CHAPTER II: BAYABAS

92 18 0
                                    

🍛🍛🍛

"Hi!" Nakangiting bungad nito ng harangin sya ng sumunod na araw, hindi nya ito pinansin at iniwasan nya iyon. Tumuloy sya sa loob ng kagubatan at walang imik na naglakad kahit pa kinukulit sya nito.

"Pwede ba!" Inis na sabi nya dahilan para mapahinto ito. "Alin ba sa mga sinabi ko ang mahirap intindihin? Gaano ba kahirap maintindihan na tigilan mo na ako at ayokong maging kaibigan mo?" Galit ng sabi nya dahilan para mapahinto ito.

"Okay...sorry." Mahinang sabi nito saka umalis, napabuntonghininga na lamang sya ng tuluyan itong nawala sa paningin nya.

Sumobra na ba sya? Pakiramdam nya'y oo pero siguro'y tama lamang iyon, upang hindi na mas tumagal pa ang pangungulit nito. Ayaw nyang masanay sa panibagong pagbabago na panandalian lamang at tama sya dahil ng sumunod na mga araw ay hindi na nya ito muli pang nakita.

Ipinagkibit-balikat na lamang nya iyon at nagpatuloy sa araw-araw na buhay habang paulit-ulit na sinasabi sa sariling tama sya, wala lamang magawa iyon sa buhay kaya ginugulo sya at ngayon nga ay sa wakas nagsawa na rin ito.

Abala sya sa pamimitas ng talbos ng gabi upang ilahok sa gata para sa ulam nila mamayang gabi ng pag-angat nya ng tingin ay nakita nya ito, napakurap-kurap sya at napatuwid ng tayo. Kumunot ang noo nya ng ngumiti ito.

"Isang taon pero hindi nagbago ang reaksyon mo sa tuwing makikita ako." Natatawang puna nito.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Dinadalhan ka ng puto?"

Hindi nya alam kung matatawa sya o maiirita, ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa kanya at iniaabot ang hawak.

"Aanhin ko yan?" Mataray na tanong nya.

"Ahmm," napatingin ito sa hawak. "Kakainin?"

Napabuntonghininga sya. "Hindi kita maintindihan."

Napakunot ang noo nito. "Bakit?"

"Bakit mo ba ginagawa ito?"

"Dahil kaibigan kita?"

"Ang weird mo." Naiiling na sambit nya saka bumalik sa ginagawa, lumipat ito sa tabi nya at nakitingin sa ginagawa nya.

"Para saan yan?" Usisa nito.

"Ulam namin mamaya."

"Inuulam pala yan?" Tanong pa nito na tinanguan nya lang. "Anong luto?"

"Ginataan." Tipid na sagot nya saka inilagay ng maayos sa bilao ang mga napitas nya.

"Uuwi ka na agad?" Tanong na naman nito ng ilagay nya sa ulo ang bilao matapos magpagpag ng suot nyang bestida,.

"Marami pa akong gagawin."

"Kagaya ng?"

"Bakit kailangan kong isa-isahin sayo?"

Napailing ito. "Ang sungit mo pa rin talaga." Hindi na sya umimik at ng makalabas sila ng gubat ay iniabot nito sa kanya ang supot. "Huwag mong subukang humindi, pasalubong ko yan."

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang