Chapter 14

527 15 1
                                    

CHAPTER FOURTEEN

"HELLO."
Nanigas ang likod ni Audrey pagkarinig sa tinig ni Gael. Hindi siya lumingon at ipinagpatuloy ang pagsasalansan ng mga juice sa display chiller. Tatlong linggong hindi nagpakita sa kanya ang lalaki, hindi tumawag, nagte-text lang upang sabihing abala ito sa trabaho. Sa isang banda, naunawaan ni Audrey na marahil napakalaking bagay para kay Gael ang pangyayaring nasaksihan niya nang hindi nito nalalaman. Marahil, kung hindi niya alam ang totoong nangyari, nag-alala pa siya sa dami ng ginagawa nito.
Ngunit batid niya ang totoo.
"I said hello."
Noon ito nilingon ni Audrey. "Hi. What's up?"
Kumunot ang noo ni Gael, nagpatuloy siya sa pagsasalansan ng juice.
"What's up?" ani Gael. "You're mad, I know it. I'm sorry, honey, I wasn't able to call and help you with everything."
"It's all right. I got some help from him." Itinuro ni Audrey si Ryan na kasalukuyang ikinakabit ang isang shelf sa dingding. Iyon ang kanyang café. Naging madaling makahanap ng mauupahang puwesto at agad din ay nakabili siya ng mga gamit. Inilipat din niya ang ibang gamit mula sa farm patungo sa café. Sa nakalipas na mga linggo ay naging abala siya sa café na sa gabi na lang niya pinagbibigyan ang sariling alalahanin si Gael.
"Audrey, please, forgive me, all right?" patuloy ni Gael. "I brought you something."
"What?"
Isang kahita ang ipinatong nito sa chiller. "I hope you like it."
Napabuntong-hininga si Audrey, saka nag-inat. "Come, let's talk inside my office." Nagpatiuna siya papasok doon, sumunod sa kanya si Gael. Isinara niya ang pinto. Agad siya nitong kinabig.
"I'm sorry, hon. Please, let's kiss and make up. I've missed you terribly. I had three horrible weeks. A kiss will—"
"No." Itinulak ni Audrey si Gael at pumuwesto sa likod ng mesa. "Maraming nangyari sa tatlong linggo, Gael. Hindi lang sa 'yo, sa akin din."
Nabura ang ngiti sa mga labi nito. "What are you saying?"
"Sinabi ko sa 'yo na maraming nagbago sa personal kong buhay." Nabanggit niya iyon sa text message dahil parating hindi sinasagot ng lalaki ang cell phone nito. "Nandito na uli ako sa Maynila, magiging mas busy ako sa pagsisimula nitong business. I want this to be as successful as it can possibly be. Sa bagay na 'yon, naniniwala akong magagawa ko."
"Of course."
"For the past three weeks, I... well, my feelings for you have changed." She hated to lie but this was easier. Isa ba siyang duwag na ayaw dumaan sa komprontasyon? Marahil. Nakakahiya. Nakakapanliit. Was she supposed to tell him she heard everything he said about her and make herself look like a fool? Like she had been used and she had absolutely no idea. That she completely fell for it. Na umasa pa siya at sa ilang panahon ay nangarap ng isang masaya at matiwasay na buhay sa piling ng lalaking ito? No, thank you.
Hindi umimik si Gael. Katulad ng ilang ulit nang nasaksihan ni Audrey, animo ay tinakpan ang mga mata ng lalaki, imposibleng mabasa ang iniisip. How she wished she could do the same thing.
Nagpatuloy siya. "I don't understand what happened, Gael, I just realized one morning that I don't want to be with you anymore. I think I'll be happier with Ryan." Nais niyang lumubog sa kinauupuan sa mga sandaling iyon. Ang huling bahagi ng sinabi niya ay hindi planado. Natagpuan na lang niya ang sariling sinasabi iyon. She felt sorry immediately. Napakabait ng kaibigan niya para magamit lang sa ganoong paraan. She was pathetic.
"I see. So for the past three weeks that I was away, the mouse came out to play. The nerd had the guts to..." Biglang tumayo si Gael, saka lumabas sa office.
Agad kinabahan si Audrey at sumunod. Nakita niya nang tumaas ang kamay ni Gael patungo kay Ryan na noon ay nakatalikod at abala sa pagkakabit ng shelf.
"Gael, stop it!" sigaw ni Audrey.
Nilingon siya ni Gael, saka nito ibinaba ang kamay. Agad iniharang ni Audrey ang sarili kay Ryan. "What the hell do you think you're doing?!"
Gael lazily smiled, a smile filled with mockery. "I can't even talk to Mr. Goodie-Two-Shoes?"
"Just go away and leave us alone!" Bigla ay nais ni Audrey na humagulhol.
Huminahon si Gael, saka nagsalita. "Don't do this to me, Audrey. Please."
"Just go! Go now! I don't need you. We don't need you here. We're happy. Please, try to understand, Gael!"
Gael looked at her in the eye. Pinilit ni Audrey na salubungin ang tingin nito. After a while, he turned his back on them and walked away. Lumabas na ito sa café. Noon pinakawalan ni Audrey ang kanyang mga luha. Agad siyang niyakap ni Ryan.
"Sshh... Everything's going to be all right."
It did not feel that way. Gael was gone. Iyon lang ang nararapat ngunit masakit. Pinunasan niya ang mga mata at napatingin sa display chiller. Nasa ibabaw pa rin niyon ang kahitang ibinigay ni Gael kanina. Kinuha niya iyon at binuksan. Inside was a ring and a card with Gael's handwriting. The note said: Will you watch sunsets with me forever? – G
Parang tinarakan ng punyal ang dibdib ni Audrey. She would have gladly watched sunsets and sunrises with Gael... if he only truly loved her. But he didn't.

NAKATINGIN si Gael sa puntod sa loob ng mausoleum. Nag-iisa ang nakalibing doon, may pambansang watawat ng Pilipinas sa isang panig. Sa pader sa ulunan ng nitso ay mayroong bronze plate na may pagpupugay tungkol sa mga nagawa ni Oligario San Antonio, ang national artist na nakahimlay sa mausoleum.
Sa iba pang panig ng mausoleum ay makikita ang iba't ibang iginuhit na larawan, mga replica ng obra ng namayapang pintor. Ang totoong mga obra maestra ng pintor ay nananahan sa mga museum sa Pilipinas, maging sa ibang bansa.
Mayroong paninikip ng dibdib na nadama si Gael sa pagmamasid sa loob ng mausoleum mula sa labas, nahiling na sana ay magawa niyang makapasok sa loob, basahin ang plake sa pader, maging ang mga nakadikit na mensahe sa isang panig ng mausoleum para sa yumao.
"Magandang hapon po," wika ng isang matandang lalaki sa kanya. "Ako po ang katiwala rito. Maglilinis po ako ngayon. Gusto ba ninyong pumasok? Puwede rin po kayong mag-iwan ng mensahe, tulad noong mga taga-UP na nagpunta rito noong nakaraan."
"Puwede po ba?"
"Aba'y puwedeng-puwede, Sir." Agad inilabas ng matandang lalaki ang isang susi at binuksan ang kandado ng mausoleum. Pumasok sila sa loob. Marahang pinuntahan ni Gael ang plake, binasa ang mga mensahe ng pagpupugay. Napakaraming nagawa ni Oligario San Antonio sa larangan ng sining. Isinilang ito sa isang mahirap na pamilya mula sa Laguna at nakapag-aral sa UP Diliman, nagtapos sa kursong Fine Arts at nagsimulang gumuhit at makilala sa edad na disinuwebe. Pumanaw si Oligario San Antonio sa isang aksidente noong ito ay apatnapu't tatlong taong gulang, binata. Ang pinakapopular na obra nito ay kasalukuyang nasa isang museo, ang pamagat ay "Victoria."
Sa lahat ng nakatala sa plake ay walang mababasang impormasyon tungkol sa pinakapopular na obra ng pintor. Hindi nakalagay roon na ang babaeng nasa larawan ay walang iba kundi ang ina ni Gael. Marahil, wala rin ni isang nakakaalam na si Oligario ay nagkaroon ng anak.
Oligario San Antonio was Gael's biological father. This great man, this national artist gave life to him. And Oligario found out about Gael the day he met the accident that killed him.
Muling nanikip ang dibdib ni Gael. Kahapon lang niya nalaman ang lahat. Sinabi iyon ng kanyang ina...
"I had an affair while I was married to Blas. I was a lonely woman starved for affection. Noong mga panahong iyon, walang ibang gusto si Blas kundi ang yumaman at magpayaman. He was obsessed with it. Hindi na kami bumabata at kahit anong subok namin ay hindi kami nabigyan ng anak. One afternoon at a gallery I met... I met Oligario San Antonio. He's your father, Gael. Your real father."
Gael was stunned, of course. And then he was mad. Sa lahat ng taong nagdaan ay hindi naalala ng kanyang ina na ipabatid sa kanya ang ganoon kahalagang bagay?
His mother said, with tears pouring down her face. "Noong nalaman kong buntis ako, Gael, ay nakapagpasya na akong tigilan ang nagawa kong pagkakamali. Kasal kami ni Blas. Your father was a free spirit. Natakot ako. Tatlong buwan ka na nang malaman kong buntis ako, Gael. Desidido akong sabihin kay Blas na anak ka niya at 'yon ang ginawa ko. He didn't believe me. Noon ko lang natiyak na matagal na niyang alam na may problema siya kaya hindi kami nabiyayaan ng anak.
"I was very weak while I was pregnant with you. I was always sick and depressed. At nang isilang ka, sa unang limang taon ng buhay mo, para akong nakalutang. Postpartum depression, I guess. You were two when Blas first hit you. Para akong nagising. Nagpadala ako ng telegrama kay Oligario. He was in Cebu at the time. Umuwi agad siya. Magkikita kami nang araw na 'yon, kasama kita, anak, pero hindi dumating si Oligario. He died that day. He was on his way to meet us.
"Lalo akong nalugmok sa depresyon. I tried committing suicide twice. I was given medication. Unti-unti akong gumaling. At unti-unti ring lumala ang pakikisama sa atin ni Blas. Alam niyang tinangka kong tumakas. Hindi niya ako napatawad. When you were six I told him we had to leave. Simple lang ang naging banta niya—kapag nalaman ng iba na hindi siya ang ama mo, kapag umalis tayo sa bahay niya, gagawin ni Blas ang lahat para sirain ang buhay natin. Pareho nating alam na kayang-kaya niyang gawin iyon. It was then that I realized that I married the devil. Natanim sa puso ko ang isang bagay—ang paghahangad na mapunta sa 'yo ang lahat ng mayroon siya. It was that hope that became my beacon through the dark years and carried me through. That and you, of course.
"One day, I said to myself, one day my son will have everything Blas has ever worked for. And that day came. And finally, I had the courage to tell you who your father is. Plano kong sabihin sa 'yo noong panahong nakapagtapos ka na ng pag-aaral pero naisip kong kaya ka pa ring durugin ni Blas. Naghintay ako hanggang mabigyan ka ng puwesto sa kompanya pero naisip kong kaya pa rin niyang gawin iyon. When he had signed the papers giving you the company, I realized I have been avoiding the moment.
"Natatakot akong magalit ka sa akin, mawalan ng respeto. Pero ngayong malaya na ako kay Blas, naisip kong tatagan ang sarili ko at humingi ng tawad sa 'yo, anak—na pinayagan kong lumaki ka sa piling ni Blas, na hindi ko nagawang solohin ang paghihirap. I am so ashamed of myself."
It broke Gael's heart to see his mother that way. Naunawaan niyang namuhay ito sa takot at lungkot. Hindi na mahalaga ang mga maling pagpapasya nito. She was a good mother and had always protected him. She made his life bearable. At para doon, habang-buhay siyang magpapasalamat.
Niyakap ni Gael ang kanyang ina. "You're still the best mother in the world..."
Sa ngayon, kasama ni Gael sa bahay ang kanyang ina. Tuluyan na itong nakipaghiwalay kay Blas Belmonte.
Naitanong ni Gael sa sarili kung ano kaya ang nangyari sakaling hindi naaksidente ang kanyang tunay na ama. Would his life be different? Will he be any different? At kung sakali bang hindi niya nakilala si Audrey, magiging iba rin ba siyang tao?
Sapagkat sa lahat ng nangyari nang mga nakaraang araw, gaano man katindi ang naging pagnanais niyang balikan ang nakilalang ama, wala siyang makapang kaligayahan sa kanyang puso. Parang kinuha niya ang kompanya ng ama at ipinatong ang lahat ng bigat niyon sa kanyang mga balikat. Pagkaraan ng ilang taong pagtitiyaga, sa wakas, nakamit niya ang pangarap para lang mapuno ng pagnanais na talikuran ang kompanya. Now, he did not want to have anything to do with it.
Lumapit si Gael sa message board at binasa ang mga mensahe roon ng mga taong bilib sa galing ng kanyang ama. Lahat ng paghanga at pagmamahal na iyon na nakasulat sa mga papel para sa kanyang ama. His heart swelled with pride. Isa lang ang taong kilala niya na ganoon karami ang nagmamahal: si Audrey. Nakita niya iyon sa mga kaibigan ng dalaga, maging sa mga taong nakausap niya na nakilala lang ito sa ilang okasyon.
Natagpuan niya ang sariling nagsusulat sa message board. He wrote: I wish I had painted with you, Father.
Nagpasalamat si Gael sa caretaker at nagpaalam na rin. Nakapamulsa siyang naglakad papunta sa sasakyan. Napakaraming naging pagbabago sa buhay niya nang nakaraang ilang linggo. Noong simula, naging abala siyang labanan si Blas Belmonte sa legal na paraan. The man was never going to give up. Isang batalyong abogado ang kinuha ng kinikilalang ama upang kalabanin siya. Tinapatan niya ito. Hindi pa rin natatapos ang lahat kahit parang nagbugbugan sila ng mga dokumento sa nakaraang mga linggo.
And then he lost Audrey.
Mahirap para sa kanyang unawain kung bakit nangyari iyon. Marahil, isa lang ang dahilan: kailanman ay hindi siya minahal ng dalaga. A passing fancy, that was all he was to her. Nang maging maayos ang kalagayan nito at ng pamilya, nawalan na ng interes sa kanya si Audrey. It was painful. Because he still loved her.
Ah, marahil maraming magtatawa na pagkatapos ng ilang taon niyang paniniwala na hindi totoo ang pag-ibig, ngayon ay para siyang sinisipa sa dibdib dahil doon. Ayaw niyang sumuko. Mayroong nabuo sa pagitan nila ng dalaga kahit itanggi pa iyon ni Audrey.
Sumakay na si Gael sa kotse at umuwi sa bahay. Sinalubong siya ng ina. "Are you all right?"
"Yes. How are you?"
"I'm well. Have you eaten?"
Umiling si Gael at nagsalo sila sa isang maagang hapunan. Sa gitna niyon ay nasambit niya, "Mama, if I give back everything to Blas, will you be terribly disappointed?"
Mukhang nabigla ang ina, ngunit saglit lang at agad ding ngumiti. "You can do whatever you want with it, as it's yours now."
"I just want to know what you think."
"I think it's time we did what makes us happy. Ultimately, that's what I want—for you to be happy. Hindi ko nagawa, anak, pero umaasa akong magagawa mong maging masaya."
Tumango si Gael. Naging isang mahabang gabi iyon at kinabukasan ay kinausap niya ang kanyang mga abogado at sinabi ang nais niya. Saka siya nagtungo sa bahay ng kinilalang ama sa loob ng tatlumpu't dalawang taon.
"What are you doing here?" tanong ni Blas, magulo ang buhok, halatang hindi nag-aahit, puno ng mga dokumento ang coffee table.
Nais tumawa nang mapakla ni Gael sapagkat naunawaan niya sa mga sandaling iyon, kailanman ay hindi magiging masaya ang kinikilala niyang ama.
"You want your company back?"
"I know you will fight to the death to keep it! Nagsisisi ako na pinalaki pa kita, Gael—"
"Dahil hindi mo ako totoong anak, hindi ba?"
Matagal bago ito nakapagsalita. "Yes. And how I hate you and everything you represent. Masaya kami ng mama mo hanggang sa dumating si Oligario. He ruined my family. You and him."
"No. You did it yourself. At nakikita kong kahit kailan, hindi ka magiging masaya. Sayang. Kung sana nakuha mong magpatawad at magpatuloy sa buhay, tatanda kang masaya at may kasama. I feel sorry for you now. Call my lawyers. They're giving you back your company."
"What's the catch?" Bakas sa mukha ni Blas ang pagdududa.
"There is no catch. You will find that hard to believe because you're you. I wish you all the best. And yes, I do mean that. I wish you can find happiness after all these years to make the lives of the people around you easier. I forgive you."
"I have nothing to be forgiven for!" singhal ni Blas. "Pinatira kita sa bahay ko, pinag-aral, dinamitan. Wala akong utang-na-loob sa 'yo!"
Hindi na nagsalita si Gael, ganap na nauunawaang hindi sila kailanman magkikita nang mata sa mata ng ama. Pagganti? Hindi na kailangan pa. Blas' pathetic life was revenge enough. Hindi na rin gugustuhin ni Gael na makuha ang kompanyang nagdulot ng pasakit sa kanyang ina, binuo ng isang taong ayaw na niyang maalala pa, kung maaari lang.
Habang sakay ng kotse ay nalunod ng pangungulila si Gael. Kumusta na kaya si Audrey? Masaya ba ito? Marahil hindi nito mamasamain kung dadalaw siya. Ano ba ang masama kung magkikita uli sila? Nagpasya siyang magtungo sa Audrey's, ang coffee shop ng dalaga.
It was a lovely place even from the outside. Off-white ang kulay niyon na mayroong bahid ng murang dilaw. Sa display window ay makikita ang isang pagkataas-taas na cake. Sa loob na tanaw rin mula sa bintana ay makikita ang mga upuang puti at bilog na mesa. Punong-puno ang lugar.
Napangiti si Gael, masayang may bahid ng lungkot. Masaya siyang makitang nagaganap ang katuparan ng pangarap ni Audrey ngunit kasabay niyon ay malungkot na hindi siya kabahagi niyon.
And then he saw her. Hayun si Audrey, napakaganda sa simpleng bulaklaking bestida, may suot na dilaw na apron. May kausap na customer. His heart ached with yearning to be with her. But he silently drove away. He was dead weight to her. She was sunshine, he was midnight. Maybe tomorrow he can find the courage to talk to her. But not tonight. Not tonight.

Gael Belmonte's Runaway Bride - VanessaWhere stories live. Discover now