TULA #11 (Guhit Sa Braso)

23 6 0
                                    


GUHIT SA BRASO

Mga guhit sa braso'y tila mga salita,
Naghahayag ng poot, lungkot, at hina,
Para bang sa kalungkutan ay nakatanikala,
At parang nakakulong sa pinto ng mundong nakasara.

Sa bawat guhit na nakalagay,
Maraming luha't hinagpis na taglay,
Tila ayaw ng manatili pa sa mundo,
At ayaw ng humarap sa mga tao.

Lahat ng nararamdamang inililihim,
Ay lumalabas pagsapit ng dilim,
Ang hanap ay bagay na matatalim,
At guguhitan ang braso sa lilim.

Hinihiling na sana'y sa paghilom ng ng sugat,
Ay s'yang paggaling ng nararamdaman,
Alam kong ako'y mahihirapan lalo pa't ito'y nakasanayan,
Subalit akin paring susubukan.

Balang araw...

Ipagdiriwang ang pagbangon,
Maghihilom ang mga sugat ng kahapon,
Gagawa ng mga panibagong kabanata,
Kung saan ginihiling na sana'y wala ng luha.

Mga Tula Ni SolWhere stories live. Discover now