Dota VS. Wattpad (One Shot)

3.3K 107 18
                                    

                                                                       DOTA VS. WATTPAD

                                                                               (One Shot)

                                                                     written by: perfectlover

                                                                             (Baby ko <3)

                               

                                                                "No Copyright Infringement"

                "Plagiarism is a CRIME! So don't commit a crime if you don't want to be confined in hospital/jail. Because I will let you meet my fist :-)."

___________________________________________________________

Pau's POV

"Tss! Puro ka kasi wattpad!"

 

"Ikaw naman puro dota!"

 

"Atleast sa dota nagkakapera ako kapag nananalo sa pustahan! Eh ikaw nagkakapera ka ba kahit sa maghapon mung pagwawattpad?"

 

"Hindi pero dahil sa wattpad, naiinspire ako.."

 

"Anung silbi nan, eh sa dota nageenjoy naman ako!"

 

Mukang hindi talaga magpapatalo ang ungas kung boyfriend. Araw-araw nalang kaming ganito sa tuwing magkikita, pano ba naman kapag itetext ko siya hindi agad nakakareply, akala ko naman busy lang sa kung saang importanteng bagay yun pala nasa internet cafe lang at nakikipaglaro ng dota kasama ang mga ungas din niyang kaibigan, kahit tadtarin ko siya ng text hindi talaga nagpapatinag.

Tapos ako kapag nalate reply lang? Galit na galit na agad, paghihinalaan pang may iba! -.- mukang dota! Kahit pano nga nalilibang ako sa kakawattpad at nawawala ang pagkainis ko sa kanya dahil sa mga nababasa ko eh. Samantalang siya, kung 24hours siyang nakababad sa computer hindi talaga magtetext, kung magtext man ang tagal magreply at ang tipid pa. Sino ba namang girlfriend ang hindi mabbwisit? Diba?

"Isaksak mo sa baga mo yang dota mo!"

 

"Isaksak mo din sa baga mo yang wattpad mo! Pakiramdam ko nga mas mahal mo pa yang wattpad na yan kesa sakin." Galit na galit na sigaw niya sakin. "Kanina pako text ng text sayo, sabi mo sandali ka lang at nagluluto ka tapos pagpunta ko dito sa bahay niyo makikita lang kita na nakangiti at nakataas ang paa habang naglalaro dyan sa tinamaan ng magaling na wattpad na yan, puro kakornihan lang yan!" Nabwisit ako sa sinabi niya.

Dota VS. Wattpad (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon