Kabanata 19

210 9 0
                                    

Kabanata 19

Pagdating sa labas ay may nakahilerang pica-pica station snack at libre iyon para sa mga empleyado.

Bigla namang nawala sa tabi niya si Merna at nang bumalik siya sa isa sa mga mesa ay naroon na ito at una pa sa pila. Napangiti na lamang siya dahil sa pagiging matakaw nito.

Tumayo na lamang siya sa isang sulok habang naghihintay kay Merna. Habang ginagawa niya iyon ay nagmamasid din siya sa kanyang paligid. Wala na talaga rito ang lalaki sa fifth floor. Napakapit siya sa jacket na suot niya. Aminado siyang gumaan ang pakiramdam niya habang suot ito. Naibsan ang matinding lamig na nararamdaman niya. Ngayon ay iniisip niya kung nasaan ito.

Bumalik naman na si Merna at may dala itong maraming pagkain.

"Number one hakotera ka talaga," nakatawa niya wika. Ngumuso naman ito.

"Nakakagutom kayang makinig."

"Sabagay."

Kumuha na siya ng pagkain at isinubo na ito.

NANG matapos sila ni Merna ay agad din naman silang nagtungo sa locker room dahil oras naman na ng kanilang uwian.

"Hindi mo ba isasauli iyang jacket na suot mo?" tanong pa ni  Merna sa kanya.

"Ha? Ah, hinahanap ko pa 'yong may-ari. Hindi ko kasi nakita kanina paglabas natin ng function hall," pagdadahilan niya pa at halos hindi makatingin kay Merna. Baka kasi mahalata nito ang pagsisinungaling niya. Malakas pa naman ang radar nito.

"Hindi mo ba naitanong man lang ang pangalan niyon?"

"Hindi e," pagsisinungaling niyang muli. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Hindi niya kasi masabi ang totoo kay Merna kahit na gustong-gusto niya namang ipaalam.

"Namumukhaan mo naman ba?"

"Oo naman. Huwag ka na mag-alala. Isasauli ko 'to kapag nagkita kami ulit."

"Guwapo ba?"

"Sakto lang," tipid niyang sagot.

"Huwag mo na isuli iyong jacket."

Nagsalubong naman ang kanyang mga kilay.

"Bakit naman?"

"Remembrance," anito sabay hagikhik.

"Sus," sambit niya na lamang at sabay na napailing ng kanyang ulo.

Kinuha niya na ang kanyang bag at ini-lock na ang kanyang locker. Sabay na rin naman sila ni Merna na lumabas ng building at doon na sila naghiwalay ng landas dahil sa ibang rota naman ito sasakay.

"Ingat ka!" wika pa nito kahit nasa malayo na. Tumango lamang siya kay Merna sabay kaway dito. Pagkatapos niyon ay tumawid na siya sa kabilang kalsada at nag-abang na ng masasakyan.

Habang nag-aabang siya ng kanyang masasakyan ay bigla namang tumunog ang kanyang cellphone. Agad din naman niya itong hinanap sa kanyang bag.

Nang makuha niya ito ay tiningnan niya pa muna kung sino ang caller sa screen pero hindi naman ito naka-register. Kumunot ang kanyang noo dahil para kasing pamilyar ito sa kanya. Kumikit-balikat na lamang siya at sinagot na ito.

"Hello?"

"Oh, hello dear! Did you save my number?"

Namilog naman ang kanyang mga mata nang mapagtanto kung sino ang nasa kabilang linya. Sabi na nga ba't malakas ang kutob niya dahil talagang pamilyar ang number nito. Si Ma'am Delaila lang pala dahil kung nagkataong si Jun ang tumawag. Malamang! May number na naman siyang malalagay sa block list.

Beyond PleasureWhere stories live. Discover now