Sample Chapter: Kabanata 1

2.4K 39 8
                                    

Kabanata 1


PIGIL na pigil ni Neela ang kanyang mga luha habang nakatingin sa namumulang mga mata ng kanyang among babae. She's been with this wonderful family for ten years. Mabait ang mga ito sa kanya kaya naman ngayong nalaman niyang magma-migrate na ang mga ito sa New Zealand ay naghahalo ang saya at lungkot sa kanyang puso.

Mrs. Lastimosa sniffed. "Huwag kang mag-alala, Neela. May nahanap na kaming lilipatan mo." Hinawakan nito ang kanyang kamay saka iyon marahang piniga. "Hindi namin hahayaang mawalan ka ng trabaho. Mas malaki rin ang sasahurin mo sa bago mong papasukan."

Basag siyang ngumiti. "Salamat po, Ma'am." She wiped the tears on the corner of her eyes. "Masaya po ako para sa inyo. Sadyang nalulungkot lang po ako kasi napamahal na po kayo sa akin."

"Oh, you sweet thing." Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "Ikaw rin, Neela. Para ka na rin naming anak kaya masakit din sa amin na kailangan ka naming iwan."

"Naiintindihan ko po, Ma'am."

Alam naman niyang matagal nang nagpaplano ang mag-asawang mag-migrate dahil karamihan sa mga kaanak ng mga ito ay nasa New Zealand na. Natagalan lamang ang pagproseso ng mga ito ng papeles dahil buong pamilya mismo ang lilipat ng ibang bansa. 

The family is expected to leave the country next week. Kaya ngayong araw ay ihahatid na siya ng mag-asawa sa bago niyang magiging amo. 

Neela packed her stuff with tears in her eyes. Halos lahat ng gamit niya ay bigay ng mag-asawa. Tuwing kaarawan niya o kaya ay mayroong okasyon ay nireregaluhan siya ng mga ito ng mga bagong damit o ibang bagay na magagamit niya. 

Palibhasa ay alam ng mag-asawa na dumidiretso sa probinsya ang lahat ng sinasahod niya kaya hindi niya magawang gastusan ang sarili. 

"Ate Neela, sasama ka nalang, please?" pangungulit ng alaga niyang si Victor. Ang pitong taong gulang na bunsong anak ng mag-asawa.

Hinaplos niya ang pisngi ni Victor saka siya basag na ngumiti. "Hindi pwede, Victor. Huwag kang mag-alala. Hindi ba binilihan ka na ng cellphone? Kapag may oras ako ay tatawagan kita palagi."

Nalulungkot na yumakap sa kanya ang kanyang alaga. Ang ate naman nitong si Avi ay nagkulong na sa kwarto nang hindi makita ang pag-alis niya. Kagabi pa ito iyak nang iyak nang sabihin ng mga magulang na hindi pwedeng sumama si Neela sa New Zealand. 

It is so hard for her to bid goodbye to the Lastimosas. Minahal siya ng mga ito na parang kapamilya at ganoon din siya. Para tuloy nababasag ang puso niya habang isinasakay ni Mr. Lastimosa ang bag niya sa trunk ng kotse nito. Nakayakap naman si Victor sa kanyang  baywang. Tila ayaw siyang paalisin.

Neela sniffed. "Mag-aaral kayong mabuti ni ate Avi, ha? Mahal ko kayo."

Victor cried. Naaninag naman ni Neela ang katorse anyos na si Avi na nakasilip sa pinto. Nangingilid ang mga luha nito na tila hindi kayang magpaalam sa kanya.

Neela flashed a broken smile before she offered her hand. Avi walked towards her and hugged her. Nag-iyakan sila ng mga alaga niya kaya hindi na rin napigilan ng mag-asawang Lastimosa ang maluha. 

Oh, she loves this family so much but she wishes them nothing but a better life. 

Mabigat ang dibdib na sumakay ng kotse si Neela. Panay ang singhot nila ng amo niyang babae dahil kahit nasa byahe na patungo sa bago niyang papasukan ay hindi matigil ang kanilang mga luha. 

Halatang naaawa rin sa kanya si Mr. Lastimosa kaya lang ay wala rin naman itong magagawa. Neela has no proper documents. Kahit gustuhin ng mga ito na bitbitin siya ay hindi pwede. 

TYRANT BROTHERS SERIES 1: Maid For You (VIP STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon