16

4.1K 103 4
                                    

Chapter 16
Pinatulog ko na si France after 'non ay hindi lumabas ako ng room ni France at bumaba. Inayos ko ang kusina at pumunta sa living room para nga hintayin si Fabian.

Binuksan ko ang phone ko para libangin ang sarili ko. Sinearch ko ang name ni Fabian Martinez.

Agad naman lumabas ang pangalan at picture ni Fabian. Lumabas din iyong issue which is lumabas na isang single dad si Fabian. Walang nangyari na conference or nilinaw iyon ni Fabian. Lumabas ang picture ni Fabian kasama si France ngunit— wala sa mga article ang about sa ina ni France.

Lumabas ang issue na iyon 6 years ago out of nowhere after makita si Fabian na may buhat na batang lalaki. Kinumpirma naman ni Fabian na anak niya iyon ngunit wala ito nilabas about sa ina ni France.

Napatigil ako matapos makita ko ang date ng birthday ni Fabian. December 14, 19**.

"Malapit na ito," bulong ko. Ini-screenshot ko 'yon. Natutuwa din ako kumuha ng ilang stolen picture ni Fabian. Wala man lang panget— hindi ko alam kung gwapo talaga si Fabian or magaling lang mga photographer.

Patuloy lang ako sa pag-scroll hanggang sa mapako ang tingin ko sa isa sa mga school na pinanggalingan ni Fabian.

Isa lang sa unibersidad na pinasukan nito ang same school na pinasukan ko at naaalala ko nga na nasabi ni Fabian na same school kami 'nong highschool.

"Pero nakakapagtaka na hindi ko maaalala si Fabian. Sa tiyura ni Fabian sure ako na imposible na hindi ito mag-stand out kahit pa hindi ko siya kilala or ma-encounter."

Naalala ko kung gaano kabaliw ang mga babae kay Victor 'nong highschool kami to the point na inaabangan ng mga ito sa gate si Victor at tinitilian.

Mas gwapo naman si Fabian kay Victor— walang duda. Paanong hindi ko narinig pangalan ni Fabian and worst wala ako maalala.

Napatayao ako after marinig ang ugong ng sasakyan sa labas. Agad ako lumapit sa pinto para buksan iyon. Pinihit ko ang pinto para sa na itulak ngunit— may humila 'non.

Napasubsob ako sa isang malapad na dibdib at may pumulupot na braso sa bewang ko. Familiar ang perfume kaya napaangat ako ng tingin. Si Fabian iyon at natatawa nakatingin sa akin.

"Masyado mo ba ako namis para sunggaban mo na lang ako ng yakap? Masyado delikado ginawa mo."

Napasinghap ako at bahagya naitulak si Fabian. Nahihiya ako na humakbang palayo.

"Hinila mo 'yong pinto," nahihiya na paliwanag ko. Tumawa lang siya at bahagya niluwagan ang necktie niya sinabi na pumasok na kami. Malamig sa labas.

Nagpaalam si Fabian sa manager niya. Bahagya ako yumuko after ko siya makita. Ngumiti lang si manager Jomar at kumaway sa akin.

Noong isara ni Fabian ang pinto ay sabay kami pumasok sa loob. Pinaghanda ko agad ng makakain si  Fabian.

"Kamusta gala niyo nina Sophia?" tanong ni Fabian after magsalita ng tubig at abutin ang plato na ilalapag ko dapat sa table.

"Marami kami pinuntahan na shop tapos may mga cosmetics na ni-recommend sa akin si Sophia."

Nagsimula ako magkwento 'non at hindi ko napansin na nakatingin pala sa akin si Fabian habang kumakain. Hindi ko din napansin na masyado ako marami sinasabi. Napatigil ako ng ma-realize  ko iyon.

"Why ka tumigil?" tanong ni Fabian at bahagya binaba ang kutsara.

"Ang daldal ko na kasi," sagot ko. Bigla tumawa si Fabian sinabi na magsalita at magkwento lang ako dahil makikinig siya.

"Gusto ko malaman ginawa niyo maghapon ni France," ani ni Fabian. Napangiti na lang ako after marinig iyon kay Fabian.

Nagkwentuhan lang kami ni Fabian habang kumakain sila at naikwento din ni Fabian about iyong naging issue sa site nila kaya siya late nakauwi.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon