilong, samantalang nawalan naman ng ulirat si Five.

"Five!" Hiyaw ko nang makita ang dugong tumulo sa kanyang anit.

I mentally screamed and cursed. Gusto kong gumanti! Nanginig ako nang ilapit ng lalaki ang bibig sa aking tenga. Nanlaki ang aking mata at para bang nag-alab ang aking balat. Sumisigaw ng panganib ang aking kalamnan. Walang duda, natatakot ako sa lalaking ito. I was scared of Maradona.

Tila ba nanunuya pa si Maradona nang titigan niya ako. Animo'y umikot ang mundo ko.

"Consider this a lesson, one you won't forget."

Sobrang tigas at intense ang kanyang titig, na walang papatid at papantay. Tumagos sa kanyang maskara ang nakakapangilabot na tingin, at parang mata ng lobo, nakita ko ang tila pagkislap nito sa karimlan. Pumasok sa isip ko ang samu't saring pangyayari sa buhay ko, mula pagkabata hanggang sa aking paglaki. Lahat iyon ay nagbalik sa aking memorya na tila malapit na ang aking katapusan. I knew he meant it... I knew he would hurt me.

"You belong with the others."

His thick and husky voice was the last of what I heard before our screams reverberated across the hall.

Naging malabo ang sumunod na kaganapan lalo na nang mabilis na gumapang ang kuryente sa aking katawan. Natagpuan ko na lang ang sarili na sumisigaw, naghihinagpis, at namimilipit sa sakit, kagaya ng ibang kababaihan.

Ginawa ko ang makakaya hablutin ang suot-suot na metal device sa leeg sa pag-asang pigilan ang bolta-boltaheng kuryenteng dumadaloy mula ulo hanggang paa, pero naging bigo ako sa aking hangarin.

"You've disobeyed me... we'll see. You'll see how of a beast I can be."

****

'I'm safe with you...'

12:00Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon