Hue #7

217 6 1
                                    

Hue #7

Mirn’s POV

I first watched the Grand Prix when I was 11 years old because my Dad brought me to watch the Australian Grand Prix. I remember that was also the first time I saw Marcus who was just starting back then. Isang taon lang din naman kasi ang tanda ni Marcus sa akin.

Tapos magkakilala ang Daddy ko saka Daddy niya but we were never formally introduced with each other until Gavion helped me. Tamang stalk lang talaga ako noon kay Marcus kasi may hiya rin naman ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa Daddy niya na ako ang ‘future daughter-in law niya’.

Looking back, it made me smile and cringe. Nakakahiya pala ang mga pinaggagawa ko noon lalo na kapag tumatakas ako para pumunta ng Clark tapos panoorin ang practice game ni Marcus. Ako pa ang may pinakamalakas na cheer noon sa crowd tuwing may game siya hanggang sa pumunta na siya sa ibang bansa para ipagpatuloy na ang career niya.

As for Gavion, I honestly didn’t care. Although, nakikita ko na siya noon kasama ni Marcus. Sa kanilang dalawa ay si Marcus ang may friendly aura. Mukha kasing loner si Gavion tapos masungit noon. Ayoko pa naman ng nonchalant guy dahil kulang ako sa pansin.

Right now, I wish I cared ‘cause I was literally shocked how good Gavion is—not just good! He is literally the best as of this moment. Halata naman sa standing nila dahil siya ang nangunguna sa qualifying round. Kapag nagpatuloy ay siya ang makakakuha ng first pole position na siyang inaasam ng lahat ng drivers para sa Grand Prix bukas. Syempre, mas may advantage kapag ikaw ang nasa una.

Bias wrecker! Hindi ko pa tanggap ng una pero fine–I am literally crushing Gavion now.

Parang ako ang nasa racing track dahil kanina pa ako kinakabahan lalo na kapag dikit na dikit sila ng ibang drivers. Nako! Subukan lang matalo ni Gavion! Sasakalin ko siya.

“Oh! My! Gosh! Go, Gavion Russell!” Tili ni Ate CL. “Mirn! Look! Aaaah! Shit! Shit! Four more laps to go! Bakit humahabol ang Mercedes? Boo!”

Saktong pagdaan ng sasakyan ni Gavion sa amin ay sumigaw ako. “Waaah! Go, Gavion! Wooo! Go, Marcus! Aaaaah!”

Hindi ko na alam kung sino ang ichecheer ko. Nang una ay puro Marcus talaga ako hanggang sa hindi ko na napigilan. Puro Gavion na lang ang sigaw ko.

“Waaah! Two more laps pa! Aaaah!”

Sabay kaming tumitili at tumatalon ni Ate CL sa tuwing mauuna sa finish line si Gavion. Nakasunod naman sa kanya sa Marcus.

“Girls, calm down,” Kuya Nic said. “You’ll restrain your voice. Tomorrow is the Grand Prix. Bukas kayo sumigaw.”

Hindi kami nakinig sa kanya. Sumigaw pa rin kami tapos nakisama na rin si Kuya Chiro.

“Waaaah! Ayan na! Aaaaaah!” Nagtatalon-talon kami ni Ate CL dahil si Gavion ang una.

“Oh, my gosh! He’s finally in pole position one! Waah!” Naiiyak na sabi ni Ate CL.

“He deserves that,” I heard Kuya Chiro. “Pinaghirapan niya talaga ‘yan, after what happened for the last three years.”

“Yeah,” proud na sabi ni Ate CL. “Did you know that this will be his first pole position? Either panglima o pang-apat kasi siya lagi.”

“Good thing that he is following his own strategy,” Kuya Nic said. “Kung hindi lang naman kay Marcus, malamang nasa Red Bull na si Gavion.”

“Huh? Why?” Usisa ko. “May balak siyang lumipat?”

“Sort of. Marami kasing issue sa Ferrari lalo na ‘yon nangyari sa pit stop last year. Kaya siya natalo dahil nga sa mabagal ang pit stop ng Ferrari tapos mga bobo ‘yong strategist nila,” Kuya Nic scoff.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hue in my Photograph (Hue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon