Chapter 16

1.1K 24 2
                                    

CHAPTER SIXTEEN

NAPATINGIN si Audrey sa pintuan ng café at nakita si Ryan. Hindi niya inasahang darating ito sa coffee shop. Kanina pa siya nagsara. Kanina pa nakaalis si Gael. Ngunit nanatili siyang nakaupo sa couch na paboritong puwestuhan ng lalaki, may puswelo ng kapeng hawak, nakatingin sa dingding. Kapag ganoong Sabado ng gabi, madalas na halos umaga na siya nakakauwi sa pag-iimbentaryo dahil Linggo ay gabi na rin siya dumadalaw sa café. Ngunit ngayon, wala pa siyang kahit na anong natatapos na imbentaryo.
Agad niyang binuksan ang pinto. "Ano'ng ginagawa mo rito? Alas-dos na."
"I know. Galing ako sa kaibigan ko. Napadaan lang ako dito, nakita kong bukas ka pa. Is anything wrong?"
"Come on in. Would you like some coffee?"
"No, thanks. Are you okay?"
"Maybe."
"Gael?"
"Yeah. But don't worry, I think now it's really over. Aalis siya, ni hindi niya masabi kung kailan siya babalik."
"Nagsimula siya ng sarili niyang kompanya. Kanina ko lang nalaman. He is no longer connected to the Belmonte Group of Companies. Nasa diyaryo kanina, hindi mo ba nabasa?"
"No." Agad siyang napaunat. "Which one?" aniyang kinalkal ang mga diyaryo sa coffee table. Inabot ni Ryan ang isang broadsheet sa kanya at naroon nga ang anunsiyo na hindi na konektado si Gael sa kompanya ng ama nito. Finally, an explanation. "Oh, God."
"Does it matter?" tanong ni Ryan.
"I don't know. Maybe?"
Bumuntong-hininga ang kaibigan. "Hindi ka pa ba uuwi?"
"I just want to be alone for a while, Ryan."
"I understand. Well, you'd better lock up."
Tumango si Audrey. Nang makaalis ang kaibigan ay napabuntong-hininga siya saka biglang napaunat. Did it matter? Iyon ang tanong ni Ryan. It could matter. In fact, it could mean everything!
Para siyang sinilihan bigla. Ano ang dahilan kung bakit nagpunta si Gael sa café kahit hindi na ito konektado sa ama? She was dying to know. She had to know. Aalis na si Gael at hindi alam kung kailan babalik. Paano kung sa pag-alis ng binata ay makatagpo ito ng isang babae sa cruise ship? Paano kung habang-buhay siyang magtatanong na lang kung ano kaya ang nangyari kung sinubukan niya itong kausapin?
One day she will see him with his wife with huge boobs and their little brats, thinking bitterly to herself that that could have been hers. If only she tried. Kung sakaling sabihin niya sa lalaki na mahal niya ito, ano ang mawawala sa kanya? Pride? Mas pipiliin niya ang pride kaysa ang pagkakataong lumigaya?
"No way," sambit ni Audrey habang inaabot ang susi ng shop. Agad siyang lumabas at ikinandado iyon, may pagmamadali ang bawat galaw. She ran away from him once, now she was going to run into his arms... if he will let her.

KUMUNOT ang noo ni Gael nang mabasa ang pangalan ni Ryan sa screen ng kanyang cell phone. Alas-dos y medya ng madaling-araw. Bakit tatawag ang lalaki sa kanya? Bigla siyang kinabahan at sinagot iyon. "Hello?"
"Do you love Audrey?"
Lalo siyang nabigla sa tanong ng lalaki. "Excuse me?"
"You heard me. Do you love her?"
Bigla siyang napabuntong-hininga. "Why? Will that matter to you?"
"Why can't you give me a straight answer?"
Napabuga ng hangin si Gael. "I love her, but you have her now. Is that why you called? Gusto mong marinig na sabihin kong ikaw ang nanalo? Fine. You won, buddy. You are one lucky bastard, you know that? You had better take care of her or you'll be sorry."
"You stupid bastard. She loves you. Just go to the coffee shop and tell her you're not leaving without her, all right? And you'd better do that, too."
"Wait..." Kabado na siya sa puntong iyon. "She told you she loves me?"
"Stop wasting time and just go get her!" singhal ni Ryan at nawala na sa linya.
Hindi na nagdalawang-isip pa si Gael. Agad niyang dinampot ang jacket saka nagmamadaling lumabas ng silid at bumaba ng hagdan. Naabutan niya si Zenia sa sala, nakaupo sa sofa kahit hindi nakabukas ang TV.
"Hindi ka pa natutulog?"
Bigla itong tumayo. "Sir! Pasensiya na. Hindi po ako makatulog ganitong aalis kayo at hindi alam kung kailan babalik."
"I'm touched. Mag-uusap tayo mamaya—"
"Sir, bago kayo umalis... may g-gusto sana akong sabihin."
"Nagmamadali ako—"
"Importante po, Sir."
Kumunot ang noo ni Gael. "Ano 'yon?"
May puntong Ilonggo ang babae, malambing at mahinahon ang salita. "Noong araw, Sir, na nag-away kayo ng papa ninyo? Nandito po sa bahay si Ma'am Audrey. Narinig po niya, Sir. Umiiyak siya noong umalis. Nakiusap siya sa akin na 'wag sabihin. Naawa naman ako sa kanya, Sir, kaya pinakiusap ko rin sa guard na burahin na sa logbook ang pangalan niya. Kasi nakakaawa naman si Ma'am. Pero naisip ko rin, baka siya ang dahilan kaya kayo aalis, Sir. Baka 'kako nakasama ang paglilihim ko? Patawarin ninyo ako, Sir. Binabagabag na ako ng konsiyensiya ko. Hindi na ako makatulog, Sir."
"Oh, God!" sambit ni Gael. Nilapitan niya ang babae, saka ito mahigpit na niyakap. Tinakbo na niya ang pinto para matigilan nang makitang bumukas ang pedestrian door ng gate at iluwa niyon si Audrey.
She was so beautiful, the light from the lamppost was shining over her, making her seem as if she was glowing.
"Gael? Going somewhere?" sambit ng babae.
"I'm sorry. Audrey, I'm sorry. I was supposed to come see you. Please come in."
Tumango ang dalaga at pumasok na sila sa loob ng bahay. Pumuwesto ito sa isang couch, habang siya ay umupo sa katapat na upuan.
"I guess I just wanted to tell you that I will miss you so much and if I could make you stay, I will," mahinang sambit ni Audrey, nakayuko.
Parang piniga ang puso ni Gael. She didn't have to do this. Lumapit siya, saka umupo na patiyad sa tapat nito. Inabot niya ang kamay ng dalaga at hinagkan. "I love you, Audrey. With all my heart."
Nanlaki ang mga mata nito. "Y-you do?"
Ang reaksiyon sa maamo nitong mukha ay sapat na upang makadama siya ng tundo sa puso. "I love you. Very, very much. Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang mahalin ka. At first I was scared of it. It's the only reason I saw Shanice again. Gusto kong sabihin sa sarili kong walang nagbago sa akin. I spent my whole life building the man I have become, you see. I have learned not to care. You came along and I changed, and it was tough. But believe me, not even Shanice was able to bring me back to what I was before I met you. You taught me how to love and... and... quite frankly, it's the best thing that's ever happened in my life."

HALOS natigagal pa rin si Audrey sa sinabi ni Gael. Matagal bago niya nagawang makatugon. "I h-heard you tell your father you're only marrying me to spite him. That hurt me, Gael."
"I know that now. Noong mga sandaling 'yon, kahit ano ay handa kong sabihin sa kanya para makaganti. Mali, pero ginawa ko. For that, I'm sorry. You can't imagine how sorry I am. Please forgive me. I didn't mean a word of it."
Hinaplos ni Audrey ang pisngi ng binata. "It must have been painful for you growing up with that man. Narinig ko ang mga ginawa niya sa 'yo. Sana nandoon ako, Gael. I would've been your ally, your friend."
Namasa ang mga mata ni Gael, tumango, tila lunod sa mga emosyon, saka tumango. "I know. I know. You're the beacon that saved my life. Meeting you, getting to know you, it just made me want to be a better man. Parang kaya kong pakawalan lahat ng galit ko dahil kulang ang lugar ng magagandang bagay na galing sa 'yo. Mas gusto kong itago ang mga bagay na 'yon dito." Inilapit ni Gael ang kanyang kamay sa tapat ng puso.
Napaluha si Audrey. Wala pa ni isang taong nagsabi sa kanya ng lahat ng iyon. "Bakit aalis ka kung mahal mo ako?"
"Dahil sinabi mong masaya ka na kay Ryan. Hindi ko kayang itanggi na mabuti siyang tao. He's a good-natured fellow, perfect for you. No emotional baggage. While I have... tons."
"Hindi ko naging boyfriend si Ryan kahit kailan. Sinabi ko lang 'yon kasi... kasi... You know I can be an idiot sometimes, too. I'm not perfect." Bahagya siyang napangiti.
"He called me up, actually. Ang sabi niya puntahan na kita. He told me you loved me. Ngayon-ngayon ko rin lang nalaman na narinig mo pala ang usapan namin ni Papa. I gave the company back to him. And I left his life. Me and Mama."
"As you should." Ikinulong ni Audrey sa mga palad ang mukha ng binata at hinagkan ang mga labi nito. "We'll make brighter days, Gael. Do you trust me?"
"Yes. Oh, God, yes. Do you trust me, too?"
"Yes." Tumatawa na umiiyak si Audrey sa puntong iyon—labis ang kaligayahan. "With all my heart."
"We'll make brighter days then. From now on." Siniil ng halik ni Gael ang kanyang mga labi. Marahil kahit habang-buhay ay hahagkan niya ito, kung hindi lang may isang pagtikhim silang narinig.
Si Zenia ang naroon, ngiting-ngiti habang may dalang tray ng inumin. "Kain-kain din 'pag may time, Sir, Ma'am."
Gael roared with laughter. Maging si Audrey ay napahalakhak. Habang kumakain ay nagkuwentuhan sila. Nalaman ni Audrey na bago na talaga ang kompanya ni Gael. And no, he was not going to leave.
"I owe Ryan one," ani Gael.
"Me, too."
"Maybe I'd get him a date."
Napabungisngis si Audrey. "That will be a challenge. I think what he needs is someone who can bring out the bad boy in him."
"Tough."
Pinagplanuhan nila ang ipapa-date kay Ryan hanggang sa akbayan siya ni Gael. "I can't believe we're here together."
"The best things in life are free."
Muling naglapat ang kanilang mga labi. Kinabukasan, ipinakita ni Gael kay Audrey ang plano sana nitong wedding gift sa kanya kung natuloy ang kanilang kasal—a bakeshop. Iyon ang magiging ikalawang branch ng Audrey's.

GAEL and Audrey got married two weeks later with Ryan as their witness. Habang pinaplano nila ang church wedding ay pumanaw sa atake sa puso si Blas Belmonte. In the old man's last will and testament, he left Gael everything he had. Isang maiksing sulat ang iniwan ng kinilalang ama kay Gael. It simply read: Forgive me.



                      •••WAKAS•••

Gael Belmonte's Runaway Bride - VanessaWhere stories live. Discover now