TULA #7 (Lilim)

34 6 0
                                    


Lilim

Sa ilalim ng nagniningning na lilim ng mga bituin,
Batid nating may isang tao'ng laging nakasubaybay at nakatingin,
Ang hatid n'yang liwanag sa ating mundong tila kay dilim,
Ay nagiging dahilan ng pag-asa at kasiyahan sa atin.

Sa bawat araw, sandali, at maging sa gabi,
Naroon s'ya at handang makinig at umintindi,
Sa mga pagkakataong tayo ay nababalot ng lilim ng kalungkutan,
Nariyan siya't handa tayong samahan.

Sa kaniyang lilim tayo manatili,
Gaya ng pananatili n'ya sa ating tabi,
Mawalan man tayo ng mga kasamang tao,
Siya'y mananatili naman sa ating isip at puso.

Tanging sa kaniya lamang matatagpuan,
Ang lilim ng pagmamahal na lubusan,
Na kailanma'y hindi kayang tumbasan,
Ng kahit ano pa man.

Kaya't mahalin natin ang taglay niyang kakaibang lilim,
Na nag-aalay ng pagmamahal at pag-asa sa mundong puno ng lihim,
Tandaan na sa bawat stanza ng ating kaniya-kaniyang buhay,
Ang kaniyang tugmang taglay ay tunay.

Mga Tula Ni SolWhere stories live. Discover now