34

3.2K 87 5
                                    

Chapter 34
"Back off."

Napatigil ako at lumingon kay mom na ngayon ay masama ang tingin sa ina ni Victor. Nagulat si Mrs Valencia after tumayo si mom.

"Nakikita niyo na kumakain kami hindi ba? I think hindi naman kayo ganoon ka-close para istorbohin kami at batiin ang daughter-in-law ko," matapang na sambit ng ina ni Fabian. Actually, nakalimutan ko na mag ganitong side ang ina ni Fabian dahil lagi ako nito kinakausap ng kalmado.

Nakalimutan ko na isa itong business woman at hindi ito tatawagin ng tigress ng walang reason.

"Daughter-in-law? Hah! Kailan pa?" tanong ng ina ni Fabian. Mukhang hindi din alam ng ina ni Fabian na kinasal ulit ako at miyembro na ako ng pamilya ng mga Martinez.

Tumayo ako at hinawakan si mom sinabi na kumalma ito. Napatingin sa akin si mom then bahagya tinapik ang likod ng palad ko habang nakahawak sa braso niya.

Kunot ang noo na nilingon ko ang ina ni Victor.

"Katulad ng sinabi ni mom. Hindi tayo close para mag-change ng greetings sa public," ani ko. Narinig ko napamura si Victoria sinabi na nakapangasawa lang ng mas mayaman yumabang na ako etc.

"Baka nakakalimutan mo na asawa mo ang kapatid ko at may anak kayo," pikon na sambit ni Victoria. Ngumisi ako at tinama ang sinabi niya.

"Ex husband? Divorce na kami remember?" ani ko at sinabing huwag na ako ulit kakausapin. Wala na ako koneksyon sa kanila.

"Ikaw na babae ka! Wala ka utang na loob pagkatapos ka namin patirahin sa bahay, bihisan at pakainin! Ito igaganti mo sa amin!"

Nakita ko sasampalin ako ng ina ni Victor. Out of instinct naiharang ko ang braso ko sa takot. Naalala ko kung paano ako ng mga ito saktan at sigawan tuwing wala sina Victor.

"Sino sa tingin mo sasaktan mo?"

Napatigil ako at napaangat ng tingin. Nakita ko si mom na nasa harapan ko. Napatakip ako ng bibig nang makita ko na sinampal ni mom ang ina ni Victor at tapunan ni Sophia sa mukha si Victor ng juice. Nagtitili si Victoria.

"ikaw—"

Sinampal ulit ni mom ang mommy ni Victor at kumuha ng tubig. Ibinuhos iyon sa ulo ng mom ni Victor.  Na-shock ako katulad ng kung paano nagulat ang ina ni Victor.

"Hindi ko alam kung saan ka kumuha ng guts para saktan ang anak ko sa mismong harapan ko. Ano sa tingin mo manonood lang ako dumikit ang madumi mong kamay sa pisngi ng daughter-in-law ko?"

Marami na kumukuha ng video at pictures kaya naman tinago ni Victoria mukha niya at hinila na ang ina niya na mukhang hahampasin ng bag si mom.

"M-mom," nanginginig na sambit ko. Napatingin sa akin si mom. Agad na lumambot ang expression niya at niyakap ang ulo ko.

"You don't need to explain."

Hindi ko alam ngunit 'nong marinig ko iyon hindi ko maiwasan na maiyak. Nahihiya ako, natatakot at the same time nakaramdam ako ng relief dahil nandito si Sophia at mom.

Naiinis ako sa idea na akala ko move on na ako at kaya ko na sila harapin pero 'nong bigla na lang pumasok sa isip ko kung paano ako abusuhin ng pamilya ni Victor hindi ko maiwasan makaramdam ng takot na saktan ulit nila ako.

Ipinaalam ng ina ni Fabian ang nangyari kay Fabian 'nong araw na iyon. Automatic nagdilim ang mukha ni Fabian after marinig iyon.

Kaya pala medyo down si Sonia 'nong umuwi ito. Nag-aalala siya kaya tinawagan niya ang ina kung anong nangyari sa lakad nila nina Sonia.

Ibinaba na din ni Fabian ang tawag at naglakad patungo sa room nila ni Sonia. Nakita niya tulog na si France kaya dumiretso na si Fabian sa room nila.

Nakita niya si Sonia na nasa harap ng salamin at nagsusuklay ng buhok.
Katatapos lang mag-shower ang babae then nakalagay ang ilang cream sa table which is iyong mga ni recommend ng dermatologist ni Sonia.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon