From There, 'till Here [18]

3.4K 3 0
                                    

Chapter 18

Zemickis' POV

Maaga akong nagising kanina, dumeretso muna ako dito sa bahay para kumain at makaligo. Ang ingay kasi matulog nina AC kaya di ganun kahimbing ang tulog ko. Isa pa puyat din ako dahil sa kanila. Kung ano ano ba naman daw kasi ung itinanong, parang babae lang, chismosa.

Tulad nalang ng...

"Pare may gusto ka ba kay Nasha?"

"Pare may balak ka bang ligawan si Nasha?"

May nangangantsaw pa...

"Oi pare, napapalapit ka na ata kay Nasha."

"Pare baka balikan ka nung ex ni Nasha, patay ka hahahaha."

Sus, edi balikan. Wala akong pake. At kung anong sinagot ko sa mga tanong nila tungkol samin ni Nasha? I answered "EWAN". 

Ewan ko naman talaga eh. I don't know what are my feelings for Nasha, but Nasha is something in me that I can't lose. Gusto ko na nga ba talaga siya?

Magulo. Ayaw ko pa din sagutin yan, magagambala lang ako, isa pa wala akong pag-asa dun. Hindi pa nga yun nakakamove on dun sa gago niyang ex na si Stephen eh.

Stephen, that damn name is ruining my morning.

But atleast Nasha is so far happy now, as I can see, sana lang tuloy tuloy na ulit yan.

Mukhang hindi na siya ginugulo ni Stephen, and I can see Nasha is now moving on. 

Sana kahit papaano. Sana kahit one-eight man lang ng mga ngiti ni Nasha, isa ako sa mga rason. 

Malaman ko lang na isa ako sa mga nagpapasaya kay Nasha, gagawin kong career yun araw araw, kahit walang sweldo basta napapasaya siya.

I don't know, but I feel so complete whenever I see her, her smile. Para kasing ibang Nasha ang kaharap ko pag nakikita ko siyang malungkot.

Ano ba to! Bakit puro si Nasha iniisip ko, baka mamaya magkatotoo pa ang sinasabi nina AC na baka gusto ko na nga siya.

Gusto ko na nga ba?

Sa kakaisip ko sa kung anong anong bagay, nakalimutan ko weekend nga pala ngayon. And weekend means, going to lolo and lola's house. Pero I think, I won't be able to make it to their house, I have lots of things to do. Babalik pa nga ako kina Nasha, kahit wala na akong papel dun.

Ay meron pala, ang asarin si Nasha. 

So ito ngayon, itetext ko na sina Lolo na hindi ako makakapunta sa kanila, kasi kung tatawagan ko sila paniguradong kukulitin lang nila ako... And they might ask few things about Maxine kung bakit umalis ung babaeng yun. 

Bakit nga ba?

Mabuti na rin siguro yun para wala akong iniintindi dito sa bahay.

Gusto ko si Nasha lang ang iniintindi ko. Wahaha. Ano ba yan, Nasha nanaman. Gising na kaya yun? 8:46 na oh, malapit ng mag-9.

Nakatulog kaya agad sila? 

Tinanong rin kaya si Nasha nina Iris about dun sa kagabi?

Dun sa pag halik ko sa pisngi ni Nasha kagabi? 

Naalala ko nung hinalikan ko si Nasha sa pisngi niya. Sa sobrang cute ng pisngi niya hindi ko napigilang hindi halikan, nabigla lang din naman akong halikan siya eh. Akala ko nga magagalit pa siya, kinabahan ako. Akala ko sasampalin ako. Akala ko sisigawan ako.

Pero di pala, wala lang yun sa kanya. Ganun na ba talaga siya kamanhid at nadala sa mga nangyari sa kanilang dalwa ni Stephen? Kasi sakin, hanggang sa pagtulog ko hindi ko makalimutan yung oras na hinalikan ko siya, kahit sa pisngi lang. It was my first time to kissed a girl on a girl's cheek, not including my mother's, but that girl's cheek? It's Nasha's cheek. I don't know.

Sa dinami-dami ko na rin namang naka-eye-to-eye contact na babae, kay Nasha lang ako natutulala. Nakakatulala kasi yung ganda niya eh, simpleng ganda.

Gusto na ba talaga kita? O gusto ko lang kung ano yung meron tayo ngayon?

SANA LANG...KUNG TOTOO MAN TONG NARARAMDAMAN KO PARA SAYO, SANA HINDI AKO MABIGO.

SANA LANG...

-------------------


From There, 'till Here [ONGOING SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon