8th CHAPTER

3 4 0
                                    

  "Eryx can I have a favor?" tanong ko sakanya "sure anything for you" at nginitian ako nito "may sched kasi ako ngayon na kailangan ko pumunta sa clinic for check up kay Dr. Gomez, it's okay ba na samahan mo ako?" nahihiya kong tanong sakanya "sure sure stay here I'll go get the car" at dali-daling umalis ito, para kunin ang sasakyan namin na gagamitin papuntang clinic.

"Celest come on get in the car" sabi nito at tumango nalang ako at sumakay sa kotse nya. Habang nakasakay ako ay hindi ko mapigilang tumingin kay Eryx,  bumibilis ang tibok ng puso ko.. Celeste itigil mo nga yan! ang puso mo oh alalahanin mo.. isipin mo nalang sarili mo okay!! hays

Pagkadating namin sa clinic ay agad na naming pinuntahan si Dr. Gomez para sa check up ng condition ko. "Oh nak Celest ikaw pala yan, sino itong kasama mo? boyfriend mo?" pabirong sabi nito "Doc naman eh" sagot ko naman "ah Eryx po pala, Doc" pagbati nito "ka poging binata ah" pabirong sambit naman nito.

"Anyway check lang naman natin ang heartbeat mo Celest yun lang yon and about your medicine ubos na ba? If ubos na I can provide you again." "Ah hindi pa po Doc" sagot ko naman. Kinuha na nga ni Dr. Gomez ang kanyang stethoscope upang icheck ang heartbeat ko at dumaan na rin kami sa mga test para sa magiging result..

As the result comes tila nawalan ako ng pag-asa mabuhay.. Regarding sa result there's an 85% na ang condition ko and it can leads to death.. "Nak Celest this is a very serious condition na unlike before.." pag-aalalang sabi ni Dr. Gomez "kaya yan Celest diba? kaya mo yan! labanan mo, tao ka sakit lang yan" naluluhang banggit naman ni Eryx. "Uwi na tayo Eryx please?" pagmamakaawa kong sambit.

"Nak take care of yourself ha? hindi natin alam kung anong mangyayari kaya mas magandang ingatan mo ang sarili mo" sabi ng doktor "don't worry doc I'll take care of her" sambit naman ni Eryx "and warning about sa result nakalagay dyan na 85% nalang right? Ang hirap sabihin pero kailangan ko talagang gawin Celest.." naiiyak na sambit ng doktor "wala eh kung kaya ko lang gumawa ng sariling cure para sa condition mo, siguro nagawa ko na yon ngayon" dagdag pa ni Dr. Gomez.

"Doc ano ba kasi talagang gusto nyong iparating, sabihin nyo nalang tatanggapin ko naman kung ano yan eh" sabi ko naman "Celeste you only have 3 days to live.." naiiyak na sabi ni Dr. Gomez. Nang marinig ko iyon natulala ako dahil hindi ko matanggap na may hangganan na pala ang buhay ko, hindi lang ako aware? haha ano to hinayaan ko lang ung ganito kong condition? Kulang pa ba ang pasakit ng tadhan sakin para gawin to? Ang sakit eh.. marami pa ako pangarap bakit naman ganito?

Hindi ko pa nga napapatunayan ang sarili ko sa tatay ko? tapos ganito..? "Doc naman please stop messing around!" padabog na sabi naman ni Eryx "Doc please gawin nyo lahat para lang gumaling si Celest.. please Doc" pagmamakaawa nito "Eryx hindi mo ba narinig si Dr. Gomez?! wala nang cure oh! ano bang gusto mong gawin! sigaw ko sakanya at tila hindi ko na makontrol ang sarili ko.. "both of you calm down" sambit ni Dr. Gomez na naluluha sa kondisyon ko. "Doc thank you po sa lahat.." pagpapaalam ko naman sakanya "Eryx umuwi na tayo" pagyaya ko sakanya at sabay na kaming umalis ng clinic.

- PAST FORWARD -

Pagdating sa bahay ay agad kong kinausap si Eryx. "Lucien Eryx Martinez" tawag ko sakanya habang naluluha ang aking mga mata "yes Celes?" nginitian ko naman ito "can I have a one favor?" tanong ko sakanya "anything for you my Celest" sambit nito habang hindi mapigilan ang pagluha ng mga mata "please make me happy until my last breath" sambit ko sakanya at niyakap sya ng mahigpit "I love you for a long time Eryx" bulong ko sakanya. Nginitian at niyakap ako nito habang pareho ang aming mata na lumuluha. "Sisimulan natin yan ngayon Celest" sambit nito.

Last Dance Where stories live. Discover now