Chapter 13

26 8 0
                                    



I didn't see what happened underwater but I had a bad feeling about it.

Pag-ahon ni Sid ay mukhang guilty siya.

Nakasimangot tapos parang nakakita ng multo nang makita ako na nakatayo sa gilid ng pool.

Feeling ko may ginawa si Tracy pero hindi ko alam kung ano.

Kutob lang naman ang meron ako.

***

Noong unang beses pa lang na dinala ko si Sid sa Laguna ay iba na agad ang tingin sa kanya ni Tracy.

Akala mo baby na laging nagpapabeautiful eyes kapag kausap niya si Sid.

She was also fully made-up kapag dumarating kami.

Grabe rin ang pabango.

Nakakasulasok dahil parang binuhos niya ang laman ng isang bote sa katawan niya.

Halatang nagpapapansin talaga.

***

Mabait talaga si Sid tsaka hindi siya ang tipo ng tao na malisyosa.

Balewala sa kanya ang mga padila-dila sa labi na ginagawa ni Tracy.

Kapag dinidikitan siya ng pinsan ko ay siya mismo ang naglalagay ng distansiya sa kanilang dalawa.

Ako itong naiinis sa ginagawa ng pinsan ko.

Bukod sa kilala ko siya ay gawain niya talaga ito noon pa.

Kapag may pumupunta dati sa bahay para manligaw sa akin ay nandoon din siya at nakikiusyoso.

***

Ngayon lang sumama si Sid kay Tracy na walang ibang tao sa paligid.

Most of the time ay hindi siya nagpapaiwan mag-isa lalo na kapag si Tracy lang ang kasama niya.

Perhaps she wasn't totally clueless about what my cousin was doing.

Pero sino ba ako para husgahan ang pinsan ko.

I'm the one having sex with my ex-girlfriend.

Mukhang nakakahalata na rin si Brad dahil pagbalik ko galing sa CR ay nagtanong kung bakit ang tagal ko bumalik.

Nang buweltahan ko naman kung gusto niya talagang malaman ay tumanggi tapos diring-diri ang itsura.

Nandoon si Tracy nang mangyari iyon.

Kakaiba ang tingin niya sa akin na parang meron siyang gustong ipahiwatig.

Pero hindi ko siya pinansin.

Ayokong magmukhang guilty lalo na at nandoon si Brad.

***

Noon pa man ay hindi na talaga kami magkasundo.

Mahigpit kasi ako.

Hindi ko sila pinapayagan na maglaro o manood ng TV o di kaya magcellphone hangga't hindi nila natatapos ang assignments nila.

Mas gusto nila si Kevin dahil hinahayaan lang nito na gawin ang gusto nila.

***

"Babe, dinala mo ba ang mga gamit ko?" Naputol ang pagmumuni-muni ko dahil sa tanong ni Brad.

Nasa cabana kaming dalawa at naghahanda ng maligo.

"Buksan mo ang zipper sa gilid ng duffel bag. Diyan ko nilagay." Nayayamot na sagot ko.

"Puwede ikaw na ang kumuha?"

"Brad naman. Nasa tabi mo ang bag. Di mo ba kayang buksan?"

"Ba't ang sungit mo?"

The Long Weekend (A Novelette)Where stories live. Discover now