Chapter 6. *Sorry*

1.9K 57 10
                                    

Dedicated to: MariaIsabelaGaleria. Thank you for reading >:D<

---

CHAPTER 6

Patrick’s POV

Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako ngayong araw na to. Dinala ko na kahapon yung mga shinopping ni Tine sakanila. Yung mga iniwan niya sakin nung gabing nagalit siya sakin at sinampal niya ko. Magdadalawang araw ng hindi ko siya nakikita. Galit parin kasi siya sakin.

Andito lang ako sa bahay at nag gigitara mag damag. Nagulat nalang nga ko ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko at biglang pumasok yung mga kaibigan at kabanda ko.

“Uy bro! Ngayon nalang kita nakita sa bahay nyo ah. Parati kang wala eh! Parati kang may date sabi nung kapatid mo eh!” Panimulang bati sakin ni Kats sabay bato ng isang lata ng pringles.

“Oo nga. Seryoso ka ba dun sa chikababes na kasama mo sa mall? Pare, maganda ah! Kaya lang mukhang ina-under ka eh.” Sabat naman ni Lester habang ina assemble yung xbox ko. Ano bang ginagawa ng mga to dito at parang nire-raid yung kwarto ko?

“For sure, may tama ka talaga dun. Kasi kilala kita eh. Hindi ka basta basta nagpapa  under sa babae. Last kitang nakitang nagkaka ganyan nung kay Lia pa eh.” Sabi naman ni Seth habang kumukuha ng pringles na hawak ko.

Bigla naman akong natauhan dun. May tama nga ba ko sakanya? Teka, ilang araw ko palang siya nakikilala ha. Pwede ba naman yun? Teka nga, matanong nga tong tropa kong sanay sa mga babae. Ako kasi, bad boy look man ang dating, loyal talaga ko eh. Hindi ko kayang manloko ng babae. Kasi pano kung si mama yung ganunin diba? Pre! Makakapatay ako!

“Teka nga mga bro, hinahot seat nyo nalang rin lang ako, sasagadin ko na. Sa tingin niyo ba pwedeng mangyari yung ilang araw niyo palang siyang nakilala, gusto nyo na agad siya? Lalo na kung yung ugaling pinapakita niya, daig pa amazona!”

Nagka tinginan naman sila. Nilapag nila yung controllers ng xbox tapos humarap silang lahat sakin at tinignan  akong parang may nagawa akong malagim na krimen!

“Alam mo bro, hindi sukatan yung kung gano niyo katagal kakilala yung isa’t isa. Kundi yung kung anong pinagsamahan niyo. Katulad mo, bakit hindi mo tanungin yung sarili mo kung bakit namimiss mo siya ngayon sa kabila ng pagiging amazona niya?”

Bigla naman akong napaisip sa sinabing yun ni Seth. Sabay hinampas ko siya ng unan sa mukha. “Teka nga! Sino bang may sabing namimiss ko siya?”

“Utut mo pare! Tanga lang maloloko mong hindi mo siya namimiss. Kung nakita mo lang yung mukha mo kanina kung gano ka nakatulala diyan! Tropa mo kami kaya hindi mo kami maloloko dito!” sigaw naman sakin ni Kats.

“Grabe naman kasi. Hindi ko na nga maintindihan eh. Hindi naman ako ganito eh! Wala naman akong pake sa nararamdaman ng ibang tao! Pero nung nakita ko siyang umiiyak nung una kaming nagkita, parang may something eh. Parang may tumutulak sakin at nagsasabing ‘kailangan niya ko’.”

“Yan ang tinatawag na love at first sight. Tsk! Iba na yan pare. Tataya ako ng isang libo. Dadating yung araw na maamin mo rin sa sarili mo na gusto mo yang babaeng yan!” sabat ni Lester na kain parin ng kain ng pringles.

 After ng nakaka kilabot na usapan namin ng tropa, naglaro nalang kami ng xbox magdamag para magpalipas oras. Maya’t maya ko rin tinitignan yung cellphone ko at chinecheck kung nag text naba siya. Baka kasi magalit sakin pag hindi ako nakapag reply agad eh, pero wala paring text eh.

30 days of summer with him. ❤ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon