Sample Chapter: Kabanata 2

1.7K 19 4
                                    

Kabanata 2

"MR. CARBONEL."

Santiago grunted after seeing the same reporter again. Talagang yatang hindi siya titigilan ng babae hangga't hindi siya nagbibigay ng interview rito.

He walked faster to his car but the woman doubled her steps to catch him.

"Mr. Carbonel, ano ang masasabi mo sa balitang may foul play ang-"

"It's been two years, lady." He unlocked his car and gave the woman a cold stare. "Get over it."

"Hindi ka ba na-"

Santiago didn't hear the rest of what the woman was saying. Pumasok na siya sa kanyang sasakyan at kaagad na binuhay ang makina. 

The woman kept knocking on her window but Santiago acted as though he doesn't see her. Wala siyang panahon para sa reporter na wala namang ibang ginawa kun'di sirain ang imahe niya sa bawat balitang isinusulat nito. 

He used one hand to steer the wheel while the other to dial his friend Lennon's number. 

"Santi," bungad nito sa kanya.

"You found him?" tanong niya habang papalabas ng basement. 

"Yeah. Ano ang gagawin?"

"Bring him to the old warehouse. I'd like to have a quick talk."

Mahinang humalakhak si Lennon. "You had a bad day, hmm?"

Santi heaved a sigh. "Quite."

"Alright, mate. Destress all you want then."

Pinatay ni Santi ang tawag bago niya iniba ang kanyang daan. Tinahak niya ang patungo sa lumang warehouse ng Carbonel Brewery sa may Bulacan. He parked his car outside and then went out to lean on his car. 

Hindi nagtagal ay natanaw na niya ang paparating na van. Lennon's men went out first to grab the keys for the warehouse. Binuksan ang malalaking pinto at ipinasok ang van bago muling isinarado ang steel doors.

The lights went on before Lennon dragged a familiar guy out of the van. Nakatali ang mga kamay ng lalake habang may piring naman ang mga mata.

Lennon flashed a smirk. "He's all yours."

Inabutan siya ng kaibigan ng leather gloves. Nang maisuot iyon ay lumapit ang tauhan ni Lennon upang ibigay sa kanya ang handgun. 

The guy startled after hearing Santi cock the gun. Tila kahit nakapiring ay ramdam nito ang galit na nananalaytay sa katawan ni Santi.

"It's been a while, Wayne." Tumalungko si Santi at ihinaplos ang nguso ng baril sa pisngi ng lalake. "You ready to give me the tape, hmm?"

Nanginginig sa takot na inilayo ng lalake ang mukha sa baril. "S-Sir Santi, parang awa na ho ninyo. Wala ho talaga akong alam. Sina Romyl ho ang nagtakbo ng-"

"Until when are we going to drink in circles, hmm? You guys think you can fool me forever?" Hinawakan niya ang buhok nito saka niya itinutok ang baril sa bandang baba ng lalake. "You know my patience isn't that impressive, Wayne."

Lumuluha itong umiling. "Sir, maniwala ka ho sa'kin. Wala talaga akong alam. Nadawit lang ako-"

Pumalahaw ang lalake nang paputukan ni Santi ang binti nito. His blood stained the dusty concrete floor but Santi didn't give a damn. 

"I'm gonna ask you one last time, Wayne. Where the hell did you hide it?" kalmado ngunit nagbabantang tanong ni Santiago.

The guy sobbed in both pain and fear. "N-Naibenta h-ho ni J-Jassel ng sampung milyon pero sila lang ni Romyl ang nakakaalam kung sino ang buyer-"

TYRANT BROTHERS SERIES 1: Maid For You (VIP STORY)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora