CHAPTER XVI: GENDER

40 4 0
                                    

🍛🍛🍛

"Omyghad! Jackson tingnan mo!" Sigaw ni Faye, umagang-umaga pero nagsisisigaw na agad sya na ikinakunot ng noo ni Jackson. Sabado ng umaga at pagkakataon iyon ng binata na makapagpahinga pero hindi rin naman sya matahimik dahil inaalala na naman nya si Faye at ang kalagayan nito.

Bumangon mula sa pagkakahiga si Jackson, nitong mga nagdaang linggo ay nag-aalala sya talaga lagi sa dalaga lalo na at malapit na itong manganak. "Bakit?" Tanong nya ng makalapit.

"Natapos ko na!" Nakangiting prisinta ni Faye sa kanya saka ipinakita ang ginawa nitong ternong damit para sa baby, napangiti na rin sya ng makita iyon. "Tsaka may isa pa," sambit nito saka may kinuha sa box at ibinigay sa kanya.

"Crochet doll?" Di makapaniwalang sambit nya. "Gumagawa ka na rin ng ganito?"

Tumango si Faye. "Nagpa-practice pa lang ako actually," ngumiti ulit ang babae. "Nagustuhan mo ba? Naisip kong gawan ka ng ganyan."

Lumapad ang ngiti nya. "Fatima, ang cute nito." Sambit ni Jackson saka pinagmasdan ang crochet doll na keychain. "Talagang kuhang-kuha mo ang laki ng tyan ah," kumento nya, mini version kasi nilang dalwa iyon na magkasama, sya habang nakasuot ng uniporme nya samantalang katabi naman nya si Faye na buntis.

Pumasok sya sa kwarto at kinuha ang susi ng motor nya saka bumalik kay Faye, ikinabit nya ang ginawa nitong keychain sa susi nya. "Salamat," nakangiting sabi nya kay Faye na nakatingin sa kanya.

"Magd-deliver ka mamaya di ba?" Tanong ni Faye pagkaraan ng ilang oras.

"Yup," sagot nya.

"Pwede mo ba kong ibili ng ice cream? Gusto ko ng cookies and cream flavor."

"Sure, walang problema." Sagot nya at natulog na.

Nakahiga sya sa lapag sa sala habang nasa tabi naman nya nagc-crochet si Faye na tahimik lang, pagsapit ng tanghali ay umalis sya para mag-deliver at pagbalik nya bitbit na nya ang pinabibili sa kanya.

"Hi," nakangiting bati nya saka iprinisinta ang binili.

"Thank you!" Nakangiti ring sabi ni Faye sa kanya saka kinuha iyon at naupo sa silya para kainin. Lumapit naman si Jackson at naupo sa tabi ni Faye na abala na sa pagkain ng binili nya, dinukot nya sa bulsa ang pera saka ibinigay lahat sa dalaga.

"Ito na lahat?" Tanong sa kanya na tinanguan nya. "Di ka man lang talaga kumukuha ng para sayo," ismid nito saka binawasan ang binigay nya at ibinalik sa kanya.

"Fatima-"

"-hep! Pang-gas mo 'yan tsaka foods na din."

Wala syang nagawa dahil sa sinabi nito at tinanggap na lang iyon, kinagabihan ay matapos nyang akuin ang paghuhugas ng pinggan para makapagpahinga na si Faye ay pumasok sya sa kwarto at napakunot ang noo ni Jackson ng makitang umiiyak ang babae, agad nyang nilapitan iyon at napabuntonghininga sya ng makitang nanonood ito ng movie kaya umiiyak.

"Fatima, masama sayo ang iyak ng iyak." Paalala nya ng maupo sya sa tabi nito, agad na bumaling ang dalaga sa kanya at yumakap habang umiiyak pa rin.

"Anong magagawa ko? Nakakaiyak 'yong palabas e!" Katwiran nito.

"Andami naman kasing iba, bakit 'yan ang pinili mo?" Tanong nya saka hinaplos ang likod ni Faye para aluin.

"Kasi gusto kong panoorin," dahilan nito na ikinasaltak nya.

"Kahit kailan ka talaga, ang hilig mo sa ganyan." Naiiling na sabi nya saka akmang papatayin na ang laptop ng pigilan sya ni Faye.

"Hindi pa tapos," pigil nito.

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now