Chapter 6

4 1 0
                                    

"Kel, ano ang ititinda mo this coming Entrep Fair" Tanong ni Kayla sa akin.

Nasa classroom kami ngayon naghihintay sa next subject namin.

Tinapunan ko siya ng tingin " mag iisip muna ako" sagot ko sa kanya


"Diba tayo tayo lang naman ang pipili kung sino ang kasama natin sa pagtitinda?" Tanong naman ni Cassie. Tinanguan siya ni Kayla.

"Perfect!" Masayang sabi niya. Pumapalakpak pa ang gaga.

Ano na naman kaya ang nasa isip nito at sobrang saya.

"Ano na naman ang iniisip mo bruha?" Tanong ni Kayla.

"Di nyo ba gets? Sympre tayong tatlo ang magkasama. Kasi diba dapat tig tatatlo yung members? Sakto! Ikaw kayla, tapos ikaw Kelsey tapos ako! Sobrang bongga!" Sabi niya sa amin. Kumikislap na ang mata niya sa saya.


"At sinong maysabi sayo na isasali ka namin?" Tinaasan ko siya ng kilay dahilan kaya napatigil siya sa kanyang pagtawa.


"Ay bakit kayo lang bang dalawa ang magsasama sama? Huyy isali nyo ako, promise tutulong na talaga ako sa pag pe-prepare" pangungulit niya.




Noong nag Entrep Fair kami ay hindi gaanong tumulong si Cassie. Kami na ang nagluto ng ititinda namin. Fruitshake tsaka lemon cake ang itininda namin. Marunong kasi akong mag bake at gumawa ng shake. Hindi na rin naman mahirap sa amin ang paghahanap ng pwesto kasi  may pwesto naman kami at ang mga studyante na mismo ang lumalapit sa amin para bumili.


"Oo na. Isasali kana namin. Nag jo-joke lang naman kami" sabi ni Kyla.

"Wahh akala ko kasi hindi nyo ko isasali kasi ganda lang ang ambag ko" sabi niya.

"Oo na te. Sobrang ganda mo na. Halata nga eh sa dinami dami mong jowa" sabi ko habang kumakain ng kikiam.

Natawa nalang si Kyla sa sinabi ko at tinaasan naman ako ni Cassie ng kilay.




The next day, busy kami sa pag prepare ng ititinda namin para sa incoming  Entrep Fair.

"Ako nalang ang mag gugupit nito". Presenta ni Cassie.

Nag gugupit kami ngayon ng mga dapat i designs sa booth namin. Kailangan kasi attractive ang aming booth para marami ang bibili.

"Sure ka?" Tanong ko sa kanya


"Mukha ba akong nag jo-joke?" Saad niya. Hindi na niya ako tinapunan ng tingin kasi busy siya sa pag gugupit.

"Okay" tanging sagot ko


Dumiritso na ako sa kusina para i prepare na rin ang mga gamit at mga kakailanganin para sa pag ba-bake at sa fruit shake na gagawin ko.

Una kung kinuha ang mga gamit pagkatapos ay yong mga ingredients naman. Doon ko nalang sa booth gagawin ang fruit shake kasi madali lang naman.


Nang matapos kong i mixed lahat ay inilagay ko na sa loaf fan at tsaka inilagay sa oven.

While waiting na maluto kinuha ko nalang ang cellphone ko tsaka inopen ang Facebook ko.

Nag iiscroll lang ako hangang may biglang nag pop up sa aking notifications na nag follow  sa akin sa IG. 

I click the  IG notification first at bumungad sa akin ang account ni Theo sa IG.

@Alvarez Theo

1.2 M followers 0 following

I wonder how would he know ang name ng account ko sa IG? I stalk his account.


"Famous ha" sabi ko sa sarili habang nag iiscroll sa kanyang mga post na sobrang hot.

Nasa dagat ang back ground niya at naka polo shirts at trunks siya.

Sunod kong inopen ang Facebook. Sympre i che-check ko ang shared post ko na memes kung may react na ba. Hahahaha

Hindi na bago sa akin ang mga ganyan. I never accept sa mga taong nag a-add sa akin kung hindi ko naman kilala.

Civil Engineer👷

900K followers

My eyes widened ng makita kung sino ang nag friend request sa akin. It was Theo. Maging sa IG ay nag follow siya sa akin. I wonder how would he know ang name ng account ko sa IG? I stalk his account. Naka public ang account niya at ang dami niyang followers maging sa IG.

@Alvarez Theo

1.2 M followers 0 following

Patuloy akong nag iiscroll sa kanyang account sa fb. Hanggang sa napadako ako sa post niya. 1 week ago pa yon.

Theo Alvarez
Just like the moon, im contented admiring you from afar.

Maraming nag comment sa post niya.

Tumaas ang kilay ko sa isang babaeng nag comment.

@Trisha Nicole Gazine
Ouchy! Parang may pinaparinggan:⁠-⁠) wait! Should I mention her here?

Inistalk ko si Trishia at napagtantong kaibigan siya ni Hailey maybe it was Theo's ex girlfriend.

Nagpatuloy ako sa pag babasa ng mga comments

@Marco Ramirez
Tol parang tinamaan kana naman ni Kupido. Hahahaha

@Kaizer Fuentabello
Naks inlab ang gago.

Feeling ko mga kaibigan niya itong nag comment.

@Isabelle V.
Omg. I wonder who's that lucky girl.

@Karina Yaji
Jusme ang sakit, akin ka nalang crush

Maraming nag react na haha sa post niya.

My eyes widened ng makita kong nag comment si Cassie.

@Cassie Cruz
Naks parang alam ko kung sino ang pinaparingan mo.

Wala masyado syang post maliban sa naka tagged siya sa post. It was last December 2023.

Biglang tumunog yung oven sign na luto na ang bine-bake ko.

Inoff ko muna ang data at kinuha at niluto ko sa oven.


"Aray" daing ko dahil nasagi ang isang kamay ko sa oven  kaya napaso ako.

Agad kong binanlawan dahil mamula mula na ito.

"Oh anyare sa'yo?" Lumapit sa akin si Cassie. Napatingin siya sa kamay ko "Napaso ka?" Nag alalang tanong niya.

"Hindi. Hindi ako napaso. Make up lang to nilagay ko sa kamay ko" i sarcastically said. "Obvious naman siguro" saad ko.


"Deserve yan te. Katangahan ba yan or accident lang hahaha" tinawanan pa ako ng Gaga.


"Ako nalang diyan tapos narin naman ako doon sa pag gupit" pinaupo niya ako sa upuan.

Siya nalang ang gumawa sa dapat kong gawin kasi ayaw niya akong pa lutuin ulit baka daw kamay ko na ang i bake ko. Shuta talaga ang babaeng to.

The Broken promise Where stories live. Discover now