Hue #5

197 7 0
                                    

Hue #5

Mirn's POV

I deeply sighed.

It's so hard to stalk Marcus these days. Gusto ko lang naman na magkaroon ng inspirasyon dahil sobrang stress na ako sa school kaso hindi naman makaramdam itong si Marcus.

Does he not know that he has a 1.8M followers who is waiting for his update? Gaano ba kahirap na mag-post ng picture niya?

Should I message him? Ano namang sasabihin ko? Nilangaw na nga ang huling convo namin kasi hahahaha lang ang sagot niya. Paano ko naman bubuhayin 'yon?

"Aah! Ayoko na!" Hinagis ko sa kabilang couch ang phone ko saka humiga. Tinitigan ko iyong kisame, kunwari si Marcus na nakangiti sa akin pero tinigilan ko na lang kasi baka mabaliw pa ako.

Kinuha ko na lang ulit ang phone ko tapos nag-search ng profile ng iba ko pang crush. It has been a year and half since I last saw Marcus. He's my ultimate crush. Pero marami pa akong ibang crush kaso pare-pareho lang sila na hindi mahilig mag-post ng picture. Mga useless!

"What are you looking at?" Usisa ng pinsan ko na si Kuya Hans.

Nandito na naman siya para manguha ng pagkain. Naghihirap na ba sila? O baka wala na naman siyang magawa kaya tambay dito. Nasa isang compound lang kami ng mga pinsan ko mula sa mother side-Eleazar. My grandfather bought a whole subdivision for us in the Metro.

"Crush mo rin Jhules? Sino ba talagang crush mo? Akala ko ba si Marcus?"

"I have a lot." I counted. "Hmm, I think nasa 8 sila."

"Wow, ang landi. Sumbong kita kay Tito," sabi niya habang kumakain ng gelato. "Sino ba sila? Baka may kilala ako."

"Tatlo lang naman iyong pinaka. Marcus, Jhules, and Azarion."

Kuya Hans laughed. "Iyon pa talagang mga masusungit na wala kang pag-asa!"

"Ang sama mo!" Hinampas ko siya. "You know Kuya Azarion, right? Anong IG niya?"

"Wala."

I rolled my eyes. "Whatever. Mga useless talaga. Anyway, anong pagkain sa fridge namin? Gutom na ako."

"Gelato saka mga frozen foods. Hindi pa raw sila nakaluto. Namili din ng groceries ang mga kasambahay," sagot niya. Binuksan niya ang t.v. saka nanood tapos pumunta ako sa kusina.

Walang laman ang fridge namin kaya naisip ko na tingnan ang fridge ng mga kasama namin sa bahay para manghingi ng pagkain.

"Ya! I am hungry," tawag ko kay Yaya Miling kaso hindi ko alam kung narinig niya ako. "Ya! Paluto ng food, please."

I checked the fridge. "Oh, wow. Chicken nuggets!" Kinuha ko iyong pack sa freezer tapos binasa ang nakasulat.

Chicken nuggets nga! Buti pa sila Yaya may chicken nuggets samantalang sa fridge namin ay wala. I think I need to tell them to put it in the grocery list.

"Yaya! Paluto po ng food." Lumabas ako sa veranda pero wala si Yaya.

Fine! Ako na nga lang ang magluluto. Kinuha ko iyong air fryer tapos nilagay na ang mga nuggets doon. Itatapon ko na sana iyong plastic nang may maalala ako.

I took a picture of it and sent it to Gavion. I am not expecting him to reply as it has also been a year and half since I last saw him. Hindi rin naman kami nag-uusap.

Although, I can still see him active on instagram. Hindi nga lang siya nag lilike ng post ko kaya hindi ko rin nila-like ang post niya.

I wanted to ask about Marcus pero tinamaan na rin ako ng hiya. Baka tawagin na naman niya akong desperada. It's not like kating-kati akong maging jowa si Marcus-pero sana nga!

Hue in my Photograph (Hue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon