9th "LAST DANCE"

5 2 0
                                    

Ikalawang araw ko na ngayon, wala kaming ginagawa masyado ni Eryx puro lang laro, panonood, para bang wala kaming iniisip na problema. Ang saya nga eh.. masaya ba talaga? Ikalawang araw ko na ngayon paano na kaya bukas? Anong mangyayari sakin? ang sakit naman ng tadhana kung kailan nasabi ko na mahal ko na siya tsaka naman ako lilisan ng mundo haha ang unfair..

"Celes" tawag nito sa akin "oh bakit? Hoy ano ba yan Eryx hindi nakakatuwa ha! stop filming nga! hindi pa naman ako mamatay ang OA mo talaga kahit kailan" sabi ko naman dito "ang cute mo kaya" pang-aasar nito sa akin "wag mo nga ako maganyan ganyan pag ako inatake dito ng wala sa oras papalabasin ko na pinatay mo ako sige!" pangbabanta ko naman dito.

"Hey Celes stop joking nga ng mga ganyan it's not funny, hindi ka mamatay dito ka lang sa tabi ko got it? You know let's watch a movie nalang ung famous movie ngayon" sambit nito "ang alin?" taas kilay kong tanong "Rewind" sagot nito "sounds familiar pero hindi ko alam yon" sagot ko naman "let's watch nalang" at sabay ngiti ito sa akin.

Habang nanonood kami ng Rewind ay hindi ko mapigilang umiyak common sense nakakaiyak ung palabas eh "hey Celest are you okay?" tanong nito sa akin habang pinupunasan ang aking mga luha "pag ba namatay ako.." sambit ko ngunit napahinto ako ng bigla syang nagsalita "stop Celest not now okay? let's just enjoy the movie but If you don't want hindi na natin yan tatapusin?" sabi nito "tigil na natin yan Eryx lalo akong naiiyak" sabi ko naman "alright haha" sagot naman nito.

Umabot kami ng alas kwatro ng umaga, nag enjoy lang talaga kami puro masasaya lang, kumain kami lahat ng gusto naming kainin, nanonod ng kung ano ano, syempre nag laro rin kami ng mga video games. Ang saya pala ng ganito, bakit kasi ganito ang buhay ko? gusto ko pa mabuhay, kasama siya..

"Let's dance?" pagyaya ko sakanya "kaya mo ba?" sarkastikong sabi nito "wala ka bang tiwala sakin Eryx ha!" sagot ko naman dito "eto naman tara na!" sambit nito. Pagkadating namin ay hinawakan nya ang aking kamay at nagsimula kaming sumayaw ng dahan dahan. Bumibilis talaga ang tibok ng puso ko pag nandyan si Eryx.. Mula sa pag indak ng aming mga paa, malamig na hangin ang sumasalubong sa aming mga mata.

"Eryx" tawag ko sakanya na tila ba'y nanghihina ang aking buong katawan. "Yes Celes?" sagot nito "pwede bang magpahinga muna ako? pagod na ako eh" sabi ko naman "wait matutulog ka?" taas kilay nitong tanong "oo" mabilis ko namang sagot sabay ngumiti sakanya.
"sige ayusin ko lang to, goodnight Celest" sagot nito at sabay ngiti sakanya.

Eryx POV: Habang inaayos ko ang mga pinagkainan namin ni Celest, hindi ko mapigilang maisip ang sinabi niya wait ano bang araw na ngayon? Celeste.. nagpapaalam ka na ba? not now please may hindi pa ako sinasabi sayo.

Last Dance Where stories live. Discover now