Sila

6 0 0
                                    

Naglalakad na ako papunta sa aming room, Medyo malayo ito kaya naman binilisan ko na ang paglalakad.

Nakita ko si Kuyang nakapulot nang id ko. May kasama siyang dalawang lalaki, Ang isa ay maliit at kulot ang buhok. Samantala yung isa naman ay malusog at straight ang buhok.

Kung siya naman ang ilalarawan, Siya ang pinaka matangkad sa kanilang tatlo, nakasalamin at maputi.

"Taray ni kuya, Kamukha niya yung 
bida sa pinapanood kong Chinese- drama" ang komento ko kay kuyang nakapulot nang id ko.

Kaunting hakbang pa ay nakarating na rin ako sa room namin. Nagkakagulo ang mga kaklase ko at may ibat'iba silang pinagkakaabalahan.

Mga nakikita ko sa mga Oras na ito na ginagawa nang mga kaklase ko:

◾Nagsusulat
◾Nag-aaway
◾Nag-aayos nang kolorete sa Mukha
◾May kumakanta (with matching gitara)

At ang isa pa at pinaka astig sa lahat,

◾Natutulog.

"Tignan mo 'tong mga to. Para nanamang palengke ang room sa Sobrang ingay" sambit ko habang napakamot sa ulo.

"Hi adys" bati saakin nang kaklase kong si Niel.

Siya si Niel. Kaklase ko siya simula grade-9, parehas din kami nang paaralan noong kami ay elementarya.

"Hi be" sagot ko sakanya.

Agad akong umupo sa aking pwesto upang ilagay ang bag ko.

"Hay salamat, nakarating din." Sambit ko sabay buntong hininga.

"Parang pagod na pagod ka ah, magsisimula palang ang klase pero parang last subject na Ang estilo mo" dinig kong boses na nagmumula sa aking tagiliran.

Siya naman ang isa ko pang kaibigan.
Si Chin, Maganda at maikli ang buhok, at higit sa lahat, matalino.

"Kung alam mo lang kung anong napagdaanan ko bago ako makarating dito, Mapapa buntong hininga ka nalang" tugon ko sakanya habang umaarteng umiiyak.

"Hala si oa" ang sabi niya habang natawa.

Nagsimula na ang aming klase at bumalik na sa lahat ang dati, bumalik na sa kanya-kanyang upuan ang mga kaklase ko dahil dumating na din ang aming guro.

EstrangheroWhere stories live. Discover now