Chapter 9

39 8 0
                                    



"Anong nangyari sa labi mo?" Nakaupo kami ni Kevin sa lounge chair sa malilim na bahagi sa may swimming pool.

"Nakalmot ko."

"Nakalmot mo o kinagat ni...?" Ngumisi siya sa direksiyon nina Lee at Brad.

Nakalublob ang dalawa sa mababaw na bahagi ng pool na sakto naman na nasa tapat namin.

Nakadark sunglasses si Brad.

Kulang na lang ay itali niya sa bewang si Lee dahil walang tigil ito sa kakahawak, akbay at halik.

"Nakalmot ko nga. Ba't ba ayaw mo maniwala?" Inalis ko ang tingin sa dalawang lovebirds bago ako tuluyang masuka sa sobrang kasweetan ni Brad.

Kung makahawak kay Lee, akala mo aagawin sa kanya.

"Sa akin ka pa talaga nagsinungaling."

Hindi ako sumagot.

Wala naman saysay.

Kevin was the only person who knew about my relationship with Lee.

Thankful ako na wala siyang problema na nagdidate kaming dalawa.

But he wasn't privy into the details of my dating life because I wasn't the type to kiss and tell.

Pero hindi siya tanga.

Obvious naman kasi na nagsisinungaling ako.

***

When I woke up and went to the bathroom, the first thing I saw in the mirror was my lower lip.

There was a small cut and it was still raw.

I was right when I thought Lee bit me.

"Mag-ingat ka lang, Sid. Kita mo naman kung gaano kalaki si Incredible Hulk," Nakatawang sabi niya.

"Hindi ka galit?"

"Ba't ako magagalit?"

"Kasi nga..." Hindi ko tinuloy ang sasabihin.

"Sid," Tinapik niya ako sa tuhod.

"Matanda na kayong dalawa. Alam niyo na kung ano ang pinagagawa ninyo."

***

Umahon si Lee sa pool pero nakahawak pa rin si Brad sa kamay niya.

Nakangiti ito at pinapabalik siya sa pool pero hinawi ni Lee ang kamay niya.

Tinawag si Kevin ni Danica, isa sa barkada ni Tracy.

Bigla niya na lang ako iniwan at halos magkandarapa itong lumapit.

Kagabi pa naglalandian ang dalawa at enjoy na enjoy si Kevin sa atensiyon na binibigay sa kanya ni Danica.

Kung hindi ako nagkakamali ay kaedaran lang ni Tracy si Danica.

But who am I to judge Kevin when he didn't even say anything about what happened to Lee and I?

I would like to think that what happened last night was just sex.

Ayokong bigyan ng malalim na kahulugan other than we both needed it.

I had to admit it felt good.

Sex with Lee had always been satisfying.

She was never coy.

When we used to be together, sex was never boring because we were both open to trying out different things and positions.

It was this openness and adventure that made our relationship exciting.

Last night was the same.

It felt like it was just the two of us when in fact her boyfriend was in the other room.

***

Hindi na bumalik si Kevin.

Nasa pool siya malapit sa slide kasama sina Tracy.

Nandoon na rin si Brad at nakikipagkuwentuhan sa kanila.

He had his arms raised as he flex his muscles to show it off.

I rolled eyes.

Oo na at para siyang Terminator at makaagaw pansin ang malaking katawan niya but does he really need to flaunt it?

Tumayo ako para pumunta sa banyo.

I don't feel like going for a swim right now because it was scorching hot.

Tanghali na kami dumating sa resort dahil late gumising si Lee.

Ayaw pumayag ni Tita Marga na umalis kami na hindi sila kasama.

Brad even insisted that we go first.

May GPS naman sila at sabi nga niya ay magaling siya magnavigate.

Pero mapilit si Tita.

Mas maigi kung sama-sama kaming lahat.

Walang kumontra sa kanya kaya naghintay kami.

Pagpasok ko sa CR ay didiretso sana ako sa pinakadulong stall nang may tumulak sa pinto.

I turned around and it was Lee.

"What are you...?"

Hindi ko natapos ang sasabihin dahil tinulak niya ako papasok sa isang stall.

The Long Weekend (A Novelette)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن