Chapter 7

9 1 0
                                    

Marami ng bumili sa mga paninda namin kaya medyo busy na kaming tatlo sa booth.

"Isang lemon cake at isang strawberry shake po" sabi noong babaeng taga Nursing.

"Okay po. Wait lang po ah" sabi ko at kumuha na ng order niya.

Nang maibigay ko na ang order sa babae ay umupo muna ako sa upuan dahil nahihilo ako. Hindi kasi ako kumain ng breakfast kasi nagmamadali kami.

"Wait lang po ah! Isa-isa lang po kasi mahina ang kalaban. Hehe" rinig kong sabi ni Cassie.

"Okay ka lang Kel?" Nag alalang tanong ni Kyla sa akin.

Tumango lang ako sa kanya.

"You're pale" sabi niya


"Hindi kasi ako kumain ng breakfast kasi nagmamadali akong pumunta dito" minasahe ko ang sintido ko.

"Mag relax ka muna diyan. Kami na muna ni Cassie ang bahala dito. Tsaka bibili na lang din ako ng makakain mo ha" she said that melts my heart.

Lumabas na siya sa may kurtina ng booth namin.

"Si Kelsey?" Rinig kong tanong ni Cassie Kay Kyla.

"Nagpapahinga. She looks pale. Even her lips" sagot niya kay Cassie.

"What? Nasaan siya? Naku ito na nga ang sinasabi ko. Sana kasi nag umagahan siya" sabi ni Cassie


"Kaya nga bibili ako ng makakain niya" sagot naman ni Kyla.


Hilong hilo na ako. Isa na rin siguro ito sa dahilan ng hindi maagang pagtulog ko dahil sa pag rereview ko.

"Ah excuse me po, may nagpapabigay po ng breakfast kay Ms Kelsey po" rinig ko naman sabi ng isang tinig ng babae.


"Kanino daw galing?" Tanong naman ni Kyla.

"Ayaw pong magpasabi" sagot naman noong babae.

"Ay naku, 'wag mong tanggapin yan Kai baka kung saan saan pa yan galing. Baka may lason yan. Ayaw ko pang malason ang kaibigan ko. Hindi pa yun nagkaka boyfriend eh" daldal ni Cassie.


"Naku miss hindi po ito galing sa kung saan saan man. Galing po ito sa lalaking naka green na sobrang gwapo" sabi naman noong babae.

"Gwapo? Green? Oh sige akin na 'yan" na excite na sabi ni Cassie.

Maya maya narinig ko ang papalapit na yapak.

"Kel, okay ka lang ba talaga? Gusto mo dalhin kita sa Clinic. Namumutla kana kasi" sabi ni Cassie sa akin.

"No, I'm okay" sagot ko.

"Mabuti pa kumain ka muna tapos magpahinga ka" sabi niya. "Dali na kain na" dagdag niya.

P

agkatapos kong kumain ay nagpahinga muna ako.

"Yes po nandito po siya" rinig kong sabi ni Kyla

"Cas, ikaw ba ang tumuwag sa clinic?" Tanong ni Kyla.

"Hindi". Sagot ni Cassie "Tska ngayon palang sana ako tatawag. Bakit?" Tanong niya

"May nurse kasi na nandito kasi may tumawag daw sa kanya na papuntahin dito sa booth natin". Sabi ni Kayla.

Nagising nalang ako na nakahiga sa clinic bed. Medyo magaan na ang pakiramdam ko ngayon kaya umalis na ako. Nagpaalam na ako sa nurse kanina.

The Broken promise Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang