Tara na't simulan

19 1 0
                                    

Ako si Niña. Kaibigang matalik AKO ni Eduardo. Oo "AKO" talaga, kasi para sakin hindi pagiging isang kaibigan ang kaya kong ibigay sa kanya. Simpleng tao lang si Eduardo, musikero na may magandang boses. Magaling syang magrap at hilig nya ang pagpifreestyle. Kuntento sya sa mga bagay na mayroon sya at ineenjoy lang ang bawat araw na dumadaan sa kanya. Para syang bata, pero pag seryoso ang usapan. Daig pa nya tatay at nanay nyo sa panenermon.

Nakilala ko si Eduardo nung 1styear ako. Nung pagtripan ako ng mga lalaking bully sa school namin. Pito sila at mga 3rdyear kaya walang estudyanteng tumutulong sa akin kahit nakikita na nila na pinagtitripan ako. Takot sila sa mga bully na 'to kasi mukha talaga silang goons kaya pati ako natatakot na din. Nakabilog sila at pinagpapasa-pasahan akong itulak. Enjoy na enjoy sila sa pangtitrip sakin. Nakayuko lang ako at naiiyak kasi wala akong magawa.

Inaantay ko na lang sila na magsawa sa pangtitrip, ng may marinig akong boses ng lalaki. Nung iangat ko ang ulo ko, nakita ko kung sino ang nagmamay ari nung boses. Di ko alam kung bakit pero parang may humaplos sa puso ko ng makita ko yung lalaki.

"Tigilan nyo na nga sya."

Mestiso ang lalaki at medyo slang pa ang pagtatagalog. Cute, kulay orange yung buhok.

Di sya nagpakatangang makipagbugbugan sa pitong bully na 'to, kasi alam niyang di nya naman talaga kaya yung pito. Na amaze ako sa kanya kasi di sya nagyabang na isave ako sa mga bully na 'to, physically.

May kasama na syang teacher sa likod nya. Kaya 'yon! Dinala yung pito sa guidance office.

Naglalakad na paalis yung lalaki ng habulin ko siya.

"Salamat."

Ngumiti lang siya sakin saka tumalikod at humakbang paalis.

Ilang araw lang, nagulat ako nung maging kaklase ko sya. Section 1 ako at nalaman kong section 6 sya. Sabi ng adviser nya "Late enrollee si Eduardo, matalino sya, kaya deserving sya na mapunta sa section1."

So, kaya yun! Inilipat na nga sya sa section namin.

Nalaman ko lang na Eduardo ang pangalan nya nung magpakilala sya sa harap ng klase namin.

At sobrang kumabog yung dibdib ko ng sabihin ng adviser namin na, "Eduardo, seat beside Niña."

"Maam, Who's Niña?" tanong ni Eduardo sa adviser namin at ewan ko ba kung bakit bigla ko na lang itinaas ang kamay ko at ngumiti sa kanya. Sinapian ata ako.

So umupo sya sa bakanteng upuan na nasa kaliwa ko. Tahimik lang sya kaya tumahimik na lang din ako. Pero sa loob-loob ko, sobrang ingay ng tibok ng puso ko. Nagwawala na!

Simula nung maging magkaklase kami ay naging magkaibigan na kami ni Eduardo. Hindi rin nagtagal, naging bestfriend ang turingan namin sa isa't isa.

Hindi kami naghihiwalay. Pag sa school sabay kami palaging kumain. Pati sa pagpasok at paguwi sabay kami. Madadaanan kasi ang bahay namin bago ang bahay nila Eduardo kaya ganun.

Nagsecondyear at nagthirdyear na kami pero hindi pa din kami nagkakahiwalay ng section kasi minemaintain naming pareho ang mga grades namin. Di man kami magkatabi ng upuan, masaya ako na magkasama parin kami sa iisang classroom.

Nagtetext at nagchachat na din kami. Pag naguusap, di nauubusan ng topic.

Palagi din kaming naguusap sa phone bago matulog sa gabi. Kaya mas lalong nahuhulog loob ko kay Eduardo.

Pa-FALL.

Palagi din kaming nagjajamming, sya maggigitara ako pakakantahin nya. Feeling ko nga para kaming nasa relationship eh, kaso ako lang ang may feeling na ganun. Siguro talagang itinuturing lang ako ni Eduardo na nakakabatang kapatid kaya ganun yung care nya sakin.

Little BirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon