Chapter 3

8 0 0
                                    

Isang malakas na hampas sa puwet ang nakapagpagising kay Raven. Magkasalubong ang kilay na nagpilit siyang bumangon. Sa pagtayo niya ay tila umikot ang paligid. Shit, hangover!

Bago pa man sya magkalat sa sahig ay minabuti niyang tumakbo sa banyo at doon isinuka lahat ng ininom niya kagabi. When he is stressed, he always drinks with his friends. At ngayon, base pa lamang sa reaction ng katawan nya ay tiyak marami syang nainom na alak kagabi.

"Tang at gin na nga lang, isinuka mo pa?" iiling-iling na pang-aasar sa kanya ni David.

Nakaluhod man sya sa harap ng inidoro ay nilingon nya ang kinaroroonan nito. Nakangisi ito sa kanya habang nakahalukipkip, nakasandal ang likod sa pader at nakatuod ang isang talampakan sa pader.

Humarap ulit sya sa inidoro at nagsuka ulit. Sa kanilang magkakaibigan, si David talaga ang pinakamalakas uminom at ito din ang may pinakamataas na tolerance. Pumapangalawa naman sya, pangatlo si Liam. Samantala, si William naman ay hinding-hindi mo mapapa-inom kahit Soju.

"Ugh, my head is aching!"

"And my eyes are spinning!" bulalas ni Liam na kakagising lang din.

Malakas syang napamura nang itulak sya ni Liam palayo sa inidoro dahil tulad nya ay isinuka lang din nito lahat ng ininom nilang alak kagabi. Dahil nailabas na nya lahat ng ininom nya kagabi ay hinayaan na nya itong angkinin ang inidoro, to the point na halos yakapin na ni Liam ang katawan ng toilet bowl.

"Yuck, dude. Kaya siguro wala ka pang girlfriend kasi inidoro ang type mo." tumatawang pang-aasar ni David.

"Hayop ka---uuaarrkkkk!"

"You have the strength to drink 3 bottles of gin, and then, you can't stand it?" iiling-iling na sabat ni William na kanina pa yatang gising.

As usual, may hawak itong libro.

"Ewan ko ba sa mga iyan." si David ang sumagot.

"If you're done throwing up everything you drank, go downstairs."

"Pasaan ka, William?" tanong nya nang palabas na ito ng silid.

"I asked mom to cook us breakfast, I'll help her prepare food. Sumunod na kayo." sagot nito bago tuluyang umalis.

"Yun, sakto gutom na ako."

"Lagi ka namang gutom, Liam."

"You shut up, David!"

"Looks like you're fine now. Let's go." he said.

"Right. Masama pinaghihintay ang pagkain." segunda ni Liam bago sila sabay-sabay na lumabas ng silid at bumaba ng hagdan.

"Masama paghintayin ang pagkain? Ang sabihin mo ayaw mo lang paghintayin ang bulate sa tiyan mo."

"Kayo talaga, nag-aaway na naman kayo?" tumatawang biro ni Tita Yna, mother of William.

"Tita, inaaway ako ng kumag na ito." pagsusumbong ni Liam.

"Pa-victim ang kupal."

"Stop it, you two. Nakakahiya kay Tita Yna." suway nya.

"Naku, walang problema sakin. Hindi naman na kayo naiiba sa pamilya namin."

"Kumusta naman, Raven?" bumaling sa kanya ang ginang.

"I'm okay po, as usual."

"Good to know. Nakakatuwa at nakabisita ka dito sa bahay. Halos two months din nung huli mong bisita."

"Last visit nya po birthday mo, Tita. Dumayo lang po talaga sya para sa handa nyo. Tapos ngayon, dumayo dito kasi masarap ang pulutan." biro ni Liam na pinanlisikan nya lang ng tingin.

I love you 2Where stories live. Discover now