Simula

35 1 0
                                    

Beaming lights. Shattered glass. Cries of sorrow. Lahat ng iyon ay nanggaling sa paligid ko. I have no idea what's happening. Kahit gusto kong malaman o makita...wala akong magawa. Everything went slow...and I can't remember anything. Wala... I tried, but nothing came. Hindi ko alam. I don't know why I'm here...or why I hear all these noises.

My head tingled. It feels sloppy and uncomfortable. Gusto kong gumalaw. I clenched my hand, and I can't almost feel it. Something...seems to be stopping me from moving. I feel like I am in some kind of cage—trapped and can't move.

I tried to move again. Masakit. May masakit sa akin. I don't know where. I don't know why. Parang kaunti ko pang galaw ay may masisira sa akin. Somehow, I felt scared, but confusion took over my mind. Gusto ko na lamang umalis dito. I want my Papa now. He was here...with me. That's all I remember.

Where is he? I can't hear him. 

After some moment, I felt like I was lifted up by something and all those noises subsided.

Where am I? Where is my Papa?

"Hyacinth, please!" she shouted.

Nalaglag ang panga ko sa pagkabigla. She's been bothering me since earlier. I just want to write! Natatakot pa naman akong mapatayo ni Ma'am at mapalo sa palad. Ida-damay niya pa talaga ako!

"Palit na tayo ng lapis, Hyacinth, please... Look, it's Barbie's pencil! It's good. Ayaw mo ba? Maganda naman 'to, oh..." pilit ulit ni Snow sa akin.

Agad akong ngumiwi. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang makipag palit ng lapis sa akin. Maganda naman pala ang kaniya, bakit pa niya gustong makipag palitan?

"Ayaw ko naman kasi sa Barbie, e. I want...hmm...I want something else! I want this!" tanggi ko sa kaniya sabay taas sa lapis ko.

Nanginig naman ang mga labi niya habang ang tingin ay nasa lapis ko. Sumingkit ang mga mata ko nang makita ang luha sa gilid ng mata niya.

I sighed. "Alam mo... Kung gusto mo ng ganitong lapis, bakit hindi ka mag ask sa parents mo na ibili ka ng ganito?"

She cried.

Tinapik tapik ko naman ang likuran niya. "Your pencil looks good. Hindi mo kailangan makipag palit sa akin." I smiled at her.

Hindi ko alam kung bakit nalulungkot siya nang dahil sa lapis. She's very fragile. Ang bilis niyang mapa iyak dahil sa isang maliit na bagay. How I wish I was like that too... 

Maybe, it's much better if I let it all out, right? But how? I can't even name this feeling. 

Ever since that night...happened.

"Did your project in science work?" tanong ni Snow.

Napabalik naman ako sa wisyo.

I stared at her.

I can't believe she was that girl from years ago! Na umiyak nang dahil sa lapis. Gusto kong matawa pero alam kong maiinis siya agad kung ipapaalala ko pa sa kaniya iyon. I would feel the same way if I was that girl.

Nag pigil ako ng ngiti dahil sa iniisip ko.

I cleared my throat. "Oo. Tinulungan ako ni Tito..." agap ko sa kaniya. "It's easy lang pala, e. Basta alam mo ang gagawin." I giggled.

We have a project in science in which we need to lighten up the bulb using a switch that is powered up by batteries. Nag assemble kami kahapon sa room pero hindi lahat ay nagawa ng tama iyon. Isa na ako ro'n. Tsaka ko lang nakuha kung paano iyon gawin no'ng si Tito Grant na ang nag turo sa akin.

I'm not saying that our teacher didn't teach us well! Let's just say...mas na gets ko ang explanation ni Tito kumpara sa explanation ni Ma'am kahapon.

"I hope my father is here, too... Kailan ba siya uuwi? I need someone to help me do my projects!" Padarag siyang sumandal sa armchair niya.

Where Our Tempo FliesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang