XXVIII

5.4K 136 6
                                    

Lucy's POV

"Shit! Ano ba tong pinasok natin!?" - bulong ng napakadakila kong pinsan -- Nathan

"Wag kang mag-alala Lucy, I'll protect you." - bulong ng taong kinaiinisan ko ng sobra -- Leo

"Ano nang gagawin natin!?" - bulong ng mangiyak ngiyak na taong source ng balita sa room -- Maribeth

"Bagay nga sakanilang maging kotra bida." - bulong ng saling pusang bata -- Amie

"I'm getting bored." - normal voice na sabi ng prinsipe ng school -- Cav

"SHHHH!!" - saway sakanya ng apat na kasama namin, in chorus pa!

For real!? Natatakot na sila e wala pa ngang nagyayari! Mga ano tong mga to e. (-_- )

"Ano yun!?" - tanong nung isang rebelde sa kasama nya, mga mukhang silang gangster sa kanto -_-

"Aba Malay!? Baka naman pusa lang." - sagot naman nung tinanong nya

At nagpatuloy sila sa kung anong ginagawa nila. Kala ko pa naman madaming rebelde ang lalabas e dadalawa lang naman pala. Hindi ako natatakot na mahuli nila dahil dalawa lang sila at tatlo ang mga kasama kong lalaki kaya no worries. Mukha namang malakas si Leo at Cav e.

Andito kami ngayon sa likod ng mga bushes kaya imposibleng makita nila kami, madilim at sobra kaming nakatago kaya impossible talagang makita nila kam --

"UWAAAAAAAAAAAAAAH!!" - nagulat ako sa sumigaw

"GAGAMBAAAAA! AAAAAAHH!!" - Sigaw ulit ni Maribeth, lagot!

"May tao dun!" - narinig kong sigaw naman nung rebelde no. one at pagsilip ko sakanila papunta na sila sa direksyon namin,

"Kuya!" - napalingon ako sa banda nila Cav dahil tinawag ni Amie si Cav na nakatayo na ngayon,

"Ok!" - masayang sabi naman ni Leo na parang kanina pa ready na makipagbugbugan, nakatayo na din sya.

"Dito lang kayo." - sabi naman ng pinsan ko. Medyo nagmukha syang cool sakin dahil sa inasal nya, pero konti lang, mga 5%.

At sabay-sabay silang lumabas na tatlo dito sa bushes na pinagtataguan namin. Pagsilip ko nakita ko na nakikipagsapakan sila sa dalawang rebelde, at ayun! Ang aastig nila dahil taob yung mga rebelde! Rebelde ba talaga sila!? Ang weak naman!

"Haaaay! Yun na yun!?" - sigaw pa ni Leo na parang nabitin sa pakikipagsapakan,

"Let's go home, Amie." - sigaw naman ni Cav kaya biglang napatayo si Amie na nasa tabi ko para sundin ang kuya nya, masunuring bata!

The White DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon