Paper Airplanes [One-Shot]

493 21 14
                                    

Pangatlong one-shot! Hahaha! Eto'y para sa isa pang kaibigan ko. Sana 'di kayo magsawa kakabasa ng mga 'to. Wahahahaha.

PS. LHEEEES, eto para sayo. Hihihi. Eto si Andrew Allen. AA kung mapapansin mo. Alam mo na! Wahaha! :* Labyu.

TENKYU SA LAHAAAT NG TUMATANGKILIK NG ONE-SHOTS KO. MAHAAAAL NA MAHAL KO KAYO. :"">

----------------

“Andrew, crush talaga kita... Matagal na...”

OO, ako ang nagsasalita. Ako. Si LA.

Okay na diba? Inaamin kong crush ko si Andrew. Pero ang masaklap, wala akong kausap. Kasi ‘yang sinasabi ko, sinusulat ko sa isang papel.

Andrew, crush kita. Matagal na.  -Loreen Angel

Yan ang sinulat ko sa papel. Tapos tinupi ko. Finold ko into a paper airplane.

Tumayo ako, at pumunta sa gilid ng bubong. At doon ko pinalipad ang paper airplane ko.

Every week ko itong ginagawa.

Umaakyat ako dito sa rooftop at nagsusulat ng... sabihin na nating notes/letters para kay Andrew. Tapos ginagawa kong airplane at pinapalipad.

Hindi ko alam kung saang lupalop ng earth ko nakuha itong ritwal na ‘to. Hahaha!

Siguro dahil gustong-gusto kong gumawa ng paper airplanes, at naisipan ko nalang sulatan ng mga confessions ko.

Pero deep inside, nagdadasal din ako na dumating kay Andrew lahat ng paper airplanes ko. Para naman malaman niya ‘tong feelings ko para sakanya.

Eh kasi naman. Ang tagal-tagal ko na talaga siyang crush! Ilang taon na din.

Ang gwapo kasi niya! Sobra! Hihihi. ♥(ノ´∀')

Idagdag mo pa na sobrang bait niya. As in! Hindi siya yung tipong heartthrob na matinik sa chicks o kaya mayabang.

Sobrang bait lang talaga niya. Lagi siyang nakangiti. Palatawa. Napaka-kwela. Lahat pinapansin niya.

‘Pag kakausapin ka niya, feeling mo super close na kayo!

Tapos ang galing pa niyang mag-basketball! Siya ang team captain ng school varsity! Ohdiba? San ka pa! Hahaha!

Napaka-friendly niya at approachable.

Nung one time nga na pinatawag siya ng teacher namin, sobrang kinakabahan akong lapitan siya. Kasi ‘di naman kami close!

Pero nung kinausap ko na siya, grabe! Parang lalo lang akong nahulog sakanya ehh!

Paano ba naman, nakasmile siya ng todo-todo! Tapos nakipag-joke pa siya sakin. Taaaapos kung makatawa naman daw siya kasama ako, kala mo close na close kami. Hihihi.

Sana nga close kami eh! Haaaayy! ♥(ノ´∀')

Pero hanggang ganito lang kami ehh. Schoolmates. Batchmates pa kung mas close yun.

Sa totoo lang, gusto ko din ipaalam sakanya na crush ko siya ehh. Kaya lang, wala talaga akong lakas ng loob para sabihin sakanya ng harapan. Kaya dinadaan ko sa paper airplanes.

Haaayy.. Sakit naman! >.<

Wala pa naman akong nababalitaang may girlfriend na siya.

Pero ewan. Ang sabi kasi ng iba, wala siyang type sa school namin. Yung iba naman, sabi may crush daw siya.

‘Di ko tuloy malaman kung anong paniniwalaan ko!

Pero either way, masakit parin ehh! TT__TT

Haaayyy... Ba’t ba ganito?

Paper Airplanes [One-Shot]Where stories live. Discover now