2: Cursed Water

51 4 0
                                    

Chapter 2 - Cursed Water

Spine-chilling stares of the naiad's white pearl eye were creeping out the whole system of Angel. Kanina pa nakatingin sa kan'ya ang nakatatakot at nanlilisik nitong mga mata.

"F you, Hermes! Papatayin kita pagbalik mo rito!" mahinang bulong nito sa kan'yang kinatatayuan. Nanginginig ang kan'yang katawan at pakiramdam niya'y binuhusan siya ng malamig na tubig.

Hindi parin siya makapaniwalang iniwan siya ni Hermes sa lawa kasama ang nakakatakot na nilalang na ito upang pumitas ng prutas. Hindi na niya kailangan pa ang prutas na iyon, mas kailangan na niya ngayon ang makaalis sa lugar na ito.

"You're not a deity, not a heroine, nor a nymph, but you are immortal... what are you?" the naiad asked her.

Sunod sunod ang paglunok ni Angel dahil kaba.

"I-I a-am a spirit."

"But you have flesh!" curioused naiad.

"The—"

"I think you should be one of us!" The naiad gave her a nightmarish grin.

"Uhh– What do you mean?"

Nagulat si Angel nang maramdamang bumagsak ang buo niyang katawan at napaupo sa damuhan. Huli na nang namalayan niyang nakapulupot na pala ang mahabang buhok ng babae sa kan'yang kaliwang paa. Pinilit n'ya itong tanggalin ngunit masyado itong mahigpit at nanginginig na rin ang kan'yang mga kamay sa takot.

"I want to get out of here!" the naiad cried.

Hindi maintindihan ni Angel ang sinasabi ng nakatatakot na babae at patuloy lang sa pagpupumilit na tanggalin ang nakapulupot na puti nitong buhok sa kan'yang paa ngunit habang pilit n'ya itong tinatanggal ay lalo naman itong humihigpit.

"You're the perfect person to help me get out here!"

"Shut up! Hades will kill you once he'll learn about this!" the child warned her out of desperation. She knows too much that Hades would kill this naiad.

"Hades?"

Napatigil ang babae nang marinig nitong banggitin ni Angel ang hari ng mga patay.

"Yes! He'll kill you for sure!"

"Of course!" muling nabuhayan ang babae sa sinabi ni Angel at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakagapos ng paa ng bata.

"Of course! He'll know about me because you'll meet him after I get your little life here!"

Walang nagawa ang bata nang hilahin ng babae ang maliit nitong katawan patungo sa kailaliman ng lawa.

Takot at hindi alam kung anong gagawin. 'Yan ang nararamdaman ngayon ni Angel, bahagya nitong minulat ang mga mata. Ang tanging nasisilayan lamang nito ay ang imahe ng nagliliwanag na babae sa ilalim ng tubig. Hindi pa rin matanggal sa kan'ya takot at kaba. Sa tingin n'ya ay dito na magtatapos ang kan'yang buhay.

Pinilit niyang umahon ngunit hinihila lamang siya pababa ng buhok na nakagapos sa kan'yang paa. Sa bawat pagpupumilit nitong umangat ay siya namang paghila sa kan'ya pababa. Nauubusan na siya ng hininga at alam niyang ilang sigundo lang ay tuluyan na siyang malulunod sa lawang ito.

"I'd kill you, Hermes!" 'Yan ang huli niyang naisip ngunit bago pa man siya tuluyang malunod ay naramdaman niya ang unti-unting pagkalas ng puting buhok sa kan'yang paa. Sinubukan niyang iahon ang sarili mula sa pagkalunod ngunit nang masilayan na niyang malapit na siya sa ibabaw ng tubig ay nasaksihan niya ang mukha ng nakatatakot na babae na siyang sumalubong sa kan'ya.

"Hindi ka na muling masisilayan pa" bulong nito.

"What the hell!" sunod sunod na malutong na mura ang binigkas ni Angel nang sa wakas sa marating niya ang gilid ng lawa. Hinahabol n'ya pa rin ang kan'yang hininga at pilit na inuubo ang tubig na nalunok niya mula sa pagkalunod.

Myth 6 - Hermes: Messenger of Gods (On Going)Where stories live. Discover now