Chapter 1. *Break up*

3.4K 70 9
                                    

*A/N: Dedicated to all Kathniel fans, dahil sa dami ng gusto na magkaron ako ulit ng KN fan fic, eto na siya. XD Summer special lang siya, so baka 10-20 chapters lang siya at tatatapuin ko siya ngayong summer. GOOD NEWS! Mag bibigay ako ng soft copy after kong matapos ang story na to. XD

Kathryn Bernado as Tine Bernardo

Daniel Padilla as Patrick Araneta

CJ Navato as Karl Fernandez

Vote and comment. <3

 -- -- ---

Chapter 1

 

“Ayoko na Tine. Tama na! Puro nalang tayo away, wala ng patutunguhan tong relationsip na to! Sawang sawa nako! Sakal na sakal na ko. Ayoko na!! Mas mabuti pang mag break nalang tayo!!” sigaw sakin ni Karl habang umiiyak parin ako. Bakit pag tinitignan ko yung mga mata niya, nakikita kong buo na talaga yung decision niya na makipag break sakin? Isang  taon at kalahati niya kong naging girlfriend, pero bakit parang hindi siya nahihirapan na makipag break sakin?  Bakit parang ako lang yung nasasaktan saming dalawa?

“No! I don’t want a break up. We can still fix this. Okay, I’ll try to be mature. Gagawin ko yung best ko para intindihin ka lagi. Just please, wag tayong mag break. Maaayos natin to.” Sabay hawak ko sa braso niya habang tuloy tuloy parin sa pag iyak.

“Tine, Wala na. Wala na tayong maaayos pa! Kasi alam naman nating matagal na tong sira at parehas nalang tayong nag titiis!” Tinatanggal ni Karl yung pagkakahawak ko sakanya, pero talagang hindi ko siya binibitawan. Humahagulgol narin ako ng iyak ng dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.

“Bakit ganun ganun nalang? Handa kang itapon nalang lahat? Bakit?! Totoo ba yung balita ha? Gusto mo si Andrea? Gusto mo yung best friend ko?!” Hindi siya makasagot at tuluyan niyang tinanggal yung pagkakahawak ko sa braso niya. Wala nakong nagawa kundi lumuhod sa harap niya. Kahit ang daming tao sa paligid namin na nakaka kita. Kahit na nakakahiya, wala akong pakialam. Kasi mas mahal ko siya kesa sa pride ko. Takot talaga akong mawala siya sakin, kasi pag nawala siya, hindi ko na alam kung anong mangyayari sakin.

“Tine please, hindi yang pag luhod mo dyan ang magpapabago ng desisyon ko! Wag mo ng ipahiya pa yung sarili mo. Kasi kahit na ano pang pilit natin, talagang hindi na pwede!”

“Mahal mo naman ako diba? Handa akong magbingi bingihan sa mga narinig ko tungkol sainyo ni Andrea, basta sabihin mo lang na mahal mo pa ko. Kasi Karl, kahit anong mangyari, kahit anong away pa yung dumating satin, mahal parin kita eh. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin pag nawala ka. Hindi ko kaya! Siguro kaya ko, pero ayoko. Mahirap. Malungkot. Hindi kompleto!”

“Grow up Tine! Masyadong kang dependent! Nakakasakal ka na! Simula ngayon, kayanin mong wala na ko. Hindi ba mas masakit kong mag sstay ako sa tabi mo, pero hindi na naman kita mahal?!” napahinto ako sa sinabi niya. Ano daw? Hindi niya na ko mahal? Pano nangyari yun? Pano niya nagawang sabihin yun sa harap ko habang eto ako at nakaluhod sa harap niya at sa harap ng maraming tao? Kanina pa ko napapahiya sa harap nila, pero wala akong pakialam. Pero nung marinig ko yung salitang ‘Hindi na naman kita mahal’ parang sinampal niya ko ng sobrang lakas.  Pero bakit sa sampal na yun, hindi parin ako magising sa katotohanan? Iiwan niya nako? Itatapon nalang namin lahat ng pinag samahan namin ng ganun ganun nalang?

30 days of summer with him. ❤ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon