8

3.1K 255 91
                                    

Ville Jet Abellar

"Bakla!!!!!!"

Mariin akong napapikit nang marinig ang matinis na boses ni Louise. Hindi ko sana siya papansinin pero bigla kong naalala ang nangyari noong birthday ko. Hinarap ko siya at saka ako humalukipkip.

Pinaningkitan ko siya ng mata nang makalapit siya sa akin. Feel ko talaga may kinalaman tong baklitang 'to noong birthday ko kaya ngayon lang nagpakita. Isang linggo na ang dumaan nang mangyari 'yon.

"Kumusta ka na?! I miss you, bakla!" Dinambahan niya ako ng yakap at akmang hahalikan sa pisnge kaya mabilis kong tinulak palayo ang mukha niya.

"Kadiri ka! Lumayo ka nga. Pinagtitinginan na tayo."

Inismidan niya ako saka siya lumayo at pabiro akong tinulak. "Ang arte-arte mo na. Porke't close na kayo ni fafa Rocket." Isang malakas na tili ang pinakawalan niya pagkatapos tas inalog-alog pa ko.

"Anak ng!" Malakas ko siyang hinampas pabalik para tigilan na niya ako. Kung di ko lang 'to kaibigan matagal ko na 'tong pinagsisipa. "Umayos ka nga, gaga ka!"

"Ikaw ha! May pa-hate-hate ka pa kay fafa Rocket. Charotera ka, bakla! May something na pala. Kabwiset ka!" Pumadyak ba ang bakla na parang bata. 

Pinaikutan ko siya ng mata. "So ikaw nagsabi sa kaniya kung nasaan ako?"

"Duh! Makakahindi ba ko, baks? Ang gwapo kaya niyang ngumite." Ang kinikilig niyang sabi saka hinampas na naman ako. "So ano ng chika? May LQ kayo? Sinusuyo ka niya? S-in-urprise?"

"Bwiniset!"

Agad nag-init ang pisnge ko nang maalala na naman iyong nangyari noong birthday ko. Akala ko tapos na 'yong mga stuffed toys, may binigay pa siyang sapatos. Medyo kinilabutan pa ako. Parang ang oa na? Gano'n ba mag-sorry mga mayayaman?

"Pero pano kayo nagkakilala? Nahuli ka bang namboboso?" Ang kuryuso niyang tanong. Kaagad ko siyang binatukan at sinamaan ng tingin. Medyo close pero hindi naman. 

"Hindi mo ko kagaya, bakla ka. Nagpapa-tutor 'yon. Gustong magpabango kay Blythe Ong," ang kwento ko saka nagsimulang maglakad.

Gusto ko sanang sumakay na lang ng jeep papunta sa sakayan at ang sakit na ng paa ko sa ginawa naming pagtakbo sa P.E class namin kanina kaso nasasayangan ako. Malapit na lang din naman.

"Hala!" Mabilis siyang sumunod sa akin at saka kumapit sa braso ko. "Eh paano ka?"

Luh, ano namang kinalaman ko? "Paanong ako? Anong kinalaman ko do'n?"

"Crush mo si Rocket 'di ba?" Ang malokong tanong niya sa akin.

Hinampas ko ng payong ang bibig niya saka lumingon-lingon sa paligid. "Itikom mo nga 'yang bibig mo. Saka anong crush? Di ko na 'yon crush. Ang sama ng ugali no'n."

"Weh? Panong di mo crush? Naka-like ka nga sa fan page niya sa ig at facebook di ba? Tas b-in-a-bash mo rin 'yong mga babaeng nakaka-link niya sa twitter."

"Crush mo si Rocket?" Pareho kaming napalingon ni Louise sa likuran nang may magsalita.

Pinanliitan ko ng mata si Jasper na naka-ngiseng demonyo sa akin. "Hi, Ville. And you are?" Tanong niya kay Louise na natuod na sa kinatatayuan niya.

Mismatch With The PlayboyWhere stories live. Discover now