Chapter 2: Dream

3 1 0
                                    

Still Ayumi Claire Pov.

' Anak patawarin mo kami ' sambit sakin ni tatay habang yakap yakap si nanay.

Nasaan kami bat sobrang dilim sa lugar na ito?

' Nay , tay buhay po kayo atsaka po nasaan tayo '
tanong ko naman.

' Anak patawarin mo kami pero nagsisimula palang ang tadhana mo ' saad naman sakin ni ina'y habang umiiyak.

' Po ano pong ibig niyong sabihin? ' takang tanong ko naman sa kanila.

' Hindi pa  ngayon ang panahon anak malalaman mo din ' sabi naman ni ita'y sakin habang yakap yakap ako.

' Patawad patawarin mo kami ng ita'y mo , patawad ana- '

Nagising nalaang ako na sobra ang pawis ko. Napanaginipan ko na naman sina ita'y humihingi pa din sila ng tawad sakin.
Ano ba ang ibig nilang sabihin?

Tutulog pa sana ako ngunit hindi na ako dinalaw ng antok.

Pagtingin ko naman sa cellphone ko ayy pasado alas singko na kaya bumangon na ako.

Nagluluto ako ngayon ng ulam dahil tapos na akong magsaing.

Kring kring!

" Hello ohh ano yun jasmin " sagot ko naman sa kaibigan ko.

" BAKLA!! Owemgi hiwa-" tili naman nito ,kaya nailayo ko tuloy ang telepono sa tenga ko.

" Pede ba wag kang tumili nakakarindi saka ano ba yun sino ang hiwalay " tanong ko naman

" Behh wag mong sabihin na di mo pa nababalitaan si Prince Aiz at ang jowa niya hiwalay na daw " kinikilig naman na sabi nito.

" Ohh ehh ano naman? saka sino ba yang aiz na yan "

" Omg bakla ka wag mong sabihin na di mo kilala si papa aiz "

" Hindi bakit? " maikli ko naman na tanong dito.

Toot toot-

Hilig talagang magpatay nito ee.

Ngayong araw pala ay balak kong maglinis nalang ng bahay  dahil puno na ng sapot.

Natapos na akong kumain kaya heto ako ngayun hinuhugasan ko na ang pinagkainan ko, pagkatapos ko naman hugasan ayy nagwalis na ako sa salas.

——————

Nagstrech strech naman ako ng katawan ko tapos ko na palang linisin ang buong bahay grabe.

Tok tok!

Hindi agad ako sumagot dahil baka adik o baka yung dating nakatira sa bahay ang nasa labas ng pinto.

" TAO PO TITA MARITES SI RYAN PO ITO "

Binuksan ko naman ang pinto at bumungad sakin ang isang lalaki na sa tingin ko ay bata sakin ng 3 taon.

" Ate nandyan po ba sa tita? " tanong naman nito sa akin.

" Wala siya dito sa kabilang bahay siya " sagot ko naman.

" HUYY RYAN ANONG GINAGAWA MO DIYAN DITO " biglang sigaw naman ni ka Natoy.

" Pasensya na ate di ko po alam Ryan po pala " ngiting  pagpapakilala nito sakin.

Tinanguan ko lang ito kaya umalis na.

Pagkaalis ni Ryan ay sinarado ko na ang pinto. Pagtingin ko sa orasan ay 11 na pala. Kaya pumunta ako sa likod bahay para kumuha ng mga gulay.

May garden din pala dito sa likod umulan kagabi kaya hindi ko na ito diniligan meron din dito maliit na sapa.

Pagkakuha ko ng maliit na kalabasa, sitaw, talong , at okra ay ginayat ko na ito at niluto. Pakbet nalang pala ang luto na ginawa ko dito.

Pagkatapos kong kumain ay naidlip muna ako sa sofa na kawayan.

———————

Nagising ako ng Alas dos. May pasok na pala bukas kaya naisipan kong mamalengke.

Nagsuot lang ako ng long skirt at croptop saka sandals na white. Kahit naman ganto ako sa buhay ayy kahit papaano ayy nakaka sabay pa ako sa panahon ngayun.

Pagkadating ko sa palengke ayy bumili na ako ng hipon, isda, alimango, at mga gulay. Kasunod kong pinuntahan ayy 7/11 kumuha lang ako ng mga de lata, frozen foods at noodles. Kumuha na din ako ng curls at chocolate.

Pagtingin ko sa relo ko ay alas tres palang kaya naisipan kong pumunta munang mall.

Nakaagaw pansin sakin ang isang kulay white na pang beach na top na may kapartner na long skirt na white din hawak ko na ito ng biglang agawin ng isang babae.

Pagtingin ko dito ay blonde ang buhok nito at sobrang puti matangos din ang ilong nito at kung titingnan mo ay perpekto ito.

" Miss pede sakin na muna balak ko kasing magbeach para maka move-on minlang ehh " pakiusap naman nito sa akin.

'Hindi lang pala siya maganda mabait din'  saad ko sa isip ko.

" Pede miss? " tanong nya ulit sakin.

"Sige po" ngiti ko namang sagot dito.

Ngumiti naman ito sa akin at mukhang nagpapasalamat  at agad na pumunta sa cashier para bayaran, napansin ko din na medyo nagulat pa nga ang cashier sa kanya na hindi ko nalang pinansin.

Wala na akong ibang natipuan kaya naisipan ko nang lumabas pero bigla kong nakita ang mini ref na hindi na daw kailangan ng kuryente. Tanging tubig daw ang magpapagana dito.

1k lang ito kaya naisipan kong bilhin sahod ko pala kahapon at 4k ang sahod ko kaya malakas ang loob kong mamalengke.

Agad akong tumawag ng taxi dahil di ko kayang bit bitin ang mini ref na ito, nagpatulong na din ako sa guard magpasakay.
_______

Pagkadating ko sa bahay ay inayos ko na agad yung mini ref pinatong ko lang ito sa isang mesa na bakante at nilagyan ko na din ng tubig ang ibabaw. Totoo nga na nagyeyelo na ito kaya hinugasan ko na din ang mga isda at iba kong pang pinamili at nilagay sa ref.

Nilagay ko din sa ref ang chocolate,  hindi na ako bumuli ng mga drinks dahil hindi naman ako mahilig dun. Tubig lang ay sapat na sa akin.

Nang matapos na akong magayos ay kumain na din ako.

Alas syete na kaya naisipan ko nang tumulog, nilock ko na ang pinto at bintana saka umakyat na sa taas.

Nalalagkitan naman ako sa katawan ko kaya naglinis na muna ako bago humiga.

Maya-maya pa ayy nilamon na akong ng antok.

I'm the long lost witchWhere stories live. Discover now