03

14 0 0
                                    

Best Friend

Wala akong ibang ginawa kung hindi ang mag labas ng malalalim na hininga. I didn't even know how did I manage to get into our room without bumping to anyone. Talagang nawala na ako sa sarili ko.

I thought I won't be too affected because he didn't show up. Siya naman kasi ang nag aya, siya pa itong may ganang hindi sumipot? I am trying to compress myself from something that I haven't felt before. Hindi ko alam kung 'eto ba iyong sinasabing selos ni Snow, o galit ko dahil pinag hintay lang ako sa wala ni Zenji.

Bahala na siya! Sa susunod na magsasabi siya ng gano'n, ako naman ang hindi sisipot! Ako lang ba dapat ang mag hintay? That's so unfair of him! 

I hate him! I really do!

"Oh, my... You're too gloomy! It's your birthday! Be happy, Yaci!" masiglang ani Snow.

She looked much happier than I am. Mukhang siya pa ang may birthday ngayon dahil sa sobrang sigla niya. I could be this joyful too, if it weren't because of Zenji.

Nakakainis talaga siya! Dahil sa kaniya, sira na agad 'tong araw ko! Kung may balak naman pala siyang makipagkita sa iba, hindi na lang niya sana ako sinabihan!

"Ano ba, Yaci?! Parang hindi mo naman birthday! I already did what you want! Binalik ko na ang mga binayad ng mga bumili sa akin kahapon. I even had my toys cleaned! Can't you just be happy!?" ulas na ngayon ni Snow.

Lalo pa akong natahimik. Hinding hindi ko na talaga papansinin ang Zenji na iyan! Ano'ng akala niya sa akin? Mabilis ma-uto? Hindi niya na ulit ako mapaghihintay!

"Happy birthday ulit, Hyacinth!"

Bumaling ako kay Miggy na lumapit pala sa puwesto namin ni Snow. My eyes went down and saw five yogurt sticks on his hand. Napakurap naman ako nang ilahad niya sa akin ang mga iyon. Narinig ko ang tikhim ni Snow.

"Ibinalik mo pala kay Snow iyong laruan niya kaya wala na akong regalo sa iyo." He smiled. "'Eto na lang! Masarap iyan, promise! Favorite namin iyan ni Tan-tan!"

Kumunot ang noo ko. Tinanggap ko ang ibinigay niyang yogurt sticks sa akin. But...who's Tan-tan? Kapatid niya ba iyon?

Mukhang napansin niya naman na naguluhan ako. He chuckled. "Si Christian iyon! Tan-tan palayaw niya." Nginuso niya ang kaibigan niya na nakikipaglaro sa iba pa naming kaklase sa likuran.

"Oh, really?" singit ni Snow. "It sounds cute. Hindi bagay sa kaniya."

Natawa ako.

Bigla naman akong hinarap ni Snow sa direksyon niya nang marinig ang tawa ko. Ngumiwi ako.

"So, you can still laugh pa rin pala? Stop being gloomy na kasi! Hindi ako natutuwa sa pagiging malungkot mo!" aniya.

"Malungkot si Hyacinth?" tanong naman ni Miggy.

Natawa na lang ulit ako.

"I'm okay now! Pinatawa niyo na ako, okay?" sabi ko. Tumingin ako kay Miggy. "Sumama ka sa amin mamayang break time, Miggy. I'll buy you snacks! Para na rin do'n sa ten pesos na pinambili mo ng doll."

"Is he our friend now?" tanong ni Snow na nakatitig kay Miggy.

Hindi ako sumagot at natawa na lang.

Nag simula na rin agad ang klase namin. And in the middle of our discussion, bigla na lang nila akong kinantahan lahat. Medyo nakaramdam pa ako ng pressure kasi nakasanayan na namin na kapag may birthday ay nagpapahanda, pero wala naman akong handa, e. If I do, I won't hesitate to give them.

It's not my fault...that my mother forgot my birthday, right? 

Kahit naman naalala niya ay wala pa rin akong handa. Hindi ako katulad ng iba kong kaklase na naghahanda tuwing birthday nila. Parang si Aleza lang no'ng birthday niya no'ng isang linggo. Lahat kami ay may spaghetti na na nasa styrofoam at mayroon pang chicken sa loob. And even Snow. Lahat kami ay may pagkain mula pa sa mamahalin na restaurant!

Where Our Tempo FliesWhere stories live. Discover now