Sulyap

4 0 0
                                    

*Recess time

Kakatapos lang nang aming tle class at pagkatapos nito ay recess time na.

Inilagay ko muna ang bag ko sa aking upuan para ako ay makabili na sa canteen, tuwing tle subject kasi ay lumilipat kami nang room. Technical drafting ang aking pinili sa tle.

Pangarap ko ang maging Matagumpay na Architect, kaya technical drafting ang aking kinuha.

Hindi naman kalayuan ang room nang tle drafting dahil katabi lang naman ito nang pinakang room namin.

Nang mailagay ko na ang bag ko ay pumunta na ako sa canteen upang bumili ng aking makakain.

"Kuya pabili po nang Porkch- Arayyy" putol kong sambit.

Madami kasing nabili at nagsisiksikan ang mga studyante para bumili nang Kani-kanilang pagkain.

"Hindi ba kayo maalam mag-sorry?" Puna ko sa mga lalaking nagtatawanan at walang pakialam kung makadali man sila o hindi.

Hindi ko naiwasang magalit at magtaray dahil natapunan nang gravy ang uniporme ko.

"Sorry po ate"
"Sorry te"
"Hoy umayos kayo! Nakakadali na kayo oh"
"Ayos pre HAHHAHAHA"

Kabi-kabilang ingay na nadidinig ko mula sa mga lalaking nakadanggi saakin na dahilan kung bakit may mantsa ang aking uniporme.

"Tama na yan, Hoy kayong mga lalaki sa likuran mag-siayos kayo. Nakakadanggi na kayo oh" Sermon ng Tindero sa canteen

Hayaan mo na ne, ito oh pamunas, punasan mo yang gravy sa damit mo."Dagdag pa nito.

"Salamat kuya, Ewan ko ba kasi sa mga lalaking yan. Kung hindi maingay, nakakapurwisyo" Saad ko habang pinupunasan ang gravy na natapos saakin.

"Ano nga pala sayo ne?" Pagtatanong ng Tindero sa canteen.

"Isa pong Pork chop at tubig kuya, ito ho ang bayad, salamat nga po pala" tugon ko dito.

"Walang anuman, ito oh, dinagdagan ko yan" Saad niya at sabay abot nang pagkain na binili ko rito.

Umalis na ako sa canteen at bumalik na sa room upang kumain.

Nanonood ako nang paborito kong Chinese-drama habang kumakain upang malibang ako.

"Sarap talaga nang pork chop sa canteen, Hindi nagbabago" Saad ko habang ngumunguya.


  

EstrangheroWhere stories live. Discover now