What Really Happened?

2.2K 27 0
                                    

Gelo's POV

Naiinis ba kayo sa'kin? May dahilan ako. Sa totoo lang... 'di ko ginusto 'yun. Siguro nung una pinag-lalaruan ko lang sya (aminado ako) pero natutunan ko syang mahalin ng hindi sinasadya.

*Flashback*

"Pare... ano, may bago na?" si Jonathan 'to barkada ko.

"Sino ba pwedeng target? Dapat yung fresh! Yung una nya ako!" Hahahaha! Ang sarap paglaruan ng mga babae oh!

"Ah. Alam ko na. Haha, kilala mo yung top 1 student?"

"Yung Mercado?"

"Oo. Yun na nga! Wala pa yun ah. Hahaha. Panigurado babagsak yun sa'yo!"

"Mahirap ata yan ah!"

"Pare naman! 'Sang libo?"

"Sige ba! Gusto mo patagalin ko pa eh. Ano, isang taon?"

"Makakatiis ka? Sige! Pag tumagal... Dalawang libo. Call?"

"Call."

*End of Flashback* 

Ayun nga ang nangyari at sa kalagitnaan ng pustahan... nahulog ako sa sariling kong patibong. Nag-break kami dahil sa pride ko at bumagsak ang buong mundo sa kanya dahil ayaw kong mapahiya na ako yung nanloko.

The road of letting go isn't hard until you're the one traveling it.

Di ko akalain na mahirap pala. Akala ko madali lang 'pag nagawa ko na... 'pag napakawalan ko na sya...pero hindi eh, mas mahirap pala nung iniwan ko na sya eh.

Kahit wala na sya... nandito pa rin eh. Yung PAGSISISI... yung PANGHIHINAYANG... yung PAGMAMAHAL...

Eto nga... sa pagiging desperado ko, kinausap ko yung faculty na ilipat ako sa section kung nasa'n si Clei. Di ko naman inakala na magiging magkatabi pa kami. Alam nyo 'yun... kitang-kita mo na iniiwasan ka nang taong mahal mo. Yung kahit tingnan ka lang 'di nya magawa. Yung ang lapit-lapit nya pero parang ang layo-layo pa rin. Hindi ko yun kinaya at yun nga... sinubukan ko syang kausapin. Naglakas-loob ako kahit na mahirap. At nung nakakausap ko sya ng maayos... inakala ko na pwede pang ibalik yung dati. Pero, kaninang umaga... nung nakita kong hawak-hawak ni Von ang kamay nya... at sabay silang kumain, bumalik lahat ng sakit at nadoble pa.

L*ko ko kasi eh. Ginamit ko yung taong mahal ko.

G*go ko kasi eh. Iniwan ko yung taong mahal ko.

Makasarili kasi ako eh. Sinaktan ko yung taong mahal ko. 

T*nga ko kasi eh. Hinayaan kong mapunta sa iba yung taong mahal ko.

*****************************************

Elai's POV

Di ko akalaing magiging mahirap eh. Ang tagal-tagal na pero bakit nandito pa rin yun sakit?

Ganun ba ako umasa?

Ganun ba ako nagmahal?

Ganun ba ako nasaktan?

Iniwan na nga pero nag-hihintay pa rin. Grabe noh? Am I that desperate? Pinamukha na ngang ayaw sa 'kin eh!

Bakit si Cinderella di nakaranas na saktan nung taong mahal nya? Bakit ganun? Ang unfair naman.

 Minsan iniisip ko kahit minsan kaya naramdaman nya yung naramdaman ko para sa kanya? Oh... yung NARARAMDAMAN ko pala sa kanya. Ang drama ko pala e? Naman oh. Tumutulo na naman yang luha ko. Traydor na luha.

"Umiiyak ka?" Huh? Tumingin ako sa tabi ko. Ayy. Oo nga pala. Daydreaming...

"Sorry..."

A/N: Eto muna. Next Chapter na kung sino 'tong katabi nung prinsesa natin.

Vote. Comment. Be Fan.

I am not CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon